XII - Ysmael Willowtale

156 15 0
                                    

Hinintay ko munang makapasok ang ibang estudyante bago ako tumuloy. Iisa lang ang pintuan para pasukan pero malaki ito, sapat lang para sa isang malaking silid. Kulay puti ang dingding, maaliwalas sa loob, malamig ang hangin at maluwang. Siguro merong 30 upuan pero sapat ang silid para sa 50 na katao. Kumportable ang mga upuan, sa ilalim may lalagyan ng mga gamit, sa harap naman nito ang mesa na sapat lang para sa isang estudyante. Sa harap ang dalawang malaking chalkboard, isang magandang upuan para sa guro at isang mesa.

Naupo ako malapit sa bintana hindi dahil dun ko gusto dahil yun na lang ang natitirang bakante. Okupado na lahat.

Nagustuhan ko ang pwesto ko malapit sa bintana tanaw mo dito ang hardin ng Grand Oak Academy, pero pag umaga umaabot ang sinag ng araw dito.

Kumpleto na kami pero wala pa rin si Sir Ysmael. Pinagmasdan ko kung mga may kakilala ako sa mga kaklase ko pero wala. Hindi pamilyar ang mga mukha nila. Ilang minuto kaming naghintay, kaya nagkaroon na ang iba ng oras upang makipag-usap at makipagkilala pero ako, nanahimik lang. Hindi ako sanay sa ganito, dadalawa ang kilala kong estudyante dito si Gaby at si Luca, sila lang.

Nanahimik lang sila nang pumasok na si Sir Ysmael. Ngayon ko lang siyang nakitang personal.

Napansin niya akong nasisinagan ng araw kaya pagpaltik ng daliri niya biglang bumaba ang kurtina na tumakip sa bintana. Kontrolado ng mga guro ang mga bagay at kasangkapan sa loob ng silid. Nginitian niya ako pagkatapos niyang gawin yun.

Sa harap namin ang isang lalaking may katangkaran, maganda ang tindig ng katawan, mahaba at kulay puti ang buhok na nakatali , singkit ang mga mata at nakasalamin. Hindi ganon kalakas ang boses di tulad kay Sir Devon na parang laging galit o kaya naghahanap ng away. Sa katunayan, parang kabaliktaran niya ito. Mahinahon at palangiti.

Hawak niya ngayon ang isang mabalahibo na pusa, kulay puti. Hinaplos niya muna ito bago nagsalita.

" Magandang umaga sa inyo, alam ko ilan sa inyo kilala na ako pero magpapakilala ako uli. Ako si Ysmael Willowtale isang anghel at ako ang magiging guro niyo. Pagpasensyahan niyo kung bakit late ako kanina, nakawala kasi si Cotton (yung pusa niya pala yun) hinabol ko pa. Ang layunin niyo lang naman dito eh magtapos bilang A class at makaalis sa klase ko. Simple lang diba? Paano niyo ba magagawa yun? Itratrain ko kayo para maging mas malakas na estudyante para pagdating ng Monthly Exam may laban na kayo. Pataasan lang ng rank. Pero tandaan niyo, hindi magiging madali ang training niyo, kung ako sa inyo ikondisyon niyo na yang mga katawan niyo."

Tahimik ang buong klase, hangat sa magsalita siya.

Huwag kayong mag-alala (sabay ngiti) ngayong araw hindi pa naman natin sisimulan ng pormal ang pag-aaral. May mga ilang bagay muna akong ipapaliwang pero bago yun, kayo muna ang magpakilala, simulan natin sayo."

Tinuro niya ang lalaki na nakaupo malapit sa pintuan.

Pumunta naman ito sa harap at nagpakilala. Hindi na ako ganong nagtuon ng pansin sa kanila. Hindi ko sila pinakinggan bahala sila kung pakikinggan nila ako. Sunod-sunod ang pagtayo nila hanggat sa ako na ang nagpakilala sinabi ko ang buong pangalan ko at edad at umupo agad. Parang wala lang nangyari

Akala ko walang tatak sa isip ko pero merong isa. Isang babae, napansin ko na kanina pa siya sa akin nakatingin. Nang minsan ko siyang nahuling nakatitig sa akin, nagkatitigan kami nginitian niya ako at sinagot ko rin siya ng ngiti.

Pang 25 akong tinawag pang 26 siya, katabi ko lang. Pero malalaki ang distansya ng mga upuan kaya kapag tinangka mong kausapin ang katabi mo, madali kang mahahalata ng guro.

Sinundan ko siya ng tingin mula pagtayo niya sa upuan hanggang makabalik siya.

Hinintay kong sabihin niya ang kanyang pangalan na ikinagulat naman ng lahat.

"Magandang umaga sa inyong lahat, ako si Dawn Oak, isang anghel. Ikinagagalak kong makilala kayo." Sabi niya.

Napahinto si Sir Ysmael tsaka siya tinanong.

"Oak? Kaano-ano mo si Gordon Oak?" Tanong ni Sir Ysmael.

"Apo niya po ako sa tuhod. Siguro po pang limang henerasyon na ako" sagot niya.

"Ah ganun ba? Ikinagagalak kong makilala ka Dawn" - Y

Nginitian lang siya ni Dawn tsaka bumalik agad sa kanyang upuan.

Nagpakilala na ang huling apat na estudyante at natapos na rin kami. Kagaya nung ibang nagpakilala, hindi ko tinadaan ang mga pangalan nila maliban na lang kay Dawn.

Tumayo na si Sir Ysmael tsaka tinignan ang oras. 11:00 na. Sinabi niya na maaga kaming ididismiss sa para makapag pananghalian pero babalik din daw kami ng 1 ng hapon para sa huling ilang bagay na ipapaliwanag.

Nauna siyang lumabas at sinundan ng ibang estudyante. Nagpahuli nanaman ako dahil ayokong maki pag gitgitan sa iba. Napansin kong di pa rin tumatayo si Dawn sa upuan niya. Nung dalawa nalang kaming natitira, tumayo na ako agad at iniwan siya, pero bigla ko na lang siyang narinig na nagsalita.

"Teka!"

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon