XIII - Dawn Oak

109 11 0
                                    

"Teka!" Sigaw niya.

Saktong nakalabas na ako ng pintuan ng sumigaw siya. Dali-dali siyang tumayo at agad pumanta sa akin.

"Ahm bakit?" Tanong ko.

"Angelico Summers diba?"

"Oo, anong kailangan mo?"

"Hindi bat nagkita na tayo dati? Parang pamilyar yang mukha mo eh."

"Pasensya, pero sa tingin ko hindi. Maaring yung mukha ko pamilyar sayo pero yung sayo hindi. Baka napagkamalan mo lang ako." Medyo nasungitan ko ata.

Biglang sumimangot yung mukha niya.

"Dawn Oak? Tama di ba?"

Tumango naman siya, agad kong iniabot ang aking kamay upang makipagkamay.

"Ikinagagalak kong makilala ka Dawn." Tsaka ko siya nginitian.

Nginitian niya rin ako, dun ko lang napansin na maganda rin pala siya. Hindi ko alam pero parang bang nakita ko siyang namula nung kinamayan niya ako.

Mahabang kulot na kulay brown ang buhok niya, brown din ang kulay ng kanyang mata, mas maputi ang kulay ng kutis ng kanyang balat kaysa kay Gaby, may kaliitan siya, hanggang dibdib ko lang siya at maamo ang mukha.

"May mga kakilala ka na ba dito?" Tanong ko.

" Akala ko meron, akala ko ikaw. Nung bata ako hindi ako pinapayagan na makipaglaro sa ibang bata pero merong isang pagkakataon noon na nakatakas ako at nakapaglaro ako sa isang bata. Akala ko ikaw yun."-Dawn.

"Pasensya na talaga pero hindi talaga ako yun. Kagaya mo, nung bata ako, hindi rin ako pinapayagan makipaglaro sa ibang bata. Iisang bata lang ang kilala ko." Sagot ko.

"Ah ganun ba? Pareho pala tayo." Sagot niya.

Mula sa angkan ng Oak si Dawn. Ang kanyang lolo ang nagtatag nitong Academy. Kilala ang mga Oak bilang isa sa makapangyarihan na pamilya sa buong Zernia. Mayayaman at napakarami nilang pagmamay-ari. Kaya hindi ka basta basta makakalapit sa kanila.

Naalala kong sasabay pala sa akin si Gaby na kumain ng tanghalian. Hindi ko napansin na napahaba ang kwentuhan namin ni Dawn.

Gusto ko na sanang magpaalam sa kanya pero mukhang hindi ko na magagawa.

Ilang saglit ay nakita ko agad si Gaby na papalapit at naka kunot ang noo.

Lagot.

"Echo! Bakit ang tagal mo?" Sigaw ni Gaby.

Nakita kong nagulat si Dawn sa sigaw ni Gaby at medyo napatawa ako.

Pagkalapit niya agad kong tinakpan ang kanyang bibig ng kamay ko dahil kapag hindi ko ginawa yun alam kong derederetso siyang magsasalita at hindi ko magagawang sumingit.

" Gaby, pasensya na medyo na pahaba yung kwentuhan namin nitong kaklase ko. Nga pala siya si Dawn Oak. Dawn ito naman si Gaby, kababata ko at matalik kong kaibigan."

Iniabot kaagad ni Dawn ang kanyang kamay kay Gaby pero sa halip na tanggapin niya ito tinignan muna ni Gaby si Dawn mula paa hanggang mukha tsaka tinaasan ng kilay.

"Gaby ano ba? Tanggapin mo naman yung kamay niya." Sabi ko sa kanya.

Bigla na lang siyang ngumiti tsaka kinuha rin ang kamay ni Dawn.

"Gabriella Sander ang buo kong pangalan pero Gaby na lang para mas maiksi. Pasensya na sa inasal ko kanina, nanibago lang kasi ako kay Echo. Hindi kasi siya sanay na makipagusap sa ibang babae bukod sa akin. Ano bang meron sayo? Hindi ba nautal si Echo nung kausap ka niya?

"Ah hindi naman derederetso naman siyang nagsalita kanina. Echo pala palayaw mo."

Tumango na lang ako. Sinuklian din ng ngiti ni Dawn si Gaby.

"May kasama ka bang kakain? Kung wala sabay ka na sa amin" anyaya ni Gaby.

"Sige, maraming salamat" sagot niya.

Sinumulan na namin ang aming paglalakad para makapunta sa canteen ng biglang napahinto si Gaby.

"Dawn akin na yang bag mo."

"Bakit?

"Basta ibigay mo na lang."

Iniabot din naman agad ni Dawn ang bag niya. Kinuha ito ni Gaby at ibinigay sa akin.

"Echo, to dalhin mo pati tong sa akin. Mga babae kami kaya dapat pinagsisilbigan kami." Sabi ni Gaby.

"Ay Echo, huwag na kakahiya naman." Sabi ni Dawn pero biglang sumabat si Gaby.

"Dawn hayaan mo lang siya, okey lang yan di ba Echo? "

Tumango na lang ako at nginitian si Dawn. Agad hinawakan ni Gaby ang kamay ni Dawn at swining niya na parang dalawang batang babae na maglalaro papuntang park.

"Alam mo Dawn, piling ko magiging matalik tayong magkaibigan." Sabi ni Gaby

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon