Chapter 42: Flashbacks

6 1 0
                                    

VIENNA'S POV

Tipikal na sabado ng umaga... nakahiga ako sa kama ko't nakatitig sa ceiling fan na kasalukuyang umiikot. Hindi naman ganoon kainit. Kumbaga parang nagbabadya pa nga ang ulan sa labas.

Subalit pilit pa rin itong pinipigilan ng araw na ibig pakahulugan ay maayos lamang ang lahat at hindi nito kailangan ng tulong... parang siya.

She barely extend a hand and asking help from others... kung kaya niyang gawin ng siya lang ay gagawin niya.

Kinuha ko ang stress ball na nasa tabi lang ng kama ko. Pinisil-pisil ko ito't itinapon sa pader bago ko muling sasaluhin kapag papunta na sa gawi ko.

Tinanggal ko pala ang salamin ko dahil nasa bahay lang naman ako. Tska sumasakit din ang ulo ko. Kakatapos ko lang kasi gumawa ng assignments kaya naman nagpapahinga ako.

Nang magsawa akong itapon ang bola'y hinayaan ko na lamang itong gumulong sa kung saan. Hindi naman ito mawawala kung hindi kukuhanin ni Blue o kaya ay ni Potchie.

Inilagay ko ang magkabila kong kamay sa likod ng ulo ko't pinakatitigang maigi ang marahang paggalaw ng kurtina sa nakabukas na bintana.

At muli kong naalala kung bakit hindi ako masyadong makapag-focus nitong mga nakaraang araw at buwan dahil ginagambala ako ng isipin kung siya nga ba 'yong nakita ko noong nakaraang buwan sa mall o baka naman nililinlang lamang ako ng utak ko.

May bibilhin ako para sa gagawing project para sa isa naming subject kaya naman gamit ang naipon kong pera ay pumunta ako sa mall.

Nang mabili ko ang kailangan ko'y hindi muna ako umuwi dahil maaga pa naman kaya naman ang ginawa ko'y nagikut-iko muna ako. Pumasok ako sa isang bookstore at nagtingin-tingin ng mga libro.

Baka may magustuhan ako'y bigla ko na lamang bilhin at basahin. Tahimik akong nagtitingin-tingin noong naramdaman kong nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok at kinabahan ako ng bahagya.

Kaya naman napagawi ang kanang kamay ko rito't marahang hinaplos ito. Napalingon pa ako sa likuran ko dahil may naamoy akong pamilyar na pabango noong mga oras na 'yon.

Nakita ko ang pamilyar na bulto ng taong hindi ko nakakausap ng ilang buwan. Agad ko namang ibinaba ang tinitingnan kong libro't lumabas ng bookstore. Nagpalinga-linga pa ako dahil masyadong maraming tao noong mga oras na 'yon.

Noong makita ko naman ang suot nito'y hinabol ko ito. Subalit hindi ko talaga ito maabutan. Ang bilis niyang maglakad. Noong halos maabutan ko naman ito'y tinawag ko ito subalit hindi man lamang ito nag-abalang huminto't tumingin man lamang.

Ilang minuto ko rin itong hinahabol hanggang sa makalabas ito ng mismong mall ay patuloy ko pa ri itong hinahabol.

Subalit nawala ito sa paningin ko noong may hindi sinasadya akong nabangga. Nagkandahulug-hulog ang mga dala nito kaya naman tinulungan ko itong pulutin lahat nang 'yon.

Sa'king paglinga-linga ay wala na siya sa paningin ko. Inabot pa ako ng ilang minuto sa paghahanap. Halos maglakad-takbo ako sa nilalakaran kong footbridge.

Wala na akong pakialam sa ibang nababangga ko dahil tuliro na ang isip ko noong araw na 'yon. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa'min.

Bakit ganun? Sigurado naman ako na siya 'yong nakita ko pero bakit ni hindi manlang siya huminto o kahit nag-hi manlang?

Pwede naman niyang sabihin na ayaw niya 'kong makita o hindi ko na siya '

I changed the way she want to see me grow. I started investing in my academics. Hindi na ako yung kagaya noon na hindi nag-aaral sa acads. Na hindi inuunawa ang mga discussions at lectures ng mga profs.

Love, Halo Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now