Chapter 15: Crossed roads

20 1 19
                                    

RAIZER'S POV

Lagi ko siyang tanaw mula sa malayo. Ang babaeng minsang pinasaya't pinakitaan ko ng pagmamahal. Napakalaki ng pinagbago niya. Napakalayo sa kung anong siya noong nakakasama ko pa siya. Sobrang hinhin niya at napakamahiyain.

Tahimik rin ito't napakadalas kung magtaray at magsungit. Ni hindi mo makausap ng diretso. Dahil susubukan mo pa lang itong kausapi'y tatarayan ka na nito. Noong nakilala ko siya may bigla akong naramdaman. Pakiramdam na tila nais ko siyang protektahan at alagaan.

Ilang taon na rin ang nakalipas. Wala pa rin siyang ipinagbago. Maganda pa rin siya. Pero mas lalo siyang tumapang at mas lalong naging masungit. Marahil kasalanan ko rin.

Pero kung may isang bagay ako na ipagmamalaki 'yon ay ng makilala ko siya. Sobrang bait niya pala taliwas sa mga sabi-sabi na masungit daw ito. Proud ako lalo sa kanya nang minsang umakyat siya sa entablado noong araw ng orientation. Tandang-tanda ko kung paano ko siya tingnan ng may buong paghanga. Iisang mundo lang ang ginagalawan namin noon.

Isa rin akong journalist noong senior high. Sports writer ako sa aming pahayagan habang siya'y kakapasok pa lamang. Kinakitaan na agad siya ng angking galing sa pagsusulat. Tahimik ito noon. Nasa isang tabi lamang ito at hindi basta-basta kikibo.

"Please do welcome the newest Editor-In-Chief of Rhetocian. Let's do give an around of applause, Ms. Halo Selene Cajigal." Pagpapakilala ni Prof. Reiji

"Go Halo!!!" Sigaw nang mga SSC ng school

Nakakabinging palakpakpakan ang sa mga oras na 'yo'y namumutawi. Naglalakad siyang parang isang matapang na tao. Rinig na rinig sa bawat sulok ng kinaroroonan ko ang tunog ng pagtama ng takong ng kanyang itim na sapatos. Napangiti ako sa loob-loob ko. Malayo na ang narating niya.

Sobrang laki ng ipinagbago niya. Nakakaya na niyang humarap sa maraming tao hindi tulad noon na mababakas mo ang mga kaba sa mga mata niya. Ngayo'y purong tapang na ang namutawi roon. Bakit ko nga ba hinayaang masaktan ang babaeng 'to? Napakamakasarili ko sa parteng 'yon!

Kung kya ko lang sanang ibalik ang lahat ay hindi ako magdadalawang isip na balikan ang mg pangyayaring minsa'y ako'y naging masaya. Labis akong nangungulila sa kanya. Ang sakit sa puso kapag sinusubukan kong lapitan siya pero siya na mismo ang kusang umiiwas. Katulad na lamang ngayon. Titig na titig ako sa kanyahabang nagsasalita siya sa entablado.

Gumagala ang mga mata nito sa paligid. Kung anong ikinamisteryosa nito noon mas lalo lamang itong naging mas misteryosa ngayon! Inaamin ko, natatakot na ako sa presensya niya. Kung noo'y nakaya ko siyang lapitan ng agaran ngayo'y parang napakalayo na ng agwat naming dalawa. Kumawala ang isang takas na luha mula sa'king kanang mata.

Agad ko itong pinalis at tumayo mula sa upuan. Lumabas ako ng venue at nagpahangin roon. Hanggang dito'y rinig na rinig ko ang boses niya na nagmumula sa speaker mula sa entablado. Buo at solido. Walang bahid ng kaba bagkus tama at perpektong timpla lang ng tapang at paninindigan.

Muli akong napangiti at inalalang muli ang nakaraang lagi kong aalalahanin hanggang sa hindi ko alam.

Naroong katatapos lamang ng p.e namin. Malapit lang ang bahay ko dito sa school pero mas pinili kong magbinalot na lang at sabayan siya laging kumain tuwing tanghalian. Dahil basa ang damit ko'y hinubad ko ito sa harapan niya. Tumaas lamang ang kaliwang kilay nito. Nakuha ko pang kumindat dito.

Umikot naman ang mga mata nito kaya naman napatawa na lang ako ng mahina. Isinampay ko sa balikat ko yung t-shirt ko ay kinorner ko ito sa pader. Maliit siya kaya madali ko lang siyang naidiin sa pader. Inilapit ko ang mukha nito sa tenga niya ay binulungan ko ito.

Love, Halo Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now