XX - Library

136 10 0
                                    

"Echo, pwede bang makisabay na kumain sa inyo?" Tanong ni Dawn.

"Pasensya na Dawn pero hindi ako kakain ngayon, may aasikasuhin kasi ako. Buti pa, sabay na lang kayo ni Gaby. Hintayin na lang natin siya." Sagot ko. Ilang minuto lang ay dumating na rin si Gaby.

"Oh ano? Kain na tayo." Ngiting tanong ni Gaby, siguro masaya siya kasi makakain na naman siya ng mga gusto niya.

"Pasensya na Gaby, pero hindi ako kakain ngayon, may aasikasuhin kasi ako. Kayo na lang ni Dawn ang kumain." Sagot ko.

"Ano?! Pakiulit nga yung sinabi mo. May aasikasuhin ka?? Kailan ka pa naging abala???" Tanong ni Gaby. Medyo malakas na naman yung pagkakasabi niya.

"Oo eh. Importante kasi yon."

"Bakit hindi pa pwedeng samahan na lang namin ni Dawn sa aasikasuhin mo? Baka makatulong pa kami para madaling matapos." Sabi ni Gaby nakisang-ayon rin naman si Dawn.

"Pasensya na pero ako lang talaga gagawa nun. Tsaka isa pa, baka matagalan ako. Baka hindi pa kayo makakain ng pananghalian ko. Kasalanan ko pa. Sige ganto na lang, ihahatid ko na lang kayo sa Cafeteria at kung maaga akong matatapos susunod na lang ako, pero kapag 1 na at wala pa ako, umalis na kayo. Okey ba yun?"

"May magagawa pa ba kami?? Halika na nga Dawn. Echo alam mo na ang gagawin mo. Dawn bigay mo na sa kanya yang gamit mo. Siya ng magdadala."

"Hindi na, nakakahiya naman kay Echo" sabi ni Dawn.

"Hiya-hiya ka diyan. Sige ibigay mo sa kanya yang gamit mo hindi ka naman aangal di ba Echo?" Tinignan ako ng masama ni Gaby na parang sinasabing umoo ka o makakatikim ka sa akin mamaya.

Nginitian ko naman siya, bilang tanda ng pagsang-ayon. Ngayon ay bit-bit ko ang gamit nitong dalawang babae na kayang-kaya akong kontrolin. Dalawang babae na kailan lang nagkakilala pero parang matagal ng matalik na magkaibigan. Hindi ko rin alam kung anong meron kay Dawn, pero parang meron akong koneksyon sa kanya. Magmula noong una kaming nag-usap. Pero hindi lang sakanya ko naranasan ang ganong pakiramdam. Naranasan ko rin ito nung una kaming mag-usap ni Luca. Hindi ko ba alam pero parang matagal ko ng kilala yung dalawa.

Ilang minuto lang kami naglakad at nakarating na rin kami sa Cafeteria. Pagkatapos makahanap ng mauupuan si Gaby, agad ko na namang ibinaba ang kanilang mga gamit.

"Sige yung sinabi ko kanina ah, susunod ako kapag maaga akong matatapos. Pero pag wala ako ng 1 umalis na kayo. Sige alis na ako, pakabusog kayo ah." Sabi ko.

"Bahala ka sa buhay mo." Mahinang sinabi ni Gaby.

"Haha, narinig ko yun Gaby."

"Che! Umalis ka na nga lang" sabi ni Gaby.

Tumatawa akong umalis sa Cafeteria, ang pakay ko. Hanapin ang silid-aklatan!

Dahil nga malaki itong academy, nagtanong-tanong ako sa mga kapwa ko estudyante, at iba-iba ang kanilang pakikitungo sa akin. Halos lahat ng mga S-class na kinausap ko ay hindi sumasagot na maayos parang mababa lang ang tingin nila sa akin porke B-class lang ako. Tanging B-class lang ang mga maayos na kumausap sa akin, pero hindi rin daw nila alam kung saan matatagpuan ang silid-aklatan. Sa hindi inaasahang pangyayari nakasalubong ko si Sir Ysmael at nagkaroon ako ng pagkakataon upang tanungin sa kanya kung saan ko mahahanap ang silid. Bigla na lang siyang natuwa nang marinig niya yung tanong ko. Iilang estudyante lang daw ang intersado sa mga ganong klaseng lugar at natutuwa siya na isa sa mga estudyante niya raw ay may interes sa ganong lugar. Humingi rin siya ng tawad dahil hindi niya naituro ito nung naglibot kami.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon