~~~~~~~~~~~~~~~

"DID you find anything, Tin?"

"Pag-usapan natin 'yan sa isang pribadong silid, Lead." Seryosong tumingin sa kanya ang kapwa assassin.

"What is it?" agad na tanong niya nang makapasok sila sa control room.

Iniabot nito ang isang file folder sa kanya bilang sagot. Tumuon ang atensiyon niya sa nilalaman no'n. Medical records from a heart center in Washington. Kunot ang noong nag-angat siya ng tingin kay Tin.

"Of course, hindi isang seryosong sakit tulad ng iniisip mo. Arrythmic tachycardia. Abnormal na pagbilis ng tibok ng puso. Gumagamit ng artificial pacemaker para makontrol ang abnormal heart rhythms. I also found a duplicate pacemaker registration card from a pacemaker clinic records."

Naguguluhang napailing siya. "May pacemaker si Mary Grace?"

"Hindi nagsagawa ng full body check-up ang mga doktor dito kaya malamang na hindi nila nakita. And it's an equipment hidden inside the skin. Wala ka bang napansin nang nililinisan ang bata?"

"No. Hindi sumayad sa isip ko ang ganitong posibilidad. Pero anong kinalaman nito sa paghahanap mo ng mga kamag-anak ng bata?"

May namuong pait at galit sa mukha nito. "Lead may order na tayo mula sa Lifter."

"Teka... alam na ni Lambert?"

"No. Hindi niya alam na naiwan sa poder natin ang bata. Pero alam na niya ang utos na ibinaba mula sa taas."

"Tungkol ba 'to sa bata?"

Kumuyom ang palad nito. "It is. The assigned mission is... to kill Mary Grace Zambal in any way possible."

Nabitiwan niya ang hawak na folder. "T-that's... bullshit! Why?!" Tila may kuryenteng pumaralisa sa buong katawan ni Lead. Hindik sa balitang hatid ng kasamahan.

"That fucking Stanley Greyson did something outrageous in the facility. Months before na ma-develop ang Janeiro Project, nagtanim siya ng back-up program ng coded formula ng nuclear warhead sa mismong katawan ng bata. Para bang nahulaan na niya ang mangyayaring raid sa laboratoryo. Si Federico Zambal na ama ni Mary Grace ang original creator ng formula. Hindi nila mabubuo ang nuclear bomb ng wala ang utak ng mismong naglatag ng proposal."

Napahawak siya sa noo. "Saan nanggaling ang impormasyong 'yan?"

"Kay Greyson mismo. He surrendered himself via video sa pag-aakalang namatay ang bata sa pagsabog. Nangako siyang titigil sa pagtatrabaho kay Godfrey basta't huwag daw na idamay ang pamilya niya. It could be a trap. Pero pumayag ang HYDRA sa gusto niya at nais ng organisasyon na dispatsahin ang bata."

"This is fucking ridiculous! Handa nilang isakripisyo ang buhay ng bata para sa isang buhay ng kriminal?" Hindi niya napigilang bayuhin ang mesang namamagitan sa kanilang dalawa ni Tin. Parang sasabog siya sa sobrang tindi ng nararamdamang galit.

May isang linggo na ring nasa pangangalaga niya ang bata. Matindi ang awang nararamdaman niya dahil isa lang itong walang kalaban-labang paslit. Nasaksihan niya mismo kung paano ito nawalan. Kung papaanong hindi nito makuhang tumayo ng nag-iisa sa mura nitong kaisipan. He decided to take her out in that dark world.

Pero ano't mukhang ang sariling organisasyong kinabibilangan niya mismo ang magtatatwa sa munting buhay ng isang batang wala namang kasalanan. He already knew it. Kung gaano kalupit ang HYDRA. Pero nababaliw na ang kung sino mang nag-utos na pagbuntunan si Mary Grace!

"There was really something fishy about Greyson's statement. Tumalon siya sa konklusyong namatay ang bata sa pagsabog sa pasilidad. Kung wala siya sa mismong area, paano niya nalamang pinasabog natin ang research lab? At bakit wala siya sa laboratory gayong kaharian niya mismo ang pasilidad."

Bigla siyang natigilan. "Do you think someone from HYDRA is leaking him out about our plan?"

Napahimas ito sa baba. "No. Probably not HYDRA. At kung alam niya nga, hindi niya basta-basta hahayaang mawala ang impormasyon sa mga kamay niya. If the chip was really planted on Mary Grace, that mad scientist would never let her die. Or so he would do anything to preserve the body."

"Give me the specifics, Tin. Saan mismo itinanim ni Greyson ang programmed microchip? Posible bang makuha natin 'yon nang hindi nalalagay sa alanganin ang buhay ng bata?"

Marahang umiling ang kanyang kasama. "Hindi ako doktor o espesyelista, Lead. Pero kung ang pacemaker na 'yon ang kumokontrol sa pagtibok ng puso ni Mary Grace, hindi natin basta-basta puwedeng tanggalin 'yon sa katawan niya kung naroon mismo ang microchip. Kailangan natin siyang ipakonsulta sa isang heart surgeon."

****

- Amethyst -

LEL 3: Brutch Xeph Crimson a.k.a. LEAD [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon