V - Gaby Sander

223 22 0
                                    

Ilang oras lang din nang mag-usap kami ni Luca ay nakita ko nang parating si Gaby. Kinawayan ko siya para malaman niya kung nasaan ako. Pagkadating ko siya ipinakilala ko siya kay Luca.

"Luca ito pala si Gabriella Sander". Hindi pa man ako tapos magsalita nang agad siyang sumabat.

Maganda, may mahabang buhok siguro abot hanggang bewang, may kaputian pero hindi yung ganun kaputi, mapula ang labi kahit na walang lipstick, may katangkaran para sa isang babae,at mapupungay ang kulay brown na mga mata si Gaby.

"Echo hindi mo sinabi na meron ka ng girlfriend." Sabi ni Luca.

"Hindi niya ako girlfriend, bestfriend niya ako. Gaby na lang itawag mo sa akin." Si Gaby na ang sumagot.

Sa kasamaang palad bestfriend lang ang tingin sa akin ni Gaby. Mahal ko si Gaby pero hindi ko masabi-sabi sakanya, natatakot ako na pag nalaman niya mag-iba na ang tingin niya sa akin.

"Bat di mo niligawan Echo? Ikinagagalak kitang makilala Gaby. Pag niligawan ba kita may pag-asa ako?"  Sabi ni Luca.

Nagulat ako nang sabihin niya yun. Pero alam ko ang isasagot ni Gaby.

Ngumiti si Gaby at sinabing "Luca, huwag mong pangaraping sasagutin kita pag niligawan mo ako."

Nagulat si Luca nang marinig niya at napatawa. Ganun talaga ang ugali ni Gaby, deretsehan kung magsalita.

"Ang sungit mo naman ahahaha. Di bale biro lang yun"  Sabi ni Luca

Tumawa lang din si Gaby. Buti nga sayo Luca, aagawan mo pa kasi ako. Maghanap ka na lang ng iba.

"Gaby anung rank pala nakuha mo sa exam?" Tanong ko.

"A class ako Echo, ikaw ba?"  Sagot niya.

"B class lang ako. Gaby hindi ka ba nagugutom? Kain tayo." Sabi ko.

"Ano?! Echo B class ka lang?!" Sigaw niya.

"Ahaha ngayon alam ko na Echo kung bakit hindi mo niligawan si Gaby" insulto ni Luca.

"Gaby hinaan mo lang boses mo, tignan mo ang dami nang nakatingin sa atin. Magpapaliwanang ako mamaya." Sagot ko.

"Hay naku Echo..... Mabuti pa nga kumain na lang tayo." Tugon niya.

Kahit minsan masungit si Gaby, maaalahanin naman siya. Alam ko rin kung ano kahinaan niya, mahilig siya sa matatamis na pagkain.

"Mabuti pa Luca sama ka na rin samin libre ko na kayo pasasalamat ko na lang yon at tinulungan mo ako" anyaya ko kay Luca.

"Salamat pero, di ako pwede ngayon, naalala ko na may importante akong aasikasuhin. Sa susunod na lang" Sabi niya.

" Sige na nga lang." yun lang naisagot ko.

"Echo, Gaby sige mauna na ako. Magenjoy sana kayo. Maiwan ko na kayo." Nginitian kami ni Luca tsaka kinindatan si Gaby.

Nakita ko na kumunot mukha ni Gaby, napangiti ako.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?!" Tanong ni Gaby.

"Walaaa, kain na nga lang tayo, may alam akong masarap na kainan dito.Tara" Sagot ko.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon