Chapter 34: Please Stay

11 1 4
                                    

MOLLY'S POV

Ang sakit makita na ang mga kaibigan mo nagkakaroon ng sakit o naaaksidente... sa pangalawang pagkakataon nakita ko si Bal na inatake. Samantalang nang makita ko ang duguang si Vienna'y parang gusto ko na lamang magising sa isang bangungot, kung bangungot nga bang matatawag ang nangyayari ngayon.

Tandang-tanda ko pa kung gaano kahigpit ang naging hawak ni Bal sa braso ko bago ito tuluyang bumagsak sa sahig at mawalan ng malay. Sa pinaghalong gulat at pag-aalala'y napasigaw na lamang ako. Na sa pagsigaw ko'y maririnig ni Vienna na magiging dahilan ng pagkakaaksidente nito.

Kitang-kita ko kung ilang beses itong nadapa para lang mabigyan ng paunang lunas si Bal. Gusto ko silang tulungang dalawa subalit hindi ko alam kung paano at sino ang unang titingnan o hahawakan man lang.

Habang tumatagal ay mas kumakalat ang bahid ng dugo na lumalabas mula sa mga sugat ni Vienna habang nagsisimula itong i-CPR si Bal.

Kung hindi pa dmating ang tulong at nadala agad sa ospital sila Vienna at Bal ay baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon. Natulala ako habang papalayo ng papalayo ang sirena ng ambulansiya. Nag-umpisang manginig ang mga kamay ko at ang siyang pagbuhos ng mga luha ko.

Hindi ko magawang umiyak kanina sa sobrang gulat. Bakas pa sa sahig ang naiwang dugo mula sa mga sugat ni Vienna na humalo na sa tubig ulan na naipon sa pinangyarihan.

Kinahapunan ay hindi ako makapag-focus sa bawat klaseng pinasukan ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko kahit na sobrang lamig sa loob ng classroom ay hindi ko ito alintana. Ang nasa isip ko lamang ay ang kalagayan nilang dalawa.

Halos hindi ko matandaan kung paano ako nakauwi sa'min matapos ang huli kong klase. Mabuti na lamang at hindi ako natatawag sa mga discussions dahil hindi ko alam kung makakasagot ba 'ko ng tama... mukhang sa laman ng isip ko'y malabo akong makapagproseso ng mga leksyon.

Hindi na ako nag-abalang magpalit pa ng damit matapos kong ibaba ang bag ko. Naupo ako sa harapan ng personal computer ko. Pinakatitigan ko lamang ang monitor at hindi ko naman talaga ito gagamitin.

Agad na bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan... iniwasan kong gumawa ng kung anumang ingay dahil ayokong mag-alalala sa'kin si Mama... hindi ko alam kung ilang minuto o inabot ba ng oras ang pag-iyak ko. Hindi ko kayang sabihin kung gaano ako nasasaktan sa nangyari.

Kasalanan ko 'to, e! kung hindi ako sumigaw hindi sana maaaksidente si Vienna... kasalanan ko kung bakit siya naaksidente...

Itinaas ko ang magkabila kong tuhod at iniyakap dito ang magkabila kong braso't patuloy na umiyak... hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa ganoong posisyon kaya naman noong magising ako'y masakit ang likod at batok ko.

Lumabas ako ng kwarto kahit na nararamdaman ko nang bumigat ang pakiramdam ko... naghanap ako ng pagkain dahil nakaramdam ako ng gutom. Mabuti na lamang at ipinagtira ako ni Mama kaya naman napawi rin ang gutom ko.

Naririnig kong umuulan pala sa labas. Kaya naman napagpasyahan kong lumabas... dinama ko sa kanang kamay ko ang patak ng ulan. Napakasarap nito sa pakiramdam at hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari.

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong dinadama ang malamig na ulan sa buo kong katawan... hindi ko na matandaan kung kailan ako huling naligo sa ulan. Dinama ko ito hanggang sa ito na lamang ang bukod tanging naririnig ko dahil sa sobrang lakas g pagbagsak nito.

Tumingala ako sa buhos ng ulan...maging ang mga ulap ay kay bigat kahit na madaling araw na.

Ang bawat luha'y tinatangay ng mga patak ng ulan. Itinaas ko ang kanang kamay ko't muli itong dinama... matapos ang paglalagi ko sa ilalim ng ulan ay napagpasyahan ko nang pumasok sa loob. Hindi ko alam subalit pakiramdam ko'y lalo lamang bumigat ang pakiramdam ko.

Love, Halo Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now