XLIX - Therecian 2

61 6 6
                                    

"Pagpasensyahan mo na ako. Itutuloy ko na ang kwento". Huminga muna siya nang malalim bago siya muling nagsalita. "Walong taon lang ako nang naganap iyon. Nagawa nga naming makalayo pero agad din nila kaming nahanap dahil sa mga dugong tumulo sa kanilang mga katawan. Iyak lang ako ng iyak habang sila nanatiling matatag at matapang. Alam ko na iyon na ang katapusan namin pero wala akong nakitang takot sa pamilya ko sa halip ang nakita ko ay pag-asa. Humarap sa akin ang aking ina at nakita ko ang mukha niyang nakangiti. Sinabi niya na malalampasan din namin ito kaya kailangan kong magpakatatag. Napatahan niya ako pagkatapos ay isang ngiti ang ibinigay sa akin ng ama at kuya ko. Hindi ko alam na iyon na pala ang huling ngiti nilang makikita ko.

Hindi nagtagal ay napalibutan kami ng mga humahabol sa amin. Parehong knight ang ama at kuya ko kaya nagawa rin nilang masugatan ang mga anghel at demonyong sumusunod sa amin, pero sa sobrang dami nila wala na rin silang nagawa. Naprotekthan kami ng aking ina dahil isa siyang forcefield maker pero hindi rin nagtagal ang ginawa niyang pananggala. Madali lang silang nakagawa ng bitak sa forcefield pero wala pa rin akong nakitang takot sa mukha ng pamilya ko.

Habang naririnig kong tumatama ang kanilang mga sandata at kapangyarihan sa ginawang pananggala ng aking ina, pinalibutan ako ng aking pamilya at hinding-hindi ko malilimutan ang sinasabi sa akin ng ina ko.

"Magiging maayos rin ang lahat"

Pagkatapos niyang sabihin iyon, tuluyan nang nabasag ang ginawa niyang forcefield at isa-isa kong nakita kung papaanong pinatay ang aking pamilya. Tuloy-tuloy na ang pagtulo ng aking luha habang nanginginig ang buong katawan ko. Nagliwanag ang mga duguang katawan ng pamilya ko". Tumigil muna siyang magsalita at nakitang kong muli ang ngisi sa kanyang mukha.

"Alam mo ba kung anong nangyari pagkatapos?" Tanong niya sa akin at iling lang ang naisagot ko. "Hindi napunta sa mga pumatay ang kanilang kapangyarihan," lalo pang lumaki ang kanyang ngisi, "sa halip ay napunta ito sa akin. Nakaramdam ako ng panginginig at parang naramdaman ko ang yakap ng aking pamilya. Nakita ko ang taranta sa kanilang mukha, dahil sa nangyari agad silang sumugod sa akin.

Nakita ko sa kanilang mata ang takot habang sabay-sabay nila akong inatake, pero ni isa sakanila ay walang nakalapit sa akin. Ramdam ko ang force field na bumalot sa akin, ang yakap ng aking ina. Naramdaman ko rin ang kapangyarihan ng aking ama at kuya, sa isang pilantik ng aking kamay, lumabas sa langit ang isang libong espadang nakalutang.

Alam nilang wala na silang kawala, dahil sa oras na ibinaba ko ang aking kamay, ang mga espada ay parang naging bagyo na mabilis na tumama sa lupa. Lahat sila namatay. Tumigil na rin ang luha sa aking mata. At naibalik sa akin ang mga kapangyarihang ninakaw nila sa mga kalahi ko.

Naramdaman ko na lang na lumutang ang paa ko sa ere at mabilis akong bumalik sa lupain ko. Kahit na alam wala na akong madadatnan na kalahi ko." Napatigil siya para humigop ng tsaa.

"Bakit mo ba sinasabi ito sa akin?" Tanong ko sakanya. Tumingin lang siya sa akin ng walang emosyon.

"Hindi mo ba iinumin ang tsaa na ginawa ko?". Balik niyang tanong sa akin.

"Bakit mo ba sinasabi ito sa akin?" Madiin kong inulit ang tanong ko sa kanya, napangiti siya sa sinabi ko.

"Mahaba pa ang oras natin at hindi pa ako tapos sa kwento ko. Huwag kang mag-alala, sasagutin ko ang lahat ng tanong mo pag nagtapos na ako. Bakit hindi mo inumin ang tsaa, hindi na masarap yan pag malamig." Anyaya niya uli pero alam kong alam niya na ang iniisip ko kaya tinignan ko na lang siya ng seryoso.

"Itutuloy ko na ang aking kwento. Bumalik akong mabilis na lumilipad patungo sa Xeranes, at ano ang naabutan ko dun? Tumambad sa akin ang mga katawan ng mga pumanaw kong mga kalahi at ang naging una kong reaksyon ay ang patayin ang lahat ng makikitang kong anghel at demonyo. Naging madali lang sa akin yun dahil habang padami ng padami ang aking napapatay palakas ng palakas naman ang aking kapangyarihan." Humigop siya uli ng tsaa at itinaas ang tasa ng para bang nag-aalok bago siya muling nagsalita.

"Napuno ng dugo ang Xeranes, pero di ko nagawang patayin ang lahat ng lahi ng mga angkan mo pati ang mga demonyo. Hinayaan kong makatakas ang ilan dahil kahit na patayin ko lahat sila, alam kong hindi na iyon maibabalik ang nawala kong pamilya." Huminto siya sa pagsasalita at mata sa mata akong tinignan.

"Tapos ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa. Nakaramdam ako ng iba sa aking katawan. Alam ko na umaapaw ang natanggap kong kapangyarihan kaya naging immortal ako. Linisan ko rin ang Xeranes dahil wala na akong babalikan pa doon. Lumipas ang ilang taon at nagawa kong makapaumuhay ng mag-isa. Binalikan ko ang Xeranes at ang nadatanan ko, wala na ni isang bakas ang na merong mga Therecian na nabuhay dati roon, sa halip napalitan ito ng magulong sibilisasyon."

Tumingin muna siya sa akin, bago tuloy na nagsalita.

"Dito na siguro papasok ang tinurong kasaysayan sa inyo. Alam mo na noon pa man ay hindi na magkasundo ang mga lahi ng anghel at demonyo, at ano ang dahilan non? " Tanong niya sa akin.

"Kapangyarihan", sagot ko.

Ngumiti siya at tuloy na nagsalita. "Likas na sa dalawang lahi ang pagiging sakim sa kapangyarihan. Lahat ng ninuno ay mo nag-uunahan at nagpapatayan para malaman lang kung sino ang karapat-dapat na maupo sa tuktok. Natatak na sa kanilang isipan na dapat iisang lahi lang ang manaig.

Hindi na ako nakaelam sa giyera sa pagitan ninyo, sa halip nanood na lang ako. Masaya akong nagkikitang kayo mismo ang nagpapatayan." Humigop siya muli sa kanyang tsaa at inilapag sa mesa, ubos na ito.

"Sabihin mo na kung bakit mo sinasabi ito sa akin. " madiin kong utos sa kanya.

Dahan-dahan siyang tumayo at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Ngayon lalo ko pang nakita kung gaano kaganda ang dalawang kulay ng kanyang mata.

"Kailan man ay hindi niyo makakamit ang kapayapaan. Mayroon laging lalabas na nilalang na sisira nito.

Katulad lang ng ginawa ng iyong ama, malaki ang gagampanan mong papel sa magaganap na bagong giyera." Lumaki ang ngiti sa kanyang labi. "At mauulit na naman ang pagtulo ng dugo sa lupain ng Zernia."

"Meron ka bang kinilaman dito? " Tanong ko sa kanya.

"Kagaya na ng sinabi ko sayo kanina, likas na sa inyo ang pagiging sakim. Wala akong kinalaman dito wala rin akong balak na mangialam."

"Kung ganon bakit kailangan mo pang sabihin ito sa akin? " Tumayo siya at pumitas ng bulaklak. Inilipag niya ito sa mesa.

"Tulad ng bulaklak na kapag pinitas mo sa halaman, malalanta na ito. Ganyan ang din ang nangyayari sa kadenang nakatali sa halimaw sa panaginip mo. Unti-unti ng nalalanta ang mga kadena at alam mo na siguro ang mangyayari pagkatapos non. "

tinignan ko lang siya dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Magulo na ang isipan ko dahil sa mga bagong impormasyon.

"Kahit na alam ko kung sino ang iyong mga magulang, mas makakabuti kung malalaman mo ito sa mga taong nakapalibot sayo. Huwag kang mag-alala, malalaman mo rin kung sino sila. Kailangan mo lang maghintay. Hindi pa ngayon ang tamang oras. "

"Sinasabi mo na merong kinalaman ang halimaw sa aking panaginip sa magaganap na giyera?", tanong ko sa kanya.

"Meron, at sa tingin ko malapit mo na siyang makita.". Napalunok na lang ako ng marining kong sabihin niya yun.

"Pero huwag kang mag-alala" , tuloy niyang sinabi, "hindi ka pababayaan ng mga taong nakapaligid sayo. Ang kailangan mo lang gawin ay alamin kung sino ba talaga ang dapat mong pagkatiwalaan." Tumawa siya ng napakalakas, tawa ng parang isang baliw. Nakakarindi.

"Tama na," sabi ko pero hindi pa rin siya tumigil.

----------------

AN: Matagal na natigil to, kaya nagpapasalamat ako sa mga patuloy na nagbabasa at sumosuporta dito :)

Vote and comment will be highly appreciated para ganado naman ako na ituloy to haha.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon