XXVII - Powers

134 11 0
                                    

Medyo late na akong nagising ngayon, malaki ang pasasalamat ko at hindi ko napanaginipan ang halimaw. Pagkababa ko, wala na si Uncle Devon. Agad na akong naghanda para sa academy. Hindi nanaman ako nakakain ngayon.

Pagkarating ko sa silid, ako ang huling dumating na estudyante, pero wala pa naman si Sir Ysmael. Nagbatian kami ni Dawn at pinasalamatan ko siya uli sa binigay niyang cookies. Dumating din si Sir Ysmael. Parang maganda ang samod ngayong umaga. Nakangiti.

"Tapos na nating talakayin ang lahat tungkol sa Zernia kahapon. Ngayon ang tatalakayin natin ay tungkol sa inyo. Ang mga taglay niyong kapangyarihan niyo. Ngayon gustong kong makinig kayo at mamaya ay lalabas tayo upang ipakita niyo ang mga kapangyarihan niyo." Pagkatapos non nagsimula na siyang magsalita.

"Nahahati sa pitong klase ang mga kapangyarihan niyo.

1)Spell Caster
2)Knights
3)Summoner
4)Forcefield Maker
5)Elementals
6)Healer
7)Rare

Una ang mga Spell caster, sila ang may kapangyarihan upang gumamit ng mga sumpa. Alam niyo ba kung sino ang pinakasikat na Spell Caster? Si Ms. Lucy siya ang tinaguriang "Demon Queen" dahil sa lakas ng mga spell niya at bilis niyang paganahin ito. Umaabot sa isang libong spell ang alam niyang gamitin.

Ang mga Knights ay bihasa sa paggamit ng mga sandata. Maaring dala nila ang kanilang mga sandata o sila mismo ang gagawa nito. Kung isa kang Knight, malaki ang tyansa mnog manalo kung close combat ang laban.

Ang mga summoner naman ay may kakayahang tumawag ng mga spirit gamit ang mga ibat-ibang bagay kung saan sila nakalagay. Halimbawa nito ang mga baraha, bato o kahit na mga tattoo sa katawan. Isa sa pinakasikat na mga spirit ang Chinese Zodiac Spirit na taglay ng ika labinlimang leader ng Concrelus. Dahil sa lakas ng bawat spirit nito.

Ang mga Forcefield Maker ang isa sa pinakaimportanteng tauhan sa mga giyera dahil sila ang nagsisilbing pangdepensa. Kaya nilang gumawa ng mga barrier na napakatibay. Halimbawa nito ang forcefield na nakabalot sa academy.

Ang mga Elementals may kakayahang kontrolin ang mga elemento. Ito ay nahahati sa tatlo ang mga Primary, Secondary, at Tertiary Elements. Tanging isang tao lang ang pwedeng magtaglay ng bawat elemento. Ang Primary elements ay binubuo ng apoy, hangin, tubig, at lupa. Ang Secondary naman ay ang mga yelo, kidlat, metal, at ang mga puno o halaman. Alam niyo ba kung sino ang may bansag na "Fire Demon"? Walang iba kundi ang guro ng A class si Mr. Devon Pierce. Siya ang isa sa pinakamalakas na Elemental na naitala sa buong kasaysayan ng Zernia. Ang tertiary ay binubuo pa ng mga mas maliit na klase ng elemento gaya ng buhangin at iba pa.

Ang mga Healer naman ay may kakayahang pagalingin ang sarili o ang iba gamit ang kanilang kapangyarihan. Pero iilan na lang ang bilang ng mga healer na nabubuhay ngayon.

At ang huli naman ang mga Rare sila ang may mga kapangyarihang walang kapareho. Madalas malakas ang mga rare dahil hindi ito agad-agad nahahanapan ng kahinaan. Pero mas kaunti rin ang bilang nila.

Pero may mga pagkakataon na ang isang anghel o demonyo ay nagtataglay ng dalawa o higit pa sa mga nabanggit kong mga kapangyarihan. Ngayon gusto kong tumayo kayo at kunin niyo ang inyong mga gamit. (Pagkatapos naming ginawa ang mga sinabi niya, bigla na lang niyang pinaltik ang kanyang daliri at biglang gumilid ang mga upuan. Nagkaroon ng malaking espasyo sa gitna.

Ngayon, gusto kong gumawa kayo ng grupo batay sa inyong kapangyarihan pero bago iyon, pwede bang pumunta sa harapan ang may dalawa o higit pang kapangyarihang tinataglay. (nagulat ako ng makita kong nagsimulang naglakad si Dawn sa harap.)

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon