Napahinto ito. "You... you got some pretty words about life but you despised your own life."

"Aren't you the same? Sinumpa mo ang buhay ng iba para kumbinsihin ang sarili mong walang halaga ang sa'yo."

"Stop spewing nonsense like you knew me—"

"Xeph!"

Pareho nilang nilingon ang sigaw mula sa pinto. Naroon si Marco na nakatutok ang revolver sa taong kaharap niya. Sinamantala niya ang pagkawala ng atensiyon nito. Maagap niyang itinaas ang M1911 punisher subalit kasabay din no'n ang pag-igkas ng paa nito. Tumalsik ang baril sa kanyang mga kamay. Yumuko siya upang iwasan ang armas nito. Isang putok ang umalingawngaw sa kanyang tainga.

Tinamaan ng bala sa balikat ang kalaban galing sa bunganga ng baril ni Marco. Subalit hindi ito natinag. Imbes ay may dinukot na kung ano sa loob ng suit. Nahulaan ni Lead kung anong balak nitong gawin. Inunahan niya ng sipa ang kamay nito. Pero nagawa pa rin nitong i-angat ang braso sa hangin. Iyon ang bentahe ng hook blade na may restrainer, hindi iyon basta-basta natatanggal sa braso kahit mabitawan pa ang armas. Mabuti na lamang at naagapan niya ng yuko.

Muling umalingawngaw ang putok ng baril. Sa pagkakataong 'yon ay napaluhod na ang kalaban na tinamaan sa tuhod. Nakita niyang hinipan pa ni Marco ang dulo ng baril.

Lead snorted in jest. "Once a marksman will always be a marksman, huh?"

Ngumiti ang matanda at agad na nilapitan si Mary Grace. Maagap naman na dinaganan niya ang lalaking tumumba. Sinikil niya ito sa likod at iginapos ng wire mula sa kanyang baywang ang magkabilang kamay nito.

"Gameover," aniya.

Umingos ito at marahang tumawa. "S'not."

Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"I'm not the mastermind. Iyon ang nasa isip mo, di ba?"

Nagtagis ang mga ngipin niya. Sinakal niya ito mula sa batok. "Sino?"

"Before anything else, you might want to remove the tracking microchip on the girl's hand."

Nanlaki ang mga mata niya. Lumuwag ang kamay niya sa batok nito. "She has? All along?"

"Question number one. Bakit hinayaan ng TRIAD ang bata kahit simula pa lang alam na nila kung nasaan ang lokasyon nito? Question number two. Bakit ipinahahanap siya ng superior mo kahit alam na niyang nasa poder mo siya?"

He snapped. Tahimik niyang binitawan ang kalaban. Tumungo siya sa direksiyon ni Mary Grace. Nagtatakang nakatingin sa kanya si Marco.

"Xeph?" Hindi niya pinansin ang matanda. Bagkus ay inilabas niya ang patalim. Kinuha ang kamay ng bata. "This might hurt a little so bear with it."

"Anong balak mo—"

"Planado ang lahat, Marco! Planado ang lahat para palabasin si Mary Grace!" sigaw niya. "Get her out of here after this." Mary Grace flinched as he made a small slit on her hand. Tiniis niya ang pag-iyak nito. "I'm sorry... I'm sorry..." anas niya dahil alam niyang nasaktan ito sa ginawa niya. Pero kailangan niyang gawin 'yon para tanggalin ang tracking microchip.

Nang makuha niya ang bagay na 'yon ay basta niya lang hinagis 'yon sa kung saan. Yumapos naman sa leeg niya si Mary Grace. Ginantihan niya 'to ng mahigpit na yakap. "Marco do me a favor. Paparating sila dito."

"Xeph... anong balak mo?"

"Magpakalayu-layo kayo ni Mercy kasama si Mary Grace. Hindi na 'to madadaan pa sa usapan lang."

"Kung ganoon sumama kang tumakas sa amin."

"Hindi puwede. Kahit saan ako magpunta, malalaman at malalaman niya kung nasaan ako." Bumaling siya sa bata. Inilayo niya 'to at sinapo ang mukha. Pinakatitigan. "This is goodbye for the two of us, kiddo. Maging mabuti sana ang kalusugan mo at maging masaya ka sa magiging buhay mo." Mabilis niya 'tong binuhat at iniabot kay Marco pagkatapos.

Nagpapasag ang bata mula sa bisig ni Marco. Hindi pinakawalan ang mga braso niya. Mapait na ngumiti siya habang pinagmamasdan ang humahagugol na si Mary Grace. Nabanaag niya ang isang purong kaluluwa na nag-aalala para sa buhay niya. 

"Sinabi ko na, di ba? May isang yugto ng buhay na magsasara para magbukas ang panibago." Marahan niyang tinanggal ang munting mga kamay nito sa kanya. "Leave Marco."

"Pero Xeph—"

"Ang sabi 'ko umalis ka na!"

Mariing napapikit ang matanda. Bakas ang pinaghalong sakit at pagtutol sa mukha. "This wouldn't be the last time I see you, right Xeph?"

Hindi siya umimik. Sa halip ay isang ngiti ang sumibol sa kanyang mga labi. "Take care of yourself old, man."

"N-no!"

Sabay silang gulat na tumingin sa sumigaw na si Mary Grace.

"H-hey... D-Did you just talk?" Kumukurap na hinarap niya ang bata.

"X-xeph..." Ang pagbigkas nito sa pangalan niya ay tila bato na dumagan sa dibdib niya. Ang munting tinig nito ay tila nakapagparalisa sa buo niyang katawan. "X-xeph..."

Nanubig ang kanyang mga mata. Iniiwas niya ang paningin sa paslit. "Kumilos ka na, Marco."

Nakakaunawang tumango ang kanyang kaibigan. "I understand, child... I understand."

Matapos tumakbo ni Marco palayo kasama ang bata ay napahilamos si Lead sa mukha. Tumalungko siya paupo sapo ang noo.

"Bakit hindi ka pa sumunod? Pagsisisihan mo tiyak ang pinili mo," sabat ng lalaking nakagapos mula sa likuran niya.

"Ang mga assassin sa HYDRA walang kalayaan at walang pagpipilian," mahinang bigkas niya habang nakatingala.

"Pero ang taong 'yon, pinili ang sarili niyang landas."

Ikinasa niya ang baril. "Kaya papatayin 'ko siya."

Nilingon ni Lead ang lalaki. Sky, on the other hand saw the terror of a true assassin on Lead's cold expression.

"Ipapadala kita sa impiyerno... Lambert..."

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Where stories live. Discover now