XXIII - Past

89 14 0
                                    

Gaby's POV

Pagkatapos kong maligo agad na akong nagbihis at naghanda para pumasok. Suot ko ang pang A class na uniporme. Maiksing palda, long sleeves na blouse, mahabang medyas. Lahat ng ito ay kulay pula na may halong itim.

Noong una kong sinuot ito halos lahat ng kamag-aral ko ang nagsabing bagay daw ito sa akin at ang sagot ko "alam niyo, kahit na basahan pa ang suutin ko siguradong madadala ko pa rin dahil maganda ako." Napapatawa na lang sila kapag sumasagot ako, dahil alam naman nila ang totoo.

"Ang ganda mo naman."

"Wow, saang lupalop ka naman nanggaling at napakaganda mo." Iilan lang yan sa mga sa madalas na sinasabi ng mga nakasalubong ko.

Nakakasawa.

Totoo naman na kahit na anong damit ang isuot ko ay magmumukha pa rin akong maganda. Siguradong babagsak ang mga panga ng mga lalaking makakakita sa akin at mamamatay naman sa inggit ang mga babae dahil kahit na kailan may hindi nila mararanasang maging magandang kagaya ko. Pangarap lang mangyayari yun, kaya alam ko na kapag dumadaan ako tuloy laway lang sila.

Pero sa likod ng kagandahang kong ito, nasubukan ko na ring isumpa ang itsura ko dahil sa insidenteng iyon. Ang insidenteng nakapagpabago ng buhay ko.

Lumaki ako sa bahay ampunan kasama ang iba pang ulilang bata. Kailan may hindi ko hinanap ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung inabandona nila ako o patay na sila. Wala na rin namang magbabago kung malaman ko pa.

Kahit na lumaki akong napapaligiran ng mga kapwa bata, hindi naging masaya ang buhay ko noon. Bakit? Isa akong salbaheng bata, lagi ko silang pinapaiyak. Madalas mag-isa lang akong naglalaro.

Iba talaga ang ugali ko noon. Pranka ako kung magsalita, hindi ako mag-aatubiling sabihin ang katotohanan kahit na ikasakit pa iyon ng damdamin ng taong pagsasabihan ko at lagi kong sinasabi sa kanila na mas maganda ako sa kanila.

Hindi na ako nagtaka na lumaki akong masama. Pero gabi-gabi ko ring pinagsisihan ang mga ginagawa ko, madalas akong umiiyak sa aking kama, habang lahat ng kakwarto ko ay mahimbing at masayang natutulog dahil maghapon silang naglaro. Pero oras na nakatulog ako at nagising uli ng umaga, bumabalik ang ugali ko.

Naalala ko pa noong isang beses na inaya nila ako na maglaro sa parke ng taguan, sa tabi nito ang isang gubat. Tuwang-tuwa naman ako at inakala kong napatawad na nila ako kahit na hindi naman ako humingi ng tawad. At dahil sa kasiyahang kong unang makakapaglaro kasama sila, ako ang ginawa nilang taya. Sinabi nila ang magtatago sila sa gubat at kailangan ko silang hanapin.

Nagbilang ako ng hanggang sampu pagkatapos ay tinanong kung handa na ba sila. Lahat naman sila ay sumagot at narinig ko na nanggaling kanilang boses sa gubat. Walang anuman ay agad akong pumunta sa gubat para hanapin sila.

Hindi ko alam na malawak ang buong kagubatan, malalago ang mga puno at mga dahon nito kaya agad na natatakpan ang sinag ng araw. Kahit na nandiyan pa ang araw sa loob naman ng gubat ay madilim.

Sampung minuto akong nagsisigaw upang mahanap ang mga kalaro ko, pero ni isang boses ay wala akong narinig. Umabot na halos ng kalahating oras akong naghahanap pero wala pa rin sila. Nakuha ko na. Sinadya nila talaga to, gusto nila akong iwala para makaganti, hindi naman ako galit sa kanila dahil alam kong mas matindi pa ang ginawa ko sa kanila.

Ang minuto kong paglalakad ay umabot na ng oras. Ilang oras na rin akong naglalakad para makahanap ng lalabasan pero nabigo ako. Binigo na rin ako ng mga paa ko na kusang bumagsak dahil sa pagod.

Nagsimula na akong matakot. Sumigaw. Humingi ng tulong. Sumigaw. Humingi ng tulong. Paulit-ulit kong ginagawa ito habang nakaupo sa sahig ng malamig na lupa ng kagubatan.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon