Chapter 17: Picnic

8 1 10
                                    

HALO'S POV

It was a bright sunny day! Kakaumpisa pa lang ng klase pero heto't stress na agad ako! Mabuti na lang at sabado ngayon. Kaya naman naisipan kong tawagan sila Kiddo para ayaing mag-picnic. Isang taon pa't gagraduate na kami ni Molly.

Maiiwan na namin si Vienna. Vienna is a great person that I've known in my relaxing days. Mula noong nagkaroon ng mukha ang isa sa mga tao sa panaginip ko'y hindi ko talaga inaasahan na siya ang isa sa mga ito. Makulit siya, napakabibo na akala mo'y laging kumakain ng candy! Sobrang bait din nito.

Aaminin ko noong una'y hindi ko tanggap na ganoon ang pag-uugali niya. I mean makulit siya, mapang-asar tapos sobrang curious sa mga bagay-bagay. We even had a fight because of her curiosity. Pero tulad nga ng sabi ko. Sa sariling salita ko rin pala ako mahuhulog.

Oo, ubod siya ng kulit na laging nagpapasaya sa'min ni Molly. I really love and adore this kid to have achievements everyday. Little by little I see how she grows like a fine person though there is the  childish personality that I really find cute. That makes her unique. She gives light on my darkest and lonely days.

Nalulungkot ako dahil hindi rin magtatagal ay aalis na 'ko. Hindi ko alam kung kailan ang saktong araw, oras, buwan at petsa nito pero nararamdaman ko nang konting panahon na lang ay maghihiwa-hiwalay na kami at bibitawan ko na ang kamay niya at tatanawin ko na lang siya mula sa malayo. Alam kong makakaya niya. At naniniwala akong makikit niya ang hinahanap niya. Pero hangga't hindi niya pa kakayanin nandito lang kaming dalawa sa tabi niya, patuloy siyang paalalahanan at gabayan siya hanggang sa sumapit ang araw.

"Hello Bal? Punta ka rito sa bahay." Sambit nito matapos sagutin ang tawag ko

"Sige Bal, ligo lang ako." Masayang saad nito bago naputol ang tawag

Sunod ko namang tinawagan si Vienna. Lumipas ang pangalawang ring ay saka lang ito sumagot.

"Hmm, hello? Anong kailangan mo? Sino ka po?" Tanong nito sa inaantok na tono

"Hi Kiddo! Bihis ka na. Magpipicnic tayo nila Bal!" Masayang sambit ko rito

"T-teka, a-ano? May picnic? Kailan naman?" Tila tulirong turan nito

"Kasasabi ko lang diba? Oo nga kasi. Magbihis ka na. Iintayin ka namin ni Bal." Pagsusungit ko rito

"Tatanda ka talagang dalaga niuan sa ginagawa mo! Agang-aga ang sungit mo! Oo na. Mag-aayos na 'ko." Sambit naman nito bago naputol ang tawag

Napatawa na lang ako ng mahina noong matapos ang tawag. Nagpunta ako sa kusina upang maghanda ng mga pagkaing dadalhin namin. Tinulungan na rin ako ni Mama Ling sa paghahanda ng ilang sandwiches. Siguro'y dadaan na lang kami sa bayan para bumili ng iba pang snacks. Katulad na lang ng jelly beans, popcorns o nachos, basta bahala na.

Nakahanda na ang lahat. Nakangiti akong nakatingin sa mga litratong nakasave sa cellphone ko. Ang mga nakaw na kuhang talaga namang nakakapagpangiti sa'kin. Miski ang mga ilang nakaw na kuha ng video ay mayroon ako. Naroong nagkukulitan yung dalawa habang ako'y nagtataray.

Ang biglaang pagpapacute ng batang patatas. Ang biglang paggatong nito sa pangalan ni Jupiter. Miski ang pagkain namin ng burger at fries sa may labas ng school ay nakasave rito sa cellphone ko. Natigilan naman ako noong tumunog ang doorbell mula sa labas. Nakangiti naman akong lumapit doon at binuksan ang pintuan.

Bumungad sa'kin ang Richoco wafers na nakalahad sa harapan ko. Alam ko na kung kanino ito galing. Sulat kamay pa lang ay kilala ko na. Isang matamis na ngiti ang isinalubong ko sa dalawa. Tinanggap ko ang hawak na Richoco ng batang patatas at pabirong ginulo ang buhok nito.

Love, Halo Book 1 (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant