XXVIII - Melancholy

80 14 0
                                    

"Tara na Echo." Anyaya sa akin ni Dawn."Buti na lang at mas maaga tayong pinagpahinga ni Sir Ysmael. Tayo naman ang susundo ngayon kay Gaby".

"Oo nga eh. Sagot ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Sir kay Gerald."

"Bagay lang sa kanya iyon. Sabi niya. Kung makapaginsulto kasi akala mo walang kapintasan sa sarili. Tama bang pagtawanan ang kapangyarihan ng iba?".

"Kung sabagay. Halika na at baka nagugutom na si Gaby, magalit na naman sa akin."

Katahamikan sa aming dalawa ang bumalot habang naglalakad kami papuntang silid ni Gaby, pero agad din itong nabasag ng simulang magsalita si Dawn.

"Echo pwede magtanong??"

"Pwedeng-pwede, huwag lang yung mga pinag-aaralan natin ah. Mahina kasi ako dun." Biro kong sinabi.

"Ito naman. Syempre hindi iyon yung itatanong ko. Gaano na kayong katagal na magkaibigan ni Gaby?"

"Hmmm siguro sampung taon na. Walong taon kami noong unang magkakilala."

"Tagal na rin pala. Ano bang pakiramdam ng may ganong katalik na kaibigan?"

"Masaya. Meron ka kasing taong dadamay sayo kapag may problema ka, makikinig sa mga kwento, kakulitan tsaka syempre maasahan. Kaya nga kalaki ng papasalamat ko at nakilala ko si Gaby. Bakit mo pala naitanong?"

"Wala lang, di pa kasi ako nakaranas na magkaroon ng isang kaibigan."

"Ano?! Anong tawag mo sa amin? Nila Gaby at Luca?? Di mo ba kami tinituring na kaibigan??" Simangot kong sinabi sa kanya.

"Ha pasensya na, hindi kasi ako sanay pero nagpapasalamat ako sa inyong tatlo at mukhang mararanasan ko na na magkaroon ng mga kaibigan." Ngiti niyang sinabi. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero noong narinig ko ang kanyang malambing na boses ay parang nakaramdam ako ng kaunting kasiyahan. Kasiyahan na nararamdaman ko lang kapag kasama ko si Gaby.

"Echo, may dumi ba sa mukha ko??" Tanong niya.

Hindi ko napansin na napatagal ang titig ko sakanya. Ang kanyang maamong mukha, ang maputi niyang balat at ang kanyang malalambot na labi. Wala na akong nagawa kundi titigan lang ito.

"Ha wala, wala. Pasensya ka na." Nautal ko pang sinabi sa kanya. Agad naman niyang tinakpan ng panyo ang mukha at napatawa ng mahina. "Mukhang malapit na tayo."

Tumango naman siya at ilang sandali lang ay narating na rin namin ang silid nila Gaby.

Ganoon lang din kalaki ang silid nila sa amin, maaliwalas. Ang kinaibahan lang ay mas marami mga gamit at kung titignan mukhang organisado lahat at wala kang makikitang ni isang basura o kalat. Malamang hanggang dito ay umiiral ang pagiging metikuloso ni Uncle Devon.

Isang minuto kaming naghintay bago namin nakitang lumabas sa pinto si Sir Devon dala ang kanyang mga gamit. Dumaan lang siya sa aking harapan, di ako nginitian o tinignan man lang. Dito, sa loob ng academy isa lang akong estudyante sa kanya at isa lang siyang guro sa akin.

Ilang minuto pa ay nagsimula na ring lumabas ang mga estudyante. Ilang sa mga lalaki ang nakapansin sa aming dalawa ni Dawn na magkasama.

"Miss sa amin ka na lang sumama. Sayang naman yang ganda mo kung sa isang B class ka lang mapupunta." Sabi ng isang lalaki na sinang-ayunan ng kasama niya.

Tingnan lang sila ng masama ni Dawn hanggat sa dumating ang pakay namin.

"Hoy mga unggoy! Ano ginagawa niyo sa mga kaibigan ko?" Malakas na pagkakasabi ni Gaby sa mga lalaking nasa harapan namin. Mukhang mainit ang ulo. Nakasimangot.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon