LII - Concrelus

2 0 0
                                    

Nagsimula kaming maglakad, tahimik ko lang na sinusundan si Sir Ysmael. Sinisiguro niyang nakasunod ako sa kanya. Ramdam ko pa rin ang mga mata ng ibang estudyanteng nakatingin sa akin sa bawat pagdaaan namin sa kanila. Hindi ako sanay sa ganitong atensyon lalo pa't hindi maganda ang impormasyong naka dikit sa akin.

Ilang minuto rin kaming naglakad bago nakarating sa parte ng academy na ipinagbabawal na puntahan ng mga estudyante. Bumungad sa amin ang dalawang malaking pinto na gawa sa kahoy at metal. Sa kanang bahagi nakaukit ang pakpak ng isang anghel, sa kaliwa naman ang pakpak ng isang demonyo. Marami pang mga nakaukit na disenyo dito pero bago ko pa man ito mapagmasdan ng maigi, kinatok na ni Sir Ysmael ang pintuan. 

" Mag salita ka lamang kapag kinakausap ka." Hindi pagalit na sinabi iyon ni Sir Ysmael pero nakaramdam ako ng konting pangamba galing sa kanya. 

Ilang sandali ay bumukas na ang pinto. Bumungad sa amin ang isang malaki at maluwang na kwarto. Sa gitna nito ang isang mahabang mesa na napapalibutan ng mga upuan. Kung titignan, aakalain mong nasa loob ng ka isang magarang palasyo dahil sa mga nakapalibot na mga palamuti rito. Pinaghalong bughaw, pula at ginto ang kulay na makikita sa kwarto. Pero hindi ang mga bagay na nasa loob ng silid ang nakakuha ng aking atensyon, kundi ang mga nakaupo rito.

Sinenyasan ako ni Sir Ysmael na tumayo sa harapan nilang lahat. Pagkatapos ay umupo na siya sa kanyang upuan. Sa tabi niya si Uncle Devon at Ms. Lucy.

Ngayon ko lang sila nakita pero hindi maikakaila ang isang pinagkapareho nilang lahat. Lahat sila ay nagtataglay ng pambiharang enerhiya. Nakakasiguro ako na malalakas na nilalang ang mga kaharap ko. Ang nirerespetong Concrelus.

"Magpakilala ka." Nabasag ang pagtitig ko sa bawat miyembro ng Concrelus nang magsalita si Ms. Lucy. 

"Ako po si Angelico Summers , isang anghel," napangisi ako matapos lumabas iyon sa aking bibig. Parang hindi pa halata na isa akong anghel base sa aking pangalan. " Labing walong taong gulang." Dagdag ko pa. 

Parang nakita ko na isa sa kanila ang sinubukang pigilan ang pagtawa kaya nauwi ito sa isang ngiti. 

"Alam mo ba kung bakit ka namin pinatawag?" Tuloy na tanong ni Ms. Lucy.

" Dahil po siguro sa nangyari sa pagitan namin ni Zian." 

Napatango siya, lahat sila ay nakatitig sa akin. Ang iba ay mas matalim ang tingin, ang ilan naman ay may halong pagtataka. 

"Angelico ilagay mo ang iyong kamay sa libro sa iyong harapan." 

Agad kong sinunod ang utos ni Ms. Lucy. 

" Savi Irvetas." Malakas na sambit ni Ms. Lucy, biglang umilaw ang libro at nakaramdam ako ng init galing dito. 

"Ginamitan kita ng isang Truth Spell. Sa loob ng ilang minuto lahat ng tatanungin namin ay sasagutin mo lamang ng katotohanan. Hindi mo magagawang magsinungaling. Pero huwag kang mag-alala, hindi ito magdudulot sayo ng kahit na anong pakiramdam." 

Napatango na lang ako, " Handa na po ako sa inyong mga katanungan."

Unang nagtanong ang lalaking nasa harap ni Uncle Devon, napansin kong siya rin iyong napangiti nang magpakilala ako. Kulay kayumangi ang kanyang buhok at mata. Bakas sa kanyang damit ang laki ng katawan. Maganda ang tindig nito at kagaya ni Uncle Devon ay meron din itong presensya ng isang striktong otoridad.

" Sino sa inyo ang nagsimula ng away?"  Hindi na ako nagtaka sa lalim ng kanyang boses. Sa totoo lang bagay sa kanyang mukha at katawan ang kanyang tinig. 

"Si Zian po, siya ang unang umatake sa akin. Tinanong ko lang po siya kung meron siyang nakitang isang babae. Hindi niya ako sinagot, bigla na lang niyang nilabas ang isang espada at sinumulan akong atakihin." 

Nakita kong kumunot ang ang noo ni Uncle Devon, marahil ay nagtataka.

" Sino ang babaeng hinahanap mo?" Dagdag ng lalaki , hindi ko alam kung ano ang dahilan pero habang tumatagal ay parang naaakit ako sa kanya. 

" Hindi ko po alam pero tinulungan niya akong sagutin ang tanong ni Sir Ysmael noon." Nakita kong tumaas ang kilay ni Sir Ysmael.  "Narinig ko uli ang boses niya sa aking isipan sa loob ng banyo. Sinabi niya na alam niya kung sino ang aking mga magulang." 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon