VII - Sand Castle

188 19 0
                                    


"Tara Echo gawa na tayo ng kastilyong buhangin" Anyaya sa akin ni Gaby.

Ilang oras kaming naglaro, puno ng buhangin ang katawan at pawisan. Hanggat sa mabuo na nga namin ang kastilyo.

"Echo dahil tayo ang gumawa ng kastilyo, tayo ang mumuno dito. Ikaw ang magiging hari at ako naman ang magiging reyna" Sabi ni Gaby.

"Sige pero kailangan pa natin ng ibang tauhan, tulad ng kawal, kusinero at mga tagalinis." Sambit ko.

Kumuha ng mga bato si Gaby at inilagay sa paligid ng kastilyo.

"Yan meron na tayong mga kawal, sila ang magbabantay sa kastilyo natin pag wala tayo. Kumuha ka naman ng mga dahon, sila naman ang magsisilbing kusinero at tagalinis." Utos sa akin ni Gaby.

Agad kong sinunod ang utos ni Gaby, pumunta ako sa halaman para pumitas ng ilang dahon.

Habang naglalakad ako pabalik kay Gaby ay aksidente akong natisod at nadapa mismo sa kastilyo.

Lagot.

Ganon-ganon ko lang nasira ang kastilyong buhanging ilang oras naming binuo. Tinignan ko ang reaksyon ni Gaby, kala ko magagalit siya pero hindi. Tinawanan niya ako.

"Ahaha Echo ang lampa mo pala." Insulto niya sa akin.

Tumayo ako at pinagpag lahat ng buhanging dumikit sa damit ko.

Tumayo na rin si Gaby at nagpagpag.

"Ayaw ko ng maglaro ng buhangin, maglaro naman tayo ng iba Echo". Sabi ni Gaby.

"Ano bang gusto mo?" Tanong ko.

"Laro tayo ng habulan, dahil ikaw ang nadapa ikaw ang taya" Sagot niya.

"Sige, humanda ka, hahabulin kita ipapakita ko sayo kung sino ang lampa." Sabi ko.

Nagsimulang tumakbo si Gaby, hindi ko alam na ganun pala siya kabilis.

Parang hindi rin siya nauubusan ng lakas. Ilang oras na kaming naghahabulan pero ni minsan hindi man lang dumapo ang kamay ko sakanya.

"Pagod ka na ba Echo?" Tanong sa akin ni Gaby.

Nahihiya man akong umamin pero tumango ako. Pagod na ako pero siya hindi pa.

Ilang minuto rin kaming namahinga.

Sunod naming nilaro ang taguan. Siya na daw ang taya para hindi naman daw ako lugi.

Nagtago ako sa gubat malapit sa park. Sadya kong iniwan ang isang tsinelas ko sa daan papuntang gubat para malaman niya na dun ako magtatago.

Pagkatapos niyang magbilang nakita niya agad yung tsinelas ko. Agad siyang pumunta sa gubat.

Kumagat siya sa pain ko. Hindi niya alam may inihanda ako para sa kanya.

Patuloy siyang naglakad. Makakapal ang mga dahon sa puno at mayayabong ang mga damo. Tamang tama ang lugar na ito upang pagtaguan.

Dumidilim na sa gubat. Dahil nga makakapal ang mga dahon madali nitong tinatakapan ang sinag ng araw.

Kumukunot na ang nuo ni Gaby. Nawawala na ata siya.

"Echo! Lumabas kana! Ayaw ko na! Dumidilim na! Echo nasan ka na ba?!" Sigaw ni Gaby.

Nasa madilim na parte ako ng gubat kaya hindi niya ako nakikita pero siya nakikita ko. Pinatagal ko pa ng ilang minuto siyang sumisigaw.

Nakikita ko sa mukha ni Gaby na natatakot na siya.

"Wraaaaaaar!" Sigaw ko kay Gaby.

Nagulat siya at sumigaw, dinig sa buong gubat ang sigaw ni Gaby sa gulat.

Nagsimula akong tumawa pero si Gaby nanahimik at tumalikod sa akin.

"Okey ka lang ba Gaby?" Tanong ko.

Humaharap sa akin si Gaby at napansin kong umiiyak na siya.

"Okey?! Tatanungin mo ako Echo kung okey lang ako?! Baliw ka ba?! Matapos mo akong gulatin sa takot sa tingin mo okey pa rin ako?! Ang sama mo Echo ang sama-sama mo!" Sagot ni Gaby. Derederetso ang luha sa mata ni Gaby. Galit na talaga siya. Sana hindi ko na lang siya ginulat.

Kung ano-ano ang ginawa ko para mapatahan siya pero wala pa rin.

Hanggat sa ginamit ko na ang kapangyarihan ko. Kahit wala sa panahon ng pamumulaklak ang Camellia na nakita ko sa gubat pinilit ko itong pamulaklakin. Pinitas ko ito at inilagay sa tenga ni Gaby.

Lumapit ako sakanya at niyakap ko siyang ng mahigpit.

"Gaby pasensya na kung ginulat kita, gusto lang naman kitang biruin. Pasensya na kung naging tanga ako, sana mapatawad mo ako Gaby. Pasensya na talaga. Hindi na mauulit. Pasensya na talaga." Paliwanag ko kay Gaby.

Unti-unting tumahan si Gaby. Pinununasan ko ang mga luha niya gamit ang dala kong panyo.

Sa wakas napatahan ko rin siya. Pero hindi pa rin siya nagsasalita. Galit parin kaya siya?

"Gaby galit ka pa rin sa akin?" Tanong ko.

Ngumiti sa akin si Gaby. Ngayon ko lang napansin na maganda pala siya at bumagay yung binigay kong bulaklak ko sa kanya.

"Hindi na ako galit Echo basta sa susunod huwag mo na lang uulitin." Sagot ni Gaby.

Nakahinga na ako ng maluawag akala ko dun na magtatapos ang aming pagkakaibigan.

"Echo hindi mo sinabi na kaya mo palang kontrolin ang mga halaman. Ganon ba yung kapangyarihan mo?" Tanong sa akin ni Gaby.

Tumango lang ako.

"Ano bang tawag sa bulaklak na nakalagay sa tenga ko? Ang ganda" Tanong niya.

"Camellia ang tawag. Buti naman at nagustuhan mo." Sagot ko.

"Camellia, hmmm. Bilang tanda ng ating pagkakaibigan dapat lagi mo akong bibigyan nito. Ito na ang paboritong bulaklak magmula ngayon. Echo humanda ka, dahil yung kapangyarihan ko naman ang ipapakita ko sayo." Sabi ni Gaby.

Dahan-dahan akong umangat sa lupa.

"Gaby anung ginagawa mo? Ibaba mo na ako." sabi ko.

Kaya palang kontrolin ni Gaby ang gravity. Kaya niyang gawing mabigat ang magaan na bagay at pagaanin ang mabigat na bagay.

"Hindi pwede, ito lang ang magiging ganti ko sayo. Belat! "

Magtatakipsilim na nang makalabas kami sa gubat. Nakaabang na pala sa akin si Uncle Devon. Mukhang galit.

"Alam mo ba kung anong oras na Angelico?!" Sigaw niya sa akin.

Si Gaby biglang nagsalita.

"Uhm kayo po siguro ang tatay ni Echo. Ako si Gabriella Sander pero pwede niyo po akong tawaging Gaby. Ako po ang may kasalan kung bakit ngayon lang po kami natapos maglaro. Ako po ang umaya kay Echo na maglaro pa. Hanggat sa hindi na po namin namalayan ang oras. Pasensya na po."

"Angelico siya ba yung sinasabi mo?" Tanong niya sa akin.

Tumango lang ako.

"Haay, okey. Gaby at Angelico sa susunod na maglalaro kayo magpaalam kayo kung saan kayo pupunta hindi yung mahihilo ako kakahanap sa inyo." Sabi ni Uncle Devon.

Nakalusot! Salamat kay Gaby.

Magmula noon napadalas ang pagkikita namin ni Gaby. Naging matalik kaming magkaibigan. Napalapit rin siya kay Uncle Devon. Lumipas ang sampung taon lalong tumibay ang aming pagkakaibigan.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon