Chapter 37: With a Smile Part I

16 1 20
                                    

HALO'S POV

It was a sunny bright sunday when I called them. Aayain ko kasi silang gumala. Halos malapit na rin kaming magsipagtapos nila Molly.

Kumbaga ito na ang mga panahong makakausap ko siya-namin ng matino. The clock is ticking... Alam kong nahihirapan na siya.

Hindi ko pa ring nakakalimutang bumisita kay Jupiter sa ospital. Hindi pa rin kasi ito nagigising. Maganda ang nagiging resulta ng bawat tests na isinasagawa rito subalit hindi pa rin ito gumigising o gumagalaw man lang ang daliri sa kamay.

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga doktor lalung-lalo na si Tito Claude. Maging ang ina nito'y naniniwalang maghihimala't gigising na lamang isang araw si Jupiter mula sa mahaba nitong pagtulog.

Hindi rin naman matukoy ng mga doktor kung bakit hindi man lamang ito nagigising kahit na anong gawin nila rito.

Halos tatlong beses nila itong isinasailalim mula sa iba't-ibang tests... Halos lahat ng mga tests na isinasagawa rito'y halos magagandang balita ang hatid subalit ilang beses man silang magsagawa ng mga tests ay hindi pa rin malaman kung kailan ito magigising.

I was packing my things when Mama Ling entered in my room.

"Nak, saan lakad mo?" tanong pa nito

"Ma, sa Tagaytay... kasama ko sila Molly. Papayagan niyo po ba ako?" pagpapaalam ko pa rito

"Ilang araw kayo roon, nak?" muling tanong pa nito

"Siguro po mga 3 days. Since wala naman po kaming pasok ng dalawang araw gawa ng may aayusin sa school at may pupuntahang seminar ang mga profs." nakangiting saad ko rito

"Enjoy kayo 'nak, ah? Kung kailangan mo ng extrang budget tawagan mo lang ako." saad pa nito bago ako niyakap

"Opo, ma. Thank you." magalang na saad ko rito

Tinapos ko na ang pag-eempake ng mga gamit ko nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito't sinagot ang incoming video call.

"Hey, good morning Kiddo!" nakangiting pahayag ko pa bago naupo sa may bintana ko

"Huwag mo 'kong ma-hey hey dyan... ano itong nabasa kong pupunta tayong Tagaytay? Tska teka lang, 3 days? Seryoso ka? Wala ba tayong pasok sa Monday at Tuesday at ang lakas ng loob mong mag-aya ng 3 days short vacation sa Tagaytay?!" bungad naman nito na mukhang kakagising lang dahil sa timbre ng boses nito

"Ayaw mo ba? I thought gusto mong sumakay sa may Sky Ranch at magpicnic sa Picnic Groove?" nakakunot noong tanong ko pa rito

"Tingin mo ba tatanggi ako? Aba'y syempre hindi ano! Libre na 'yon, eh. Tapos tatanggihan ko pa? Diba nga ang sabi ng matatanda bawal tumanggi sa grasya? Sandali lang hahanapin ko lang yung bag ko. Tawagan kita kapag ready na 'ko. Ay teka, hindi pa pala ako nakakapagpaalam... baka hindi ako payagan paano 'yon?" litanya naman nito na nakapagpatawa sa'kin ng mahina

"Ako na ang magpapaalam kay Tita, ibigay mo ang cellphone ipagpapaalam kita." saad ko pa bago kumindat

"Hoy, huwag kang makakindat-kindat sa'kin! Kilabutan ka nga!!!" nandidiring pahayag nito at nag-iwas ng tingin at tinakpan ang mukha

Bumababa ito ng hagdan at nang makarating ito sa kusina'y iniabot nito ang cellphone kay Tita Baby.

"Good morning po Tita Baby. Pwede ko po bang isama si Vienna sa Tagaytay. Bale 3 days po kami roon." pagpapaalam ko naman dito bago ngumiti

Love, Halo Book 1 (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora