VI - Nickname

216 17 0
                                    

Magkababata kami ni Gaby, kaya halos alam ko na ang lahat tungkol sa kanya at ganun din yung sa akin. Ilang taon na rin kaming magkasama. Maasahan, matulungin at mabait, kahit na minsan na masungit alam kong ginagawa niya yun para sa kapakan ko.

Pareho kaming ulila ni Gaby pero ang kinaibahan lumaki siya sa isang bahay ampunan pero ako may nagpalaki sa akin, kahit na hindi ko kamag-anak, si Uncle Devon.

Walong taon kaming dalawa nang una kaming nagkita nang minsang ipasyal ako ni Uncle Devon sa park. Saktong nandun din si Gaby naglalaro sa buhangin. Nakita ko siya at nginitian ako pero hindi ko siya binalikan ng tingin.

Hindi kasi ako sanay ng nakikihalubilo sa mga hindi ko kilala, si Uncle Devon lang kasi ang lagi kong kasama, siya rin ang madalas ko ka laro nung bata pa ako.

Hinayaan ako ni Uncle Devon para makapaglaro. Tumakbo akong papunta sa may malaking puno upang dun magpahinga.

Tinignan ko uli kung nandun pa yung bata na naglalaro sa buhanganin, pero wala na.

"Boo!" Sigaw niya.

Nagulat ako at napasigaw. Nasa likod na pala siya nung puno.

"Ahaha magugulatin ka pala, ako nga pala si Gabriella. Nginitian kita kanina di mo man lang ako napansin". Sabi ni Gaby.

"Ah eh pasensya, ang bilin sa akin huwag daw akong makikipag-usap sa hindi ko kakilala" Sagot ko.

Nagsimula akong lumakad palayo sa kanya. Pero sinundan niya parin ako.

"Hindi mo lang ba sasabihin yung pangalan mo?" Tanong sakin ni Gaby.

Nginitian ko siya at sinabing.
Hindi!

"Okey, ang sungit mo naman, gusto ko lang naman tanungin kung pwede tayong maging magkaibigan." Sabi niya.

Sa totoo lang gusto ko na magkaroon ng mga kaibigan pero natatakot ako, baka pagalitan ako ni Uncle Devon. Nakakatakot pa man din siya pag-galit. Hindi ko alam pero parang inilalayo ako ni Uncle Devon sa iba, parang prinoprotektahan niya ako. Masyado siyang mahigpit pag dating sa akin.

Gusto ko sanang sagutin yung tanong niya pero tinawag na ako ni Uncle Devon, oras na daw para umuwi. Hindi ko na nagawang sagutin pa yung tanung niya.

Nakita ko siyang nalungkot at sumimangot. Sinundan niya lang ako nang tingin.

Dahil gusto ko rin siyang maging kaibigan, nginitian ko siya at sinabi na "Magkikita pa tayo!"

Nagbago timpla ng mukha niya, bigla siyang ngumiti. Nakita ko na masaya siyang tumakbo palayo.

Pinilit ko si Uncle Devon na pumunta kami uli bukas sa park, nagbabakasakali na nandun uli si Gaby. Pumayag naman siya.

Pagnakita ko uli si Gaby, makikipag-usap na ako sa kanya.

Kinabukasan pumunta kami uli sa park, pero wala si Gaby dun. Nilibot ko ang buong park nagbabakasakali na nagtatago lang siya. Pero wala. Sinubukan ko ring tawagin ang pangalan niya. Wala ring sagot.

Bigo ako, wala siya ngayon dito. Umuwi ako nang malungkot.

Kinagabihan tinanong ko si Uncle Devon kung pwede ba akong makipagkaibigan sa ibang bata. Tinignan niya ako ng deretso sa mata, kala ko papagalitan niya ako pero hindi.

Nginitian niya ako at pumayag siya basta ipapakilala ko daw sa kanya.

"May nakilala ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Meron po, Gabriella po pangalan niya pero hindi po kami ganon katagal na nagusap, hindi ko rin po nasabi yung pangalan ko. Tinananong niya kung pwede daw niya akong maging kaibigan. Hindi ko po siya sinagot. Kung pwede po, sana punta tayo uli bukas sa park. Gusto ko pong magpakilala sa kanya." Sagot ko.

"Ganun ba? Sige babalik tayo bukas" natuwa ako nung marinig ko iyon. Nagpasalamat ako sakanya.

Kinabukasan pumunta kami uli sa park. Nakita ko si Gaby sa buhanginan. Tinignan ko si Uncle at itinuro si Gaby. Humingi ako ng permiso kung pwede ko siyang makalaro tumungo naman siya.

Agad agad akong tumakbo patungo sa kanya.

"Kamusta na Gabriella na naalala mo pa ba ako?" Tanong ko sakanya.

"Marunong ka bang gumawa ng kastilyong buhangin?." Tanong niya sa akin.

Patuloy lang siya pagpuno ng buhangin sa maliit na timba. Tumingala at tinanong ako.

"Gusto mo bang turuan kita?"

"Sige" Sagot ko.

"Ako nga pala si Angelico Summers, ikinagagalak kong makilala ka Gabriella." Sambit ko.

"Gaby. Gaby na lang itawag mo sa akin. Angelico? Hmm Echo na lang itatawag ko sayo. Okey lang ba? Mas maiksi at mas maganda kasing pakinggan yun." Tanong ni Gaby.

"Sige magmula ngayon Gaby na ang itatawag ko sayo at Echo na ang itatawag mo sa akin." Sagot ko.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon