XXXI - Vision

118 14 4
                                    

Mona's POV

Mona Crown, oo yung korona nga yung apelido ko. Kakaiba diba? Tama lang kasi kakaiba rin naman ako. Kakaiba kasi kinatatakutan.

Mona Roxette Crown, ang buong pangalan ko, isang demonyo, at labing walong taong gulang. Marahil nagtataka kayo kung bakit ko kaapelido ang pinakapinuno ng Concrelus ngayon, si Ms. Lucy.

Siya lang naman kasi ang tita ko, siya na rin ang tumayo kong magulang. Bakit? Namatay sa isang digmaan ang ama ko bago pa ako isilang at ang ina ko naman ay namatay dahil nahirapan na ipanganak ako.

Hindi naging normal ang buhay ko noong bata pa ako. Limang taon palang ako ng matuklasan ko na ang kapangyarihan ko. Noon puro sa panaginip lang nagyayari iyon.

Mga mukha ng mga di kilalang tao ang nakikita ko, lalaki, babae, bata at matanda. Gabi-gabi isang mukha ang nakikita ko at kasabay nito ang paraan kung papaano sila mamatay.

Pinatay, napatay o aksidente sa bawat panaginip na nararanasan ko ay nakikita ko kung papaano isa-isa silang nawawalan ng buhay. Naririnig ko ang kanilang mga sigaw, hinagpis at sakit na kanilang nararanasan. Ang mga sigaw na paghingi ng tulong, walang nakakarinig sa kanila bukod sa akin.

Isunumpa ko ang nakuha kong kapangyarihan, hindi ito isang biyaya, isa itong bangungot.

Isang gabi, nanaginip ako tungkol sa isang batang lalaki, siguro anim na taong gulang. Nagising siya at umiiyak, marahil na alimpungatan. Sinubukan niyang tawagin ang mga magulang niya pero walang nakakarinig sakanya. Nagsimula siyang hanapin ang kanyang magulang hanggat sa nakita niya ang kanyang magulang na nakahandusay, walang malay at duguan. Dahan-dahan niyang nilapitan ang walang buhay na katawan nito at simulang umiyak. Maya-maya pa ay may nakita siyang dalawang pulang mata sa sulok at bigla na lang sinunggaban ng malaking lobo ang bata. Sa isang iglap wala na ang buhay nito, ito rin ang pumatay sa kanyang magulang.

Kinabukasan ay nabalitaan na lang namin na merong pamilyang natagpuang patay. Mag-asawa at ang kanilang anak, namatay daw dahil inatake ng malaki at mabangis na lobo. Malapit lang daw di umano ang bahay nito sa gubat, kaya malapit talaga sa kapahamakan lalong-lalo na sa mga gutom namababangis na halimaw.

Nanghina ako ng marinig ng marinig ko ito, hindi ko akalain na ang isang panaginip ay magkakatotoo.

Pangitain.

Pangitain ang mga nakikita ko.

Ilang gabi kong dinanas ang mga bangungot at walang tulog na gabi hanggat sa mawala ito noong umabot na ako sa walong taon gulang.

Akala ko tapos na, pero hindi pa pala.

Akala ko lang.

Dahil nga ulila ako at si na lang ang kaisa-isahang kong kamag-anak si Ms. Lucy na ang tumayo kong ina, kahit na papaano ay ipinaranas niya sa akin ang buhay bilang isang bata.

Madalas niya akong pinapasyal sa parke upang makahalubilo ang mga batang kapareho ko lang ng edad.

Noong una masaya, habulan takbuhan, taguan. Akala ko magiging normal na ang buhay ko.

Dalawang taon na akong hindi nakakaranas ng mga bangungot, wala na akong naririnig na mga sigaw at paghingi ng tulong pero nagbago lahat ito ng umabot na ako sa sampung taong gulang.

Kung dati sa panaginip lang iyon nangyayari ngayon oras na nahawakan ko ang isang tao, makikita't makikita ko kung papaano, kailan, saan, siya mamamatay.

Nagsimula ito isang buwan matapos ang ika-sampu kong kaarawan. Ipinasyal na naman ako ni Ms. Lucy sa isang parke, kailan man di sumagi sa isipan ko na tawagin siyang ina o tita. Ok lang naman sakanya iyon.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon