Chapter 18: Stargazing

12 1 0
                                    

JUPITER'S POV

For more than two weeks hindi kami nagpapangita ni Halo. Busy ako sa duty sa ospital while, her is alam ko naka-umpisa na ang academic year nila. I missed that amazona woman! After 24 hours of duty for more that a month now finally, I have my free time. Hmm, what should I do now?

Sabi sa isang balita maganda daw pagmasdan ang kalangitan ngayon dahil hindi ganoong maulap. Narito ako sa aking opisina't nakataas ang mga paang nakapatong sa mesa at nakapikit ako habang hinihilot ang pagitan ng mga mata ko't pati na ang sentido ko. I have this feeling that I'm not thd only one here in the office so, I opened my eyes and horror lingers in my eyes!

"Yow, Jupitong mukhang paa! Musta?" Nakangiting pahayag nito habang prenteng-prente na naka-upo sa harapan ng mesa ko sa katabing upuan na naroon

"Oh my god! What the freaking hell! Saan ka nagsuot? Bakit hindi ko naramdamang pumasok ka?" Nahihintakutang tanong ko rito sa babaeng patatas na bigla na lang nagpapakita sa opisina ko

"Actually, may lahi akong ninja kaya hindi mo lagi ako nararamdamang pumasok!" Sagot naman nito bago kumindat at muling ibinaling ang atensyon nito sa hawak na tupperware ng mango grahams

"Binisita ka na nga ikaw pa galit?" Sagot naman nito habang patuloy sa paglantak noong kinakain niya

"I'm fine. I have something planning tonight. Since ilang linggo na rin kaming hindi nagkikita ni Halo." Nakangiting pahayag ko rito

"Okay, sabi mo, e." Sagot naman nito habang naglalakad papuntang pintuan

"Ingat sa lakad niyo ni Halo." Sambit pa nito bago isinara nang tuluyan ang pintuan

Inayos ko ang mga gamit ko't nagpasyang pumunta ng supermarket para bumili ng ilang snacks na babaunin namin mamaya sa midnight roadtrip namin ni Halo. Nang makababa ako sa ground floor ay bumaha ng labis na pagtataka sa mga mata ko ng muli kong makita ang sasakyan ng kapatid ko. May relasyon ba sila ni Ate Xyler? Pero alam niya namang gusto ko si Halo diba? Noon pa lagi ko nang sinasabi sa kanya na gusto ko siya.

Agad rin naman itong umalis kaya naman ipinilig ko na ang ulo ko't naglakad papuntang parking lot. Nang makapasok ako sa sasakyan ko'y agad rin naman akong dumiretso sa aupermarket para mamili. Habang nagda-drive ako papunta roon ay hindi maalis sa isip ko ang nakita ko. Posible nga kaya na may relasyon sila? Pero paano nangyari 'yon?

Agad rin naman akong bumaba noong nakapag-park na 'ko sa parking lot ng supermarket. Kumuha ako ng push cart saka ako naglakad sa mga sections ng bawat product dito sa supermarket. Nauna akong kumuha ng ilang chips sa isang section. Dinamihan ko na ito at iba't-ibang flavor pa para hindi siya maumay kaagad. Sinunod ko namang damputin ang mga cookies na nakita ko.

Napangiti pa 'ko nang kinukuha ko ang limang malalaking balot ng cookies sa lagayan. Panigurado akong magniningning na naman ang mga mata noon sa pagkamangha mamaya habang nakatanaw na naman sa mga pagkaing ito. Sumunod kong pinuntahan ang mga candies na nasa kabila naman nitong kinalulugaran ko. I picked some lollipops, jelly ace, and some sour strips and put it in the cart. Sunod naman akong pumunta sa may drink section to grabbed some bottled waters and a chocolate milk drinks for her of course.

She really loves chocolates that's why I added lots of chocolates also in the push cart. Tiningnan ko pa kung may kulang bago ako pumila sa counter para bayaran lahat ng pinamili ko. Tangan sa dalawa kong braso ang mga pinili ko'y tinungo ko ang parking lot. Ibinaba ko ang mga ito sa lapag at binuksan ko ang pintuan ng kotse ko sa passenger seat sa likod upang ilagay roon ang mga pinamili ko. Nang masiguro kong maayos na ang lahat ay nagmaneho na 'ko pauwi.

Love, Halo Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now