XXXIX - Race

78 5 0
                                    

AN: Hi readers :) Alam ko na kung hindi niinip eh nabwibwisit kayo sa sobrang tagal kong mag-update. Sana mapatawad niyo ako :). Last week, exam kasi namin, kailangan kong magreview kunwari para makapasa. Nagbunga naman dahil pasado naman ako at sa ilang subject, ako pa ang highest :D

Sana magustuhan niyo ang chapter na ito at patuloy niyo lang nabasahin.

Thanks :)

---------------------------------

Hawak ngayon ni Sir Ysmael si Bullet na parang siya ang amo nito. Nakakapagtaka na halos pareho sila ni Dawn na maamo pagdating sa kanila. Hindi naman kaya namimili lang talaga si Bullet? Pero hindi eh.

Matagal ko nang isinasakay si Gaby kay Bullet pero ni minsan hindi man lang niya ito nagawang haplusin. Pero si Dawn at ngayon si Sir Ysmael, ngayon palang sila nagkita pero napakaamo sa kanila ni Bullet.

Nakakapagtaka rin na sobra ang pagiging agresibo ni Bullet nang minsang tangkaing hawakan siya ni Luca.

Hindi na ako nakapagsalita matapos bitawan ni Sir Ysmael si Bullet. Lalapit na sana ang iba pang kaklase ko para hawakan siya pero agad ko rin silang napigilan.

Yun ang akala ko.

Nagawa palang hawakan ni Lester ang likuran ni Bullet dahilan para medyo magwala ito. Buti na lang at walang nasaktan.

Tinignan ko ng masama si Lester pero nginitian niya lang ako.

"Morph." Sabi niya. "Na aalala niyo? Kaya kong gayahin ang mga hayop at halimaw basta nahawakan ko. Kaya pagpasensyahan mo na ako Angelico, hindi ko napigilan yung sarili ko. Masyado akong natuwa kasi akala ko wala ng mga pegasus." Pero hindi pa rin tama na bigla na lang niyang hawakan ito. Nagbigay na ako ng babala pero hindi pa rin siya nakinig. Buti na lang at walang nasaktan.

Totoo na halos iilan na lang ang pegasus. Akala nga ng marami wala na sila. Dati kong nabasa sa isang lumang libro na katulong na ng mga anghel ang mga pegasus noon pa man. Noong panahon na hindi pa naitatag ang Grand Oak Academy at merong paring digmaan sa pagitan ng dalawang nilalang. Ang mga pegasus na ang kasangga ng mga anghel dahilan para sa kalahati ng kanilang sa lahi ang malagas. Pero noong matapos na ang digmaan, lalong lumaki ang bilang ng kanilang lahi ang nawala. Hanggat sa lumipas ang maraming taon, wala ng natira. Sinasabi ng iba na lumipat na sila sa ibang lugar para hindi na magamit bilang kasangkapan, sabi naman ng iba sinadya silang ubusin. Lahat ng ito ay teorya lamang. Walang may alam kung ano talaga ang dahilan.

Maya-maya pa ay bigla na lang umilaw ang katawan ni Lester. Nakita ko kung papaano dahan-dahan siyang nagkaroon ng malalaking puting pakpak, buntot, at hanggat sa tuluyan na siyang naging isang pegasus. Kamukhang-kamukha niya si Bullet.

Pagkatapos non ay dahan-dahang lumapit si Bullet kay Lester, inamoy niya ito. Siguro nagtataka siya kung bakit bigla na lang sumulpot ang isa pang kauri niya. Maya-maya pa ay biglang lumipad si Lester at sinundan naman ni Bullet. Parang silang mga batang naghahabulan sa ere. Habang kami, tuwang-tuwa lang silang pinapanood. Ngayon palang nakakita ng kauri niya si Bullet kaya siguro sabik itong makipaglaro. Habang tumatagal, hindi ko na alam kung sino ba sa kanila si Bullet at Lester. Magkaparehong-pareho sila. Ilang minuto lang kaming nakatingin sakanila hanggat sa makarinig kami ng palakpak.

Plak! Plak! Pagkatingin namin si Sir Ysmael. Sa sobrang aliw namin nakalimutan namin na narito pala kami para magsanay.

"Okey, tama na yan. Lester bumaba kana dito. Sisimulan na natin ang ating pagsasanay." Utos ni Sir Ysmael.

Unang bumaba si Lester, sa tingin ko. Pagkababa niya bumalik na siya sa kanyang totoong anyo. Pumito naman ako para tawagin si Bullet. Agad naman siyang bumaba at tumabi sa akin.

CamelliaWhere stories live. Discover now