XLV Clean

62 7 4
                                    

Umaabot na ang sinag ng araw sa aking kwarto nang magising ako, tahimik na ang buong bahay, siguro nakaalis na si Uncle Devon.

Agad na akong tumayo at inayos ang aking kama, kasama na rin ang ilang kalat sa aking kwarto. Mga ilang minuto pagkatapos kong gawin iyon, bumaba na ako upang humanap ng makakain. Hindi naman ako nabigo dahil maayos na naitabi ni Uncle Devon ang ilan sa mga tirang pagkain namin kagabi.

Marami na naman akong nakain dahil masarap talaga ang niluto niya, pagkatapos, hinugasan ko na ang aking mga pinagkainan. Siguradong hindi kumain ng almusal si Uncle Devon dahil iisang tasa lang ang nakita ko sa lababo.

Pagkatapos lang ng ilang minuto ay natapos ko na rin ang paghuhugas, pero hindi lang ito ang gawain sa bahay, sunod nito ang paglilinis ng buong bahay.

Kung alam ko lang sanang gumamit ng cleaning spell, madali ko lang sana itong matatapos. Pero wala eh, hindi ako spell caster. Nakakapagtaka lang na isang elemental si Uncle Devon pero alam niyang gumamit ng cleaning spell. Siguro ito lang ang alam niyang gamiting spell, kung sa bagay napakalaking tulong nito sa kanya't dahil ilang oras din ang gugugulin mo upang malinis ang buong bahay, ibig sabihan pati ang kasuluk-sulukan nito.

Wala na akong nararamdan ngayon, salamat sa ibinigay na gamot ni Ma'am Ana at malaki rin ang tulong ng tulog ko kagabi.

Alam kong sinabi ni Ma'am Ana na kailangan kong magpahinga, pero hindi naman pwedeng humilata lang ako dito ng buong araw. Kailangan ko ring magunat-unat at magpapawis.

Pumunta ako sa bodega malapit sa banyo upang kunin ang mga gamit na panlinis. Isa rin ito sa mga kwarto dito sa bahay pero dahil dadalawa lang naman kami ni Uncle Devon ang nakatira dito, naisipan niyang gawin na lang itong bodega. Dito nakalagay ang mga gamit niyang hindi niya ginagamit pero hindi rin niya magawang maitapon. Ilan dito ay mga kahon, damit, mga lumang papel na nakalagay sa baul at marami pang iba.

Pinindot ko ang buton ng ilaw pero hindi ito gumana. Mukhang dadagdag na naman ito sa mga trabahong dapat kong ayusin. Lumabas ako uli sa kwarto upang humanap ng kandila, agad ko naman itong nakita at itinuloy ko na ang aking paghahanap.

Pagkapasok ko, hindi ko napigilang bumahing dahil sa dami ng alikabok at sapot. Ilang minuto lang ay nahanap ko na ang lahat ng gagamitin ko sa paglilinis. Aalis na sana ako ng may nakita akong kumikislap na bagay malapit sa sulok na kwarto. Inakala kong isa iyong alahas o metal na kasangkapan, pero nung nilapitan ko at dinampot, isa pala itong larawan na nakalagay sa kulay gintong frame.

Pinunasan ko ang salamin sa harap nito at hindi ko napigilang ngumiti nang makita ko ang larawan. Isang babae at lalaki ang nasa larawan, nakangiting hawak ng babae ang braso ng lalaki, siguro ka edad ko lang. Alam kong si Uncle Devon ang lalake sa larawan. Una ang estilo ng pananamit niya at ang pangalawa hindi siya nakangiti. Para bang pinilit lang siyang tumingin sa kumuha ng larawan, samantala ang babaeng kasama niya, ay masayang-masayang nakangiti at mapapansin na mahigpit ang kapit nito sa braso ni Uncle Devon. Ngayon ko lang napansin na maganda ang babaeng kasama niya. Punong-puno ng kasiyahan ang mga bilugang niyang mata, pulang-pula rin ang kanyang labi at bagay na bagay sa maputi niyang balat ang kulay pula niyang buhok. Ilang minuto kong tinitigan ang babae sa larawan bago ko mapansin na pamilyar siya. Para bang nakita ko na siya dati.

Inilabas ko ang larawan upang lalo kong makita sa liwanag, biglang pumasok sa aking isip ang mukha ng pinuno ng Concrelus, tama ako. Ang babae sa larawan ay walang iba kundi si Ms. Lucy.

Wow. Base sa larawan na hawak ko, hindi maikakaila na parang meron silang relasyon. Pumasok nga sa isipan ko na kahit minsan hindi siya nagdala ng babae sa bahay o nagpakilala ng babeng kaibigan ni minsan. Mukhang marami pa akong hindi nalalaman tungkol sakanya, ang nakakapagtaka lang ay kung bakit nakatago ito sa bodega at hinayaan niya lang na malibukan. Hay, isa na naman ito sa mga tanong ko na hindi masasagot.

Ibinalik ko na sa bodega ang larawan at sinimulan na ang paglilinis sa taas ng bahay. Pinunasan ko ang lahat ng mga larawan, mga lumang gamit gaya ng mga banga na nakalagay sa gilid ng mga kwarto at kung ano-ano pang mga antique na bagay na siguro kasing tanda nitong bahay. Winalisan ang sahig at pagkatapos gumamit ng bunot para kumintab ang sahig na kahoy. Oo kahoy ay sahig sa ikalawang palapag at hindi pwedeng hindi ito kikintab kapag maglilinis. Inabot ako ng isang oras para linisin ang buong ikalawang palapag. Meron ng mga butil ng pawis ang makikita sa aking noo at medyo lumalalim na rin ang aking paghinga pero hindi ako pagod, para bang nakakaramdam ako ng kaginhawan.

Pababa na ako ng mapadaan ako uli sa kwartong naka-kandado. Gusto ko sanang buksan ito at linisin. Kitang-kita sa pintuan ang kalumaan nito. Maski ang ginamit na kandado ay nangangalawang na.

Kayang-kaya kong sirain ang kandado nito pero nanaig sa aking isipan ang mga boses ni Uncle Devon kesa ang kagustuhan kong makita ang laman nito. Napabugtong-hininga na lang ako at bumaba na sa hagdan. Doon ko na pinagpatuloy ang paglilinis.

Sa salas makikita ang kulay pula at gintong carpet, meron itong disenyo ng isang ibong nakaladlad ang pakpak at umaapoy, naksasentro ito sa silid. Meron ding maliit na mesa na nakapatong at ilang mga luma pero detalyadong upuan na gawa sa kahoy. Katerno ito ng mesa. Madalas dito namin pinapatuloy ang mga bisitang dumadalaw.

Sa kisame nakasabit ang isang chandelier na gawa sa salamin na parang diyamante kapag nakailaw. Makikita sa ding-ding ang mga painting ng ibat-ibang tanawin.

Sa mga sulok naman ay makikita ang mga paso na meron mga nakatanim na rosas na kulay pula. Hindi ganoon kagusto ni Uncle Devon ang mga halaman sa loob ng bahay, pero dahil elemental ako pinayagan niya akong maglagay ng mga halaman, mga halamang namumulaklak lang ng kulay pula ang pinapayagan niya. Kulay kasi ito ng apoy.

Ganitong-ganitong ang naalala kong ayos ng bahay magmula ng magkaisip ako. Laging malinis at maayos.

Sinimulan ko ang paglilinis sa pamamagitan ng pagpunas ng mga kasangkapan at mga painting, kasunod nito ang pagwawalis ng sahig at paglalampaso nito. Hindi na napigil ng katawan ko ang paglabas ng pawis at sa halip na pagod ang naranasan ko, ginahawa ang naramdaman ko.

Pagkatapos ng mahigit dalawang oras, natapos ko na ang paglilinis ng buong bahay kasama na ang kasuluk-sulukan nito. Hindi ko mapigilang ngumiti ng makita ko ang kinalabasan ng aking paglilinis.

Nakaramdam ako ng gutom dahil hindi ko namalayan na magaalas-dose na pala. Agad kong ibinalik ang mga gamit panlinis sa bodega at umakyat sa kwarto upang kumuha ng bagong damit at maligo.

Nang makarating ako sa aking kwarto, hindi ko napigilang tumingin sa salamin. Ngayon ko lang napansin ang isang maliit na pekas sa aking kilay. Malamang nakuha ko ito ng maglaban kami ni Zian.

Bigla na lang pumasok sa aking isipan ang mga salitang binitawan ni Ma'am Ana.

"Kasing edad mo lang ang anak ko ng kunin siya sa akin.". Paulit-ulit ko itong naririnig sa aking isipan. Parang meron siyang gustong ipahiwatig. Alam ko rin na merong kinalaman si Uncle Devon dito. Nang makita ko ang reaksyon niya, nakaramdam ako ng kalungkutan.

Inayos ko ang aking buhok at kinuha ang tuwalya, pinilit kong ibahin tumatakbo sa aking isipan hanggat sa pumasok naman si Gaby. Hindi siya pinayagan ni Ma'am Ana sa clinic na makita ako. Siguro nag-aalala na ngayon iyon lalo pa't hindi ako nakapasok, ganun din siguro si Dawn.

Hindi bale makakapasok naman na ako bukas, kailangan ko lang ihanda ang sarili ko dahil mahaba-habang pagpapaliwanag ang gagawin ko.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon