XVIII - Necklace

181 11 0
                                    

Dawn's POV

Galing ako sa angkan ng mga Oak, kilala sa buong Zernia bilang pinakamayaman at isa makapangyarihang pamilya sa buong Zernia.

Aaminin ko, di biro ang maging isang Oak. Magisa ko lang na anak. Ang mga magulang ko ay masyadong abala kung papaano nila mapapalago ang aming yaman. Hindi sila nagkulang sa materyal na bagay pero kulang na kulang ang ibinigay nilang pagmamahal sa akin.

Tanging ang mga katulong at butler lang ang naging mga kalaro ko at mga kaibigan.

Lumaki ako sa piling ng aking lola. Isa siyang dating myembro ng Concrelus. Pero matapos nilang harapin ang isang halimaw, nalumpo ang kanyang paa at nawalan ng paningin ang kanyang kaliwang mata dahilan upang siya ay palitan. Pero kahit na ganon, kagalang-kagalang parin ang tingin nila sa kanya. Malaki ang naiambag ng lola ko upang mapanatili ang kapayapaan sa Zernia.

Muriel ang pangalan ng lola ko. Matapang at malakas na babae bilang myembro ng Concrelus pero mabait at malambing na lola sa akin. Gabi-gabi akong natutulog sa kama kasama siya, gabi-gabi rin niya akong kwinekwentuhan ng mga kabayanihang ginawa ng mga myembre ng Concrelus. Tuwing umaga naman ay inililibot ko siya sakay ng wheel chair sa hardin at doon na rin kami kakain ng almusal.
Naalala ko pa nung minsang binigyan niya ako ng ibon para sa ikalima kong kaarawan. Tanging siya, mga butler at katulong lang ang naroon. Okey lang. Sanay na akong wala ang aking mga magulang.

Inalaagaan ko ang ibon na regalo ni lola Muriel. Itinuring ko itong isang kaibigan, hanggat sa dumating ang panahon na nagkasakit ang alaga kong ibon.

Umiiyak akong tumakbo kay lola Muriel dala ang ibon.

"Lola, bakit ganun? Inalagaan ko naman siyang mabuti? Bakit kailangan niyang magkasakit?" Pagtahan na sinabi ko.

"Hindi ka nagkulang Dawn, sadyang ganyan talaga ang buhay. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari. Maaring ngayon ay masaya ka maaring bukas rin ay malungkot ka. Dawn, kailangan mo maging matatag. Lalaki ka sa isang mundo na walang kasiguraduhan." Hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi dahil sa mura kong edad.

Maya-maya pa ay huminto na sa paghinga ang ibon ko, lalong lumakas ang pagiyak ko. Kinuha ng lola ko ang palad ko tsaka iniligay ang ibon.

"Dawn, okey lang yan kailangan mo lang tanggapin na walang pangmatagalan dito. Mabuti pa igawa natin siya ng libingan" sabi niya.

Pero hindi ako sumagot sa kanya, lalo kong inilakas ang aking pag-iyak.

"Hindi! Hindi! Ayoko!" Sigaw ko.

Biglang nagliwanag ang aking kamay na ikinagulat ko at ng lola ko.

Nabuhay ang ibon!

Pagbukas ko ng palad biglang lumipad ang ibon, mas masigla na siya ngayon.

Gulat na gulat na nakatingin sa akin ang lola ko pero ilang sandali napalitan ito ng isang matamis na ngiti.

Napahinto na ako sa pagiyak nang makita kong masayang lumilipad ang ibon ko tsaka tinanong si lola.

"Lola, anong nangyari?" Tanong ko.

Ngumiti muna si Lola bago niya sinagot.

"Mukhang natuklasan mo na ang kapangyarihan mo Dawn, isa kang healer." Buong ngiting sinabi ni lola.

Pagkatapos nun, bigla na lang kusang pumikit ang aking mga mata at bigla akong bumagsak. Pagkagising ko nasa kama na ako ni Lola katabi siya.

"Dawn, hinimatay ka pagkatapos mong gamitin ang kapangyarihan mo pero huwag kang mag-alala tuturuan kita kung paano palalakasin ang kapangyarihan mo. Pero ngayon kailangan mo muna ng magpahinga. Sige ituloy mo na yang pagtulog mo." Sabi niya.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon