XV - Rules

109 11 0
                                    

Nang makarating kami sa silid, lahat ng kaklase namin ay nakatingin sa amin. Kaming dalawa na lang pala ang hinihintay.

Tahimik ang buong klase, nakayuko kaming pumasok ni Dawn.

Pagkaupo namin ni Dawn tsaka nagsimulang nagsalita si Sir Ysmael.

"Kagaya nga ng sinabi ko, hindi pa natin sisimulan ang ating klase pero kailangan niyong malaman ang mga rules at regulasyon dito sa loob ng campus.

Una. Hindi pwedeng gamitin ang inyong kapangyarihan sa labas ng combat stadium at sa loob ng campus. Maaari niyo lang itong gamitin kapag may pahintulot ng inyong guro.

Ikalawa. Bawal ang pakikipag-away sa kapwa estudyante.

Ikatlo. Bawal ang pagkakaroon ng relasyon sa mga guro.

Ikaapat. Bawal gamitin ang combat stadium ng walang pahintulot ng guro.

Ikalima. Bawal ang gamitin ang kapangyarihan upang mandaya sa mga sulatin na pagsusulit.

Ikaanim. Isuot lamang ang tamang uniporme.

Ikapito. Huwag na huwag pupunta o papasok sa mga ipinagbabawal na lugar dito sa loob ng campus.

Iyan lang naman ang mga importanteng batas dito sa loob ng campus, para sa mga minor rules basahin niyo na lang ang school handbook na nakalagay sa ilalim ng inyong mesa. Kung may tanong pa kayo, itaas niyo lang ang inyong mga kamay.

At para sa batas naman dito sa loob ng klase,

Bawal ang late,

Bawal ang pambabastos sa inyong guro,

Ipapasa niyo lang ang mga pinagawa ko sa inyo sa tinakdang panahon

At makinig lang sa klase.

Iyan lang naman ang mga batas ko dito. Malinaw ba?"

Sumagot naman kami lahat ng oo.

"Kung ganon kunin niyo na ang inyong mga gamit at lilibutin natin itong buong campus."

Nagsimula na kaming lumakad palabas, kagaya kanina, hinintay muna naminh lahat na makalabas bago kami sumunod ni Dawn. Nagsimula ang aming paglilibot sa labas ng campus.

"Narito tayo ngayon sa gate ng campus, hindi niyo mapapansin pero merong force field na nakabalot sa loob ng campus, upang tayo ay maprotektahan laban sa mga halimaw na gustong sirain ito.

Gawa sa malalaking bakal ang gate at bakod ng buong campus, kulay ginto ito at napapalibutan ng mga mababangong bulaklak.

Tanging mga halimaw lang ang tinatablan ng force field. Kaya siguradong ligtas kayo dito sa loob ng campus."

Sunod niyang ipinakita sa amin ang fountain sa gitna ng hardin.

"Itong fountain na gawa sa purong marmol ay sumisimbolo sa ikot at agos ng buhay. Ang sabi ay pag nawalan ito ng tubig ay magreresulta sa mahabang panahon ng tagtuyot. Pero kwento lang naman iyon kaya huwag kayong mangamba. Mga sampung taon ito nilagay pagkatapos itinataga itong school.

Kaya maraming barya nakalagay diyan, dahil pinaniniwalaan ng mga estudyante na kapag naghulog ka ng barya diyan ay matutupad ang inyong hiling.

Huwag kayong maniwala diyan, dahil sinubukan ko na yan nung naging estudyante ako dito dati. Siguro di lang tumalab sa akin.

Ang tubig din dito ay sagrado sapagkat kaya nitong magpagaling ng sakit at sugat gamit ang tulong ng isang healer. Ito ang totoo."

Tinanong ko kung bakit ito napapalibutan ng mga putinh rosas.

"Kaya ito napapalibutan ng puting rosas dahil ang kulay na puti ay sumisimbolo sa kalininisan na isa ring sinisimbolo ng fountain na ito."

Malawak ang hardin sa harap ng campus. Marami rin ang mauupuan at mapagpapahingahan dito. Malilim dahil sa mga mayayabong na puno.

Sunod namin pinasok ang malaking gate sa loob na mismo ng campus. Sa loob nakalagay ang mga larawan ng mga naging leader ng Concrelus. Ipinakilalahat iyon ni Sir. Sinabi rin niya na tandaan namin lahat ng yon dahil baka magkaroon kami ng pagsusulit bukas.

Sunod namin pinuntahan ang corridor na puno ng mga painting na ginawa ng mga estudyante. Ipinakita niya lahat ng mga ibat-ibang klase ng silid.

Sunod niyang ipinakita ang Grand Hall.

"Alam ko na alam niyo na itong lugar na ito. Ito ang Grand Hall, dito madalas ginaganap ang mga pagpupulong at ilang anunsyo."

Maluwang ang Grand Hall. Sa harap ang malaking stage, merong magagagandang upuan siguro mga labindalawa sapat para sa lahat ng myembro ng Concrelus.

Di kalayuan sa Grand Hall ang malaking swimming pool. Dito raw kami tuturuan upang lumangoy. Napakalinaw ng tubig sa pool. Kung titignan no ito sa itaas parang mababaw lang pero halos kasing laki ng tatlong palapag ang lalim nito.

Ilang minuto kaming naglakad bago narating ang Combat Stadium.

"Dito kayo magtratrain upang lumakas ang inyong kapangyarihan. Pero bago yun ipapasuot muna sa inyo ang protective suit. Tsaka ko na lang ipapaliwanag at papasok diyan kapag mag-aaral na tayo."

Sunod niyang itunuro ang itim na gate sa likod.

"Yang parte ng academy na yan. Iyan ang pinagbabawal na lugar. Walang estudyante ang pwedeng pumunta diyan. Diyan din nakalagay ang mga silid ng Concrelus. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok o pagpunta ng malapit man lang sa gate."

Naalala ko diyan ko nakita yung nilalang nakakatakot at diya din ako nawala. Kaya siguro ipinagbabawal yun.

Pagkatapos niyang ituro ying ipinagbabawal na lugar, sinabi na ni Sir na pwede na kaming umuwi. Mga Alas Quatro natapos yung paglilibot namin.

"May kasama ka bang uuwi?" Tanong kay Dawn.

"Meron, meron magsusundo sa akin" sagot niya.

"Sige ihatid na lang kita sa labas"

Tumango na lang siya. Sinumulan namin ang paglalakad. Naging matahamik ang lakad namin hanggat sa marakating kami sa labas. Naiilang pa rin ako sa kanya siguro nahihiya naman siya.

Ilang minuto kaming naghintay sa labas. Tahimik. Hanggat sa dumating na ang sundo niya.

"Handa na po ang sasakyan Master" bati sa kanya ng lalaking nakasuot ng itim na suit, siguro isa siyang butler.

"Maraming salamat sa oras na ibinigay mo sa akin Echo, pakisabi na lang kay Gaby at Luca na nauna na ako. Kita na lang tayo uli bukas" Paalam ni Dawn.

Bago sila umalis kumaway muna siya sa bintana ng kanilang sasakyan tsaka ako nginitian.

Hinintay ko munang mawala sila sa paningin ko bago ako bumalik. Habang naglalakad ako nakitang pasalubong naman na sa akin si Gaby.

"Oh ano Echo? Uwi na tayo" ngiting sinabi ni Gaby.

Kagaya mg dati tinawag ko si Bullet tsaka hinatid si Gaby pauwi.

CamelliaWhere stories live. Discover now