I - Grand Oak Academy

826 36 13
                                    

Pulang nanlilisik na mata, matatalim na pangil at itim na itim na balahibo, ilang gabi ko nang napapanaginipan ang isang malaki at nakakatakot na halimaw. Halimaw na balak akong saktan pero may pumipigil sakanya.

Kadena.

Malalaking kadena na nakapalupot sa kanyang katawan. Hindi ko alam kung bakit madalas ko siyang napapanaginipan pero magmula nong maglabingwalong taong gulang ako, parati na lang niya akong binibisita.

Gumising ako nang pawis na pawis at mabigat ang buong katawan. Parang may umubos sa lakas ko na sapat para sa isang buong araw. Kakain na sana ako ng almusal nang makita ko ang orasan, late na ako! Hindi ko na nagawang kumain pa, ngayon ang araw na hinihintay ng mga kabataan sa Zernia, ang entrance exam sa Grand Oak Academy. Isang institusyon para sa mga anghel at demonyo. Dito sila sinasanay upang maging isang protector o warrior na pipigil laban sa mga masasamang nilalang na balak sirain ang Zernia.

Zernia ang lugar kung saan payapang namumuhay ang ang mga anghel at demonyo. Ito ay nahahati sa dalawa. Ang Skylark, lugar para sa mga anghel at Massadora para naman sa mga demonyo.

Sila ay pinamumunuan ng Concrelus. Grupo ng mga malalakas na anghel at demonyo na handang isugal ang buhay para maprotektahan ang Zernia. Sila rin ang nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pagitan ng dalawa.

Dali-dali kong inihanda ang mga gamit ko para makapunta agad sa Academy.

Bagamat isa akong anghel, hindi ko kayang gamitin ang pakpak ko para lumipad. Si Bullet, isang pegasus ang nagsisilbi kong pakpak. Mabilis siyang lumipad, parang bala ng baril. Kaya yun ang napili naming ipangalan sa kanya.Siguradong makakahabol pa ako, nasabi ko sa sarili ko.

Pagdating ko sa academy saktong magsisimula palang ang orientation. Sinabi ng isang instructor kung paano ang magiging takbo ng exam. Umabot ng halos isang daan ang mga kukuha ng exam.

Bawat estudyante ay bibigyan ng tatlong minuto upang ipakita lahat ng kanilang kapangyarihan at talento. Tapos irarank sila upang pagsama-samahin.

Malipas ang kalahating oras, may lumabas na isang babae at sinabi na magsisimula na ang exam. Nagsimula na siyang tumawag ng mga pangalan.

Alam kong matatagalan akong maghihintay dito dahil huli akong dumating. Para malibang, sinimulan kong libutin ang academy. Nagulat ako sa laki ng lugar na ito. Sa buong buhay ko ngayon palang ako nakapunta sa ganitong klaseng lugar.

Tahimik at malamig ang hangin sa loob ng academy. May mga ilang nabasa ako tungkol sa Academy. Oak pala ang apelido ng taong nagtatag dito.

May isang malaking silid na nakakandado. Hindi ko alam pero parang may malakas na kapangyarihan na gustong kumawala dun.

Tinuloy ko ang aking paglilibot, sa sobrang lawak nitong lugar hindi ko na namalayan na nawawala na ako. Nagsimula na akong kabahan, hindi ito ang dinaanan ko. Hindi na pamilyar ang mga pasikot-sikot na nakikita ko.

Alam kong ilang oras na lang baka pangalan ko na ang matawag. Baka hindi na ako makakakuha ng exam. Patuloy pa rin ang paglalakad ko, nawawala na talaga ako. Lalong naging malaki ang tingin ko sa academy.

Sana meron akong makasalubong na makakatulong sakin, ituturo niya ang daan at sasabihan akong "Tanga! Bat ka naglibot hindi mo naman pala alam ang lugar dito?!"

Okey lang kahit pagalitan niya ako, ang importante makabalik ako sa hall.

Unti-unti nang napapagod ang mga binti ko sa kakalakad. Nakakita ako ng bench at umupo. Sinabi ko sa sarili ko na kumalma at makakaisip rin ako ng paraan upang makaalis dito.

Mga tatlong minuto akong naupo hangang sa may nakita akong parang nakatayo sa madilim na bahagi ng sulok na iyon.

"Sa wakas!" Bulong ko sa sarili ko makakaalis na rin ako sa lugar na to.

Tatayo na sana ako upang kausapin yun pero hindi ako makagalaw. Naging nakakatakot yung nakatayo sa sulok. Nakita ko na naging kulay pula ang kanyang mga mata. Kahit na malamig ang hangin sa loob, nagsimula ako pagpawisan. Sumikip ang dibdib ko. Nahirapan akong huminga, hindi ko magawang gumawalaw. Kailangan ko nang tulong, pero sino nga ba ang makakatulong sa akin? Kami lang dalawa ang nandito. Hindi ko rin magawang makapagsalita upang sumigaw at humingi ng tulong. Lalo akong natakot, nginitian niya ako. Nakita ko ang mga matatalas na pangil. Lumalapit na siya, lalo kong naaaninag ang nakakatakot niyang mukha. Nagsisisi na ako, sana di na ako naglibot pa, hinintay ko na lang sana matawag ang pangalan ang pangalan ko. Kahit matagal at nakakabagot hindi na sana ako umalis. Ito ang napapala ng mga tangang katulad ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, malapit na siya.

May tumapik sa balikat ko na labis kong ikinagulat. Napasigaw ako ng malakas, naigalaw ko na uli ang katawan ko, napasigaw din ang tumapik sa akin.

Pagkalingon ko, isang lalakeng nakangiti.

"Okey ka lang ba?" Tanong niya sa akin.

Binalikan ko ng tingin yung nilalang na nakatayo sa sulok pero wala na siya.

Hingal na hingal ako. Huminga muna ako ng malalim bago siya sinagot.

"Oo, pwede mo bang ituro kung saan yung daan papuntang hall? Nawawala kasi ako." Tanong ko sa kanya.

Tumawa siya nang malakas nung marinig niya yung sagot ko. Kahit na medyo nakakainsulto hinintay ko yung sagot niya.

"Oo naman". Sabi niya. Sinamahan niya ako sa daan papuntang hall.

"Alam mo lakas mong sigaw parang babae" insulto niya.

"Ah pasensya na, nagulat mo kasi ako nung tapikin mo ako" tugon ko. Kung alam mo lang kung ano yung naranasan ko at nakita ko. Pero hindi ko sinabi baka akalain niyang nababaliw na ako.

Umabot lang nang limang minuto ang paglalakad namin at nakarating kami agad sa hall. Nagpasalamat ako sakanya,nginitian niya ako at nagpaalam nagmamadali daw siya. Hindi ko nagawang tanungin yung pangalan at sabihin yung sa akin. Ang mahalaga ay nandito na ako. Muntik nanaman akong mahuli.

Tamang tamang huling tinawag ang pangalan ko.

"Angelico Summers" sigaw nung babae.

Dahan dahan akong pumasok sa silid kung saan naghihintay yung mga instructor.

Hindi ko alam kung maibigay ko lahat ng kapangyarihan ko naghihina ako. Bahala na.

Basta ang alam ko hinding-hindi na ako maglilibot sa academy ng mag-isa...

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon