Chapter 30: Escuchando Odio

6 1 2
                                    

MAMA LING'S POV

Masakit makita para sa isang ina ang kanyang anak na umiiyak ng walang humpay dahil ang pinakamamahal nito'y pilit nakikipaglaban sa sarili nitong buhay na pilit inilalayo't ipinagkakait ng tadhana.

Alam kong hindi okay si Halo ngayon lalo na't ganitong may mga oras na inaatake ng seizure si Jupiter. Kitang-kita ko sa mga mata nito kung gaano ito nag-aalala para sa binatang si Jupiter. Mula noong naospital ito'y lagi niya itong binibisita.

Kahit may mga araw na may sakit ito'y bibisitahin pa rin nito ang binata. Hindi naman magawang pigilan dahil mas kailangan niya ngayong humugot ng lakas para magpatuloy na lumaban kasama nito.

Noong dumating ang pamilyang Suarez sa katabi naming bahay ay nagbago ang lahat.

Noon ko lamang nakitang ganoong kasaya si Halo sa kabila ng sakit na mayroon siya. Noon ko lamang nakita kung gaano ito kasaya noong kalaro nito ang batang Suarez na 'yon.

Noon ko lang din nakita kung gaano ito mag-alala kay Halo sa t'wing ito'y dinadala sa ospital o inaatake ng sakit nito.

I see and watched how their bond grows through the years... nakakatuwa lang na sa kabila ng kamalditahan at pagsusungit nitong si Halo ay nandyan pa rin si Jupiter.

Laging nag-aalala sa kanya kung kumusta na ba siya. Noong nag-aaral pa ito sa med school ay tuwing weekends ay nabisita ito sa bahay ng patago... 'yon kasi ang panahon na nagkaroon sila ng away at hindi ko alam kung ano 'yon.

Hindi ko na rin inusisa dahil problemang personal 'yon. Magsasabi naman si Halo kung gusto niya kaya naman hinayaan ko na lang ito.

Kaya naman noong nagkausap kami ni Dr. Claude na magreretired na siya bilang doktor ni Halo ay nakiusap ako na kung pwede ang anak na lang nitong si Jupiter ang maging bagong personal doktor nito.

Dahil panatag ako na matutulungan niya si Halo at muli silang magkakalapit sa isa't-isa. At hindi naman ako nagkamali dahil bumalik sa dati ang turingan nilang dalawa.

Hindi ko lang lubos maisip na magiging ganito ang lahat... na kung kailan akala ko'y pwede na hindi na naman pala... akala ko hamon lang ang nangyari noon... subalit hindi pa pala tapos ang hamon sa kanila.

Naglakad ako papalapit kay Halo. Habang palapit ako ng palapit ay nananaig sa magkabila kong tainga ang pag-iyak nito. Pinigilan kong maiyak dahil ayokong makitang panghinaan siya ng loob. Mas dapat kong ipakita na makakapita niya 'ko na dapat magpakatatag ako para sa kanya- sa kanilang dalawa dahil pareho silang lumalaban.

Ginawaran ko siya ng isang yakap... yakap ng isang inang nagsasabing naririto lamang siya't maaari niya akong kuhanan ng lakas anumang oras.

"Shh... everything's gonna be okay soon, anak. Tatagan mo ang loob mo. Lumalaban si Jupiter. Alam kong mahirap dahil alam kong nahuhulog ka na sa kanya... and any moment from now you'll be... gone. Basta tatagan mo ang loob mo. Nandito lang si Mama Ling, ah? Huwag kang mag-alala, okay? Tahan na anak..." pag-aalo ko rito

Hindi lingid sa kaalaman ko ang lahat. Noon pa'y sinabi na may isang pangyayari na haharapin niya ng mag-isa. Takot ako... takot ako na baka kung anong mangyari sa kanya at wala ako sa tabi niya para aluin siya o damayan siya.

Natatakot ako na sa gagawin niya mapahamak siya... na baka may magawa siya na pagsisihan niya. Subalit base sa pagpapalaki ko sa kanya't sa nakikita ko wala akong dapat ikatakot dahil siya si Halo Selene Cajigal... ang bunso kong anak na pinalaki ko upang maging matapang.

Subalit bilang ina'y hindi pa rin maaalis sa'kin ang mag-alala. Pero wala akong magagawa dahil siya ay si Halo Selene... kaya niyang gawin ang lahat ng walang pag-aalinlangan.

Love, Halo Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now