XVII - Room

108 11 0
                                    

Pumasok ako kaagad matapos akong tawagin ni Uncle Devon. Sa mesa nakahain ang kanyang niluto para sa almusal. Maraming klase pero ang isang pirasong saging at basong juice lang ang pinansin ko.

Tahimik kaming kumakain hanggat sa basagin ito ni Uncle Devon.

"Echo, may sakit kaba? Parang wala ka sa sarili mo ngayon." Sabay lagay ng kanyang palad sa noo ko.

"Wala naman po, wala lang pong ganang kumain. Sige po akyat na po ako sa taas para makaligo na at papasok na po ako. Maraming salamat po sa pagkain." Sabay tayo at iniwan ko si Uncle Devon. Gusto ko na sanang ikwento sa kanya yung panaginip ko pero kada susubukan ko, nawawalan ako ng boses.

Ngayon ay papaakyat ako sa itaas nang mabaling ang tingin ko sa silid naka kandado. Punong-puno ng alikabok ang bintana at pintuan nito kaya wala kang maaaninag sa loob. Ang door knob at ang mga kadenang nakapalibot dito ay kinakalawang na rin. Kahit na sobrang malinis ang buong bahay itong lugar lang na to ang hindi nagagalaw. Hindi ko alam kung anong meron dito, hindi ko man nakitang buksan o tumayo man lang ng matagal dito si Uncle Devon. Naalala ko nong minsan kong tanungin sakanya ang silid na ito pero halip na sagutin niya bigla na lang niyang iniba ang usapan at nagpanggap na hindi niya na rinig ang sinabi ko. Magmula non, hindi ko na uli tinanong si Uncle Devon tungkol dito.

Hawak ko na ngayon ang door knob ng pintuan. Hindi ko alam pero parang may mga boses sa aking isipan na nagsasabing buksan ko ito hawak ko naman sa kabilang kamay ang mga kadenang nakakandado, ano mang oras ay pwede kong sirain ang mga ito, pero hindi ko nagawa. Nanaig sa aking isipan ang mga utos ni Uncle Devon, bigla ko binitawan ito at patuloy naglakad sa aking silid.

Bigla ko na lang naalala ang silid din sa academy na nakakandado, hindi ko parin lubos na akalain na napadpad ako sa pinagbabawal na lugar sa academy. Pakiramdam ko sa sa silid na yon ay may nakatagong kung anong malakas na kapangyarihan kaya siguro ito nakakandado.

Inihanda ko na ang aking uniporme, bag at ibang pang gamit. Iniligay ko sa kama ang uniporme ko tsaka tumungo na sa banyo upang maligo. Ang sarap sa pakiramdam ng malamig na tubig sa umaga, kahit na papaano ay nabawasan ang dinaramdam ko ngayon. Agad-agad akong nagbihis at pinuntahan si Bullet, pinakain muna bago umalis.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin ako sa academy, medyo napa-aga ata ang pagpunta ko, wala pang gaanong estudyante ang nandun.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon