XIX - Cookies

127 10 0
                                    

"Magandang umaga" ngiting bati ni Dawn, pero hindi ko siya pinansin.

"Magandang umaga, Echo. Okey ka lang ba parang ang lalim ng iniisip mo. May problema ka ba?" Sabi niya.

"Ah eh, magandang umaga rin Dawn, pasensya na may iniisip lang ako." Sagot ko.

"Buti naman, ito oh tanggapin mo". Inilabas niya sa mga gamit niya ang isang maliit na kahon. Agad niya itong inabot sa akin.

"Ano to Dawn??" Tanong ko.

"Buksan mo para malaman mo." Ngiting sinabi ni Dawn. Agad ko namang binuksan ang kahon. Sa loob ay mga bagong bake na cookies.

"Cookies?? Para sa akin?' Tanong ko.

"Oo Echo, ako mismo gumawa niyan. Pasasalamat ko yan at inihatid mo ako kahapon." Sagot niya.

"Ah yun ba? Walang anuman yun. Maraming salamat dito sa mga cookies, siguradong masarap ito. Hindi mo sinabing marunong kang magbake." Sabi ko.

"Kailan lang kasi ako nagsimula, kakabagot kasi sa bahay kaya yan ang napag-abalahan ko. Alam mo sa ilang beses kong sinubukan yan, iyan lang ang maayos. Kaya sana magustuhan mo."

"Maraming-maraming salamat uli. Alam kong masarap to kasi ikaw mismo gumawa." Ngiti kong sinabi sakanya. Natuwa ako kasi bukod kay Gaby si Dawn lang ang unang babaeng nakapagpangiti at nagbigay ng regalo sa akin. Bigla na lang namula ang mukha ni Dawn.

"Dawn okey ka lang ba? Namumula yang mukha mo."

"Ha?!" Yun na lang ang nasabi niya, agad niyang tinakpan ng kanyang palad ang kanyang mukha tsaka tumalikod. Para siyang batang bigla na lang nahiya. Nakakatuwa siya.

"Okey ka lang ba?" Tanong ko sakanya.

"Oo Echo, huwag mo na akong alalahanin." Sabi niya, ilang minuto lang ay dumating na rin si Sir Ysmael. Binati niya kami at binati rin naman namin siya pabalik.

"Kagaya nga ng sinabi ko kahapon, ngayon na natin sisimulan ng pormal ang pag-aaral pero hindi pa ang training, dahil naniniwala akong mahalagang malaman niyo muna ang kasaysayan ng lugar na inyong tinitirhan at pinag-aaralan. Kailangan niyo munang malaman ang lahat tungkol sa Zernia, ang Skylar, Massadora at lalong lalo na sa Grand Oak Academy. Ihanda niyo na ang inyong mga gamit dahil mahaba-habang discussion lecture ito." Sabi ni Sir. Pagkatapos ay kinuha niya na ang libro sa kanyang gamit at ilang minuto muna siyang nanahimik tsaka nagsimulang nagsalita. Dere-deretso siyang nagsalita. Hindi naman ganon nakakabagot ang kanyang tinuturo dahil para lang siyang nagkwekwento, pero kahaba. At parang hindi siya nauubusan ng hininga sa pagtuturo. Lahat ng estudyante ay tutok sakanya, maliban na lang sa akin.

Hindi ako tinitignan ni Dawn, ewan ko kung may nagawa ako sakanya, pero ilang minuto ko siyang tinitigan hanggat sa mapatingin rin siya sa akin. Nginitian ko siya, binalikan niya rin ako ng ngiti. Kaganda niya talaga at sa pangalawang beses namula nanaman siya!

"Namumula ka na naman Dawn" bulok kong pasabi sa kanya.

"Ha?? Nanaman?" Tanong niyang pabulong.

Tumango naman ako hanggat sa may narinig kaming boses.

"Ehem, Mr. Summers at Ms. Oak, pwede niyo bang ibahagi sa buong klase yang pinaguuspan niyo?" Si Sir Ysmael pala! Nakita niya kaming nag-uusap. Lahat na lang ng kaklse namin ay nakatingin sa aming dalawa. Hindi ako sanay ng ganito.

"Pasensya na po Sir. May tinanong lang po ako kay Dawn." Sagot ko.

"Sa susunod pwede bang huwag niyo ng gawin yan? Hindi bat kasama sa rule ko sa loob ng silid ang pakikinig kapag nagsasalita ako?" Sabi niya. Ang dating akala kong mabait at mahinahon na guro ay bigla na lang nagbago. Sinabi niya yung mga salitang iyon ng hindi pasigaw pero mahinahon. Pero iba ang dating nun sa akin.

"Pasensya na po Sir hindi na po mauulit." Sinabi ko. Bigla na namang nagbago ang timpla ng mukha ni Sir parang bumalik na naman siya sa pagiging mahinahon at mabait.

Pagkatapos nung pangyayari napilitan akong makinig sa lahat ng kanyang sinasabi. Dati palang hindi magkasundo ang dalawang nilalang, ang mga anghel at demonyo. Ilang dekada rin daw ang pagkakaroon ng madugong digmaan sa pagitan ng dalawa. Hanggat sa dumating ang taong nagtatag nitong academy. Si Gordon Oak. Siya ang nagbigay daan upang magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng dalawa. Itinatag niya itong Academy upang magkaroon ng maayos na relasyon ang dalawang nilalang. Dito sila ay sabay na mag-aaral at magsasanay. Araw-araw na magkikita at araw-araw ding makakahalobilo. Siya rin ang dahilan kung bakit natatag ang samahang tinawag na "Concrelus". Binubuo ng grupo ng mga anghel at demonyo na mayroon iisa lang na layunin. Ang mapanatili ang kapayapaan at huwag ng maulit muli ang madugong digmaang naranasan noon. Higit pa sa bayani ang turing kay Gordon, kaya noong namayapa siya, naisipan ng mga Concrelus na ipangalan ang pangalan ng Academy galing sa angkan na kanyang kinabilangan, ang Oak. Bilang pagbibigay pugay at karangalang kanyang ginawa. Kahit na si Gordon ang nagtayo, kailanman ay hindi niya pinagkakitaan ang eskwelahan. Wala sa kontrol ng mga Oak ang academy, kundi nasa kamay ng mga Concrelus.

Ilang oras ding nagsasalita si Sir Ysmael ng bigla na lang siyang tumigil, tinanngal ang kanyang salamin,pinunasan at isinuot uli. Tinignan niya ang kanyang relo sa kamay tsaka nagsalita.

"11:30 na pala, mukhang kailangan na muna nating magbreak. Sige balik kayo dito ng 1:30, dalawang oras na ang ibinigay ko sa inyo kaya inaasahan ko na wala ng malalate mamaya." Nagpaalam na si Sir at umalis agad. Katulad ng dati nagpahuli kami ni Dawn na lumabas.

CamelliaWhere stories live. Discover now