IX - Treven Tree

204 16 0
                                    

Umaabot na ang sinag ng araw sa kama ko nang magising ako. Dahil na rin siguro sa pagod kaya tinanghali na ako ng gising.

Tahimik ang buong bahay. Pumunta ako agad sa kusina para uminom ng tubig. Mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon kaysa kahapon. Nabawi ko na ang lakas ko.

Dahil walang pasok, akala ko magkakaroon ako ng oras para magpahinga.

Pero hindi pala.

Dumating agad si Uncle Devon.

"Echo nabalitaan ko na B- Class ka lang. Sinadya mo ba talaga to? Matagal na tayong nagtratraining alam ko ang kapasidad ng kapangyarihan mo. Ang lakas mo ay sapat para makarating ka sa A- Class." Sabi sakin ni Uncle Devon.

"Uncle pasensya na kung di ko man narating ang A-Class hayaan sa susunod na buwan nandun na rin ako." Sagot ko.

Nung sinagot ko yon akala ko aalis na siya at pababayaan niya na akong magpahinga. Pero mali nanaman ako.

"Tama ka Echo sa susunod na buwan magiging estudyante na kita dahil ngayon magtratrain tayo!" Sigaw niya sa akin.

Heto na naman. Okey na sa akin yung pagiging istrikto ni Uncle Devon pero pag dating sa training lalong lumalabas ang pagka demonyo niya. Lalong siyang nagiging nakakatakot.

Wala na akong nagawa kundi tumayo at sumunod sa pinaguutos niya. Pumunta ako agad sa likod ng bahay. Dahil may kalakihan ang bahay namin malaki rin ang likod-bahay. Doon kami madalas magsanay.

"Simulan na natin ang training!" Sigaw niya sa akin.

Alam kong malakas si Uncle Devon ni minsan hindi pa ako nanalo sa kanya.

"Teka lang po. Hindi po ba bawal na turuan niyo ko kasi guro kayo sa academy?" Tanong ko.

"Hindi bawal ang ginagawa natin Echo. Una walang pasok ngayon at hindi ko naman ituturo sayo yung mga dapat malalaman mo sa academy. Magiging bawal lang to kapag may pasok at nasa academy tayo. Naiintidihan mo ba? Kesa magdadaldal ka diyan bakit hindi mo na lang simulang umatake. Ikaw na mauna." Sagot niya.

Wala talaga akong takas. Kailan ko talagang magtrain. Wala na akong magagawa.

"Uncle hindi ba lugi ako? Wala namang ganong halaman dito para kontrolin ko?" Tanong ko.

"Kaya nga kita pinauunang umatake, tsaka gamitin mo utak mo. Sa laban hindi lang puro lakas ng kapangyarihan ang kailangan, ginagamitan din ito ng matinding pagiisip. Gumawa ka ng gameplan o strategy kung paano mo mapapatumba ang kalaban mo." Sagot niya.

"Sige, pag nagawa mo akong paalisin sa kinatatayuan ko, titigil na tayo ng training para sa araw na to. Okey?"

Tumango na lang ako. Pero paano ko kaya siya mapapaalis?

Lumayo ako sakanya ng ilang distansya. Alam kong hindi niya gagamitin ang kapangyarihan hanggat hindi ko ginagamit ang sa akin.

Sinumulan kong tumakbo papunta sakanya. Alam kong kaya kong makipagsabayan sa kanya kung gagamitin ko lang ang aking kamao.

Una akong sinanay ni Uncle Devon upang palakasin ang pisikal na katawan kaysa sa kapangyarihan. Pero alam ko ring hindi ako mananalo kung yun lang ang gagamitin ko.

Sinumulan ko siyang paulanan ng mga suntok. Pero sa dinami ng suntok ko, puro inilagan lang niya ito.

Wala pang tumatama sa mga atakeng ginawa ko. Patuloy lang ang pagsuntok ko sakanya. Patuloy rin siya pag-ilag.

Ilang minuto ko na siyang inaatake pero wala pa rin. Ni hindi man lang gumalaw ang mga paa niya sa kintatayuan niya.

Umatras ako, para makapagpahinga ng ilang sandali.

"Echo ano ba?! Nababagot na ako sa ginagawa mo! Puro ka suntok pero wala namang tumatama! Gamitin mo yang kapangyarihan mo!" Sigaw niya sa akin. Ginalaw niya ang kamay niya parang nangaaya na atakihin ko pa siya.

Sa pangalawa kong pagsugod iniba ko ang aking pagatake. Pinipuntirya ko ang kanya mga paa para mapagalaw ito. Hindi niya na iniilagan ang mga atake sa halip dinedepensahan niya ito. Ginagamit niya ang kanyang kamay para tanggapin ang mga suntok ko.

Patuloy pa rin ang pagatake ko sakanya hanggat sa nakahanap ako ng tyempo.

Sa wakas! Natamaan ko siya! Sa pagdepensa niya na kahanap ako ng tyansa para matamaan ko siya sa pisngi.

Napatigil ako hinihintay kung ano ang magiging reaksyon.

Sa sobrang bilis nang pangyayari hindi ko nagawang depensahan sarili ko. Siya naman ang umatake! Tinamaan niya ako sa tiyan. Parang triple yung ibinalik niya sa akin. Napaatras ako.

Napangisi siya at nagsalita.

"Echo may kalakasan yung pagkakasuntok mo sa akin pero hindi pa rin sapat yun para mapaalis mo ako sa kinatatayuan mo. Yan lang ba ang kaya mo?!" Sigaw niya sa akin.

Kailangan ko na talagang magisip ng ibang paraan. Tinignan ko ang paligid hanggat sa may nakita akong buto. Buto ng Treven tree isang matibay na klase ng puno.

Tama ito ang gagamitin ko laban sakanya.

Pasimple akong naglakad papunta sa buto tsaka ko bigla kong pinaangat ang buto sa kamay ko para hindi niya mapansin.

Sinimulan ko na ang pagsugod sakanya. Kagaya pa rin kanina pinaulanan ko siya ng suntok pero pasimple kong inihulog yung buto sa paanan niya. Dahil sa ginawa ko nagawa niya akong masuntok at mas masakit yun kesa sa na una.

Tumilapon ako sa lakas na pagkakasuntok niya.

Hindi pa ginagamit ni Uncle Devon ang tunay niyang kapangyarihan pero ganon na kalakas. Pero hindi niya alam na may naiisip na akong paraan para mapaalis siya sa kinatatayuan.

"Paano ba yan Uncle Devon matatapos na ang training natin. Mapapaalis na kita sa kinatatayuan mo." Sabi ko sakanya.

"Pinapatawa mo ba ako Echo?! Paano mong"

Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya dahil bigla kong pinatubo sa paanan niya yung Trevan Tree dahil nabawi ko na yung lakas ko nagawa ko itong patubuin ng malaki at biglaan.

Tagumpay! Nagawa ko siyang mapaalis sa kinatatayuan niya.

Nakita kong bumilis ang paghinga niya. Parang pinipigilan niya ang kanyang galit. Marahil hindi niya inaasahan na aatake ako ng biglaan.

Napaatras ng ilang dipa si Uncle Devon sa ginawa kong pag atake.

Hinihintay ko ang susunod niyang galaw.

Pero pumalakpak siya at sinimulang lumakad pa punta sa akin.

"Magaling Echo, magaling. Hindi ko inasahan yung atake mo. Nagawa mo ngang mapaalis ako sa kinatatayuan ko. Pasimple mong inilaglag ang buto para hindi ko makita diba? Pero sa tingin mo ba sapat na ang lakas mo para magtagal sa academy? Marami kang makakaharap sa academy na mas malakas at mas maabilidad kaysa sayo. Tandaan mo hindi ko pa ginagamit ang kapangyarihan ko." Sabi niya at nagsimulang naglakad papuntang bahay.

Hindi ko alam pero parang kinilabutan ako nang sinabi niya yon. Gaano ba kahirap ang mag-aral sa academy?

Iniwan niya akong nakatayo. Nag-iisip.

Basta. Ang alam ko natalo ko siya ngayon.

Alam kong mas mahirap na ang mga susunod na pagtratraining namin. Kailangan kong paghandaan.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon