XI - Yellow

155 14 0
                                    

Hindi ko na naparatingan si Uncle Devon, siguro nga masyado silang busy para sa unang araw ng pasok sa Grand Oak Academy.

Maaga akong nagising ngayon. Agad akong naligo at nagbihis, kumain ng almusal tsaka pinuntahan si Bullet para pakainin.

May sariling lugar si Bullet. Isang maliit na bahay na gawa sa kahoy, kami ni Uncle Devon ang gumawa. Dahil nga ayaw ni Uncle Devon ng madumi, napagpasyahan namin na gumawa ng matutuluyan niya. Doon ko pinapakain at nililinis si Bullet.

Hindi naman ganon kalayo yung diatansya ng bahay namin sa Grand Oak Academy, pero kailangan ng pakpak para makarating sa ibang lugar na magdudugtong sa academy. Mga sampung minuto lang ang layo kung sasakyan mo si Bullet.

Maaga akong nakarating sa academy, marami na rin akong nadatnan na ibang estudyante suot ang kani-kanilang uniform.

Dilaw,asul tsaka pula ang kulay ng mga uniform, suot ko ang long sleeves na checkered kulay dilaw, vest na kulay itim, neck tie tsaka pantalon. Hindi naman siya purong kulay dilaw, may halo siyang itim, pero mas angat pa rin yung dilaw.

Para sa babae naman blouse na long sleeves, ribbon,maikli na palda tsaka mataas na medyas abot hanggang tuhod nila. Hindi rin purong dilaw kasi may halo na itim.

Sa kanang parte ng pangtaas na uniform nakadikit ang logo ng Grand Oak Academy. Merong tatlong malaking letra sa logo ang G, O, at A sa gilid ng logo nakalagay ang pakpak ng anghel at demonyo.

Dilaw ang kulay para sa B- Class, pula para Sa A-class at asul para sa S-Class sa ganoong paraan madaling malalaman kung ano ang lebel ng isang estudyante.

Ilang minuto lang ang lumipas bago nakita kong kumakaway sa akin si Gaby. Nagulat ako ng makita siya, lalo pang gumanda si Gaby bagay na bagay sakanya ang kulay pula na uniform. Nilapitan niya ako at kinausap.

"Echo hintayin mo ako mamaya ha, sabay tayong mananghalian." -G

" Ah, eh, sige. Sige ba sabay tayo" Medyo na utal ako nung sumagot sa kanya.

Gusto ko pa sana siyang kausapin pero biglang nag ring ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Nginitian ako ni Gaby tsaka kinurot ang pisngi ko sabay nagpaalam, nginitian ko rin siya.

Hindi ko alam kung ano talaga ang tunay na nararamdam ni Gaby para sa akin. Natatakot ako. Natatakot ako na kapag tinanong ko siya sagutin niya ako ng mga salitang ayaw kong marinig. Hanggang ganito lang ba ako sakanya?

Nagsimula nang magsipasukan ang mga estudyante sa kani-kanilang mga silid aralan, magiging mahabang araw ata to.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon