XIV - Cafeteria

120 12 0
                                    

Halos puno na ang cafeteria ng makarating kami. Ilang minuto rin kaming naglakad upang makahanap ng mauupuan. Kagaya ng inaasahan malaki rin ang cafeteria.

Magaganda ang mga upuan na gawa sa kahoy at mga mahahabang mesa. Sa harap ang isang stage na may mga mas magagandang upuan. Siguro dito rin ginawa ang mga pagpupulong. Sa likod naman ang mga tagaluto.

Ang bango sa loob ng cafeteria, hiwa-hiwalay ang mga lugar ng mga pagkain. Dessert, soup, at iba. Punong-puno at halos lahat ata ng pagkain meron sila. Nagtataka lang ako, san kaya nila dinadala yung mga hindi nauubos na pagkain?

Kita ko sa mukha ni Gaby ang pagkamangha, hindi sa lugar kundi sa mga pagkain na inihahain dito. Diretso agad ang kanyang tingin sa dessert station.

"Dito ang pinakagusto kong lugar sa loob ng academy." Buong ngiti na sinabi ni Gaby.

Hindi rin nagtagal ay nakahanap kami ng mauupuan. Pagkatapos kong ilapag ang kanilang mga bag, agad na inaya ni Gaby si Dawn na kumuha na aming mga makakain.

Iniwan nila akong nakaupo sa upuan para bantayan ang kanilang gamit. Wow ha, tagabitbit na nga ako ng gamit tagabantay pa.

Nilibang ko muna ang aking sarili sa pamamagitan ng pagtingin sa mga paintings na nakalagay sa kisame ng cafeteria. Punong puno ng mga makukulay na larawan ang dingding hanggat kisame.

Bigla na lang akong napatingin sa isang S class na estudyanteng nakaupo di kalayuan sa amin. Nginitian ko siya pero ang isinukli niya sa akin ay isang matalas at masamang tingin. Hindi ko alam kung anong problema niya, yumuko na lang at tumingin sa iba hanggat sa makaramdam ako ng isang malakas na sapok.

"Hoy! Anong ginagawa mong mag-isa dito?" Pamilyar ang boses sa likuran ko, pagkaharap ko si Luca lang pala.

"Langya ka naman oh! Di kaba marunong tumapik o kumalabit man lang? Sapok talaga? Masakit yun ah."

"Ahaha sorry natuwa lang ako kasi nakita kita dito, huwag kang mag-alala sa susunod suntok na lang gagawin ko para mas malakas okey ba yon. De joke lang."

"Sira ulo ka talaga. (kung makasapok ka sa akin parang matagal na kitang kilala ah) Kasama ko si Gaby tsaka isang kaklase."

"Ah ganon ba? Pwede ba akong makiupo sa inyo? San na ba yung girlfriend mo?

"Kakulit mo naman di ko nga siya girlfriend."

"Ahaha alam ko, gusto lang naman kitang asarin"

Hindi niya na pansin na nasa likuran na niya si Gaby.

Plak!

Isang malakas na sapok ang ginawa ni Gaby kay Luca.

"Aray!" Sigaw ni Luca.

"Yung sapok na yun para kay Echo, at uulitin ko, hindi ako ang girlfriend niya. Isang beses mo pang gawin yun at makakatikim ka ng mas malakas na sapok. Huwag mong sabihin porke S class ka." Sabi ni Gaby.

Biglang napatahimik at napalunok si Luca, dahil sa galit ni Gaby at napatulala dahil nakita niya si Dawn.

"Hoy! Ilulutin mo pa ba?" Tanong ni Gaby pero hindi naka sagot si Luca.

Patuloy lang niyang tinitigan si Dawn hanggat sa nagsimula na siyang magsalita.

"Sino naman tong magandang babae?" Tanong niya.

"Siya si Dawn Oak, kaklase ko" ako na ang sumagot.

"Ikinagagalak kong makilala ka Dawn, ako si Luca Mcmillan." Iniabot ni Luca ang kanyang kamay agad naman itong kinuha ni Dawn at ngumiti.

"Hoy Luca tama na yan, bitawan mo na yang kamay ni Dawn." Sabi ni Gaby.

Medyo napatagal ang kapit ng kamay ni Luca.

Nagsimula na kaming umupo at inihain ni Gaby ang mga pagkaing kanyang nakuha. Puro sweets ang nasa plato ni Gaby.

May dala ng sariling pagkain si Luca kaya siya na ang naghudyat na kumain kami.

Habang kumakain kami, nakatitiglang sa akin si Luca.

"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko.

"Wala naman, nagtataka lang ako, bakit parang ang lalapit mo sa mga magagandang babae?" Sabi niya.

Tumawa lang ako ng malakas sa sinabi niya, ng biglang nagsalita si Gaby.

"Luca ngayon ka lang ba nakakita ng magaganda? Si Echo ay mabait at maalahanin kaya siguro maraming napapalapit sa kanya di katulad mo arogante at mayabang. Kaya Dawn huwag kang magpapaligaw sa kumag na to.".

"Hala, bakit parang laging mainit ang ulo mo sa akin, may itsura naman ako."

"Baliw ka!"

"Itigil niyo na yan. Pwede bang enjoyin na lang natin yung pagkain natin. Kaya nga tayo nandito diba."

Kapwa sila nanahimik at nakitang kong tumatawa ng mahina si Dawn.

Napakahinhin niyang gumalaw at kumain. Si Gaby naman ay parang batang tuwang-tuwa sa kanyang kinakain. Nakakawili silang pagmasadan na kumain.

Matapos naming kumain ay nanatili kaming umupo upang makapahinga, nagkaroon rin kami ng oras upang alamin ang isang buhay ng Oak. Totoo nga ang mga kwento, napakayaman ng mga Oak.

Sa sobrang dami ng mga tanong namin kay Dawn hindi namin namalayan halos umabot ng isang oras ang pagtatanong namin. Napatigil na lang kami ng marinig namin ang bell. Hudyat na magsisimula na ang klase para sa hapon.

Nagpasalamat si Dawn sa aming tatlo dahil nagkaroon na raw siya ng mga kaibigan, nagpasalamat rin kaming tatlo sa kanya.

Unang nagpaalam si Luca. Kapwa niya kinindatan ang dalawa. Kumunot ang noo ni Gaby samantalang na mula si Dawn.

"Kapal!" Sabi ni Gaby.

Nagpaalam na rin si Gaby kay Dawn at sinabing hintayin ko daw siya dahil sa akin siya sasabay.

Sabay na kaming naglakad ni Dawn papunta sa aming silid-aralan.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon