XLIV - Feast

68 6 0
                                    

Hindi man lang ako kinumusta ni Uncle Devon ng lumapit ako sa kanya. Wala akong nakitang pag-aalala o galit sa kanyang mukha. Diretso lang siyang nakatingin sa akin.

"Ako na ang magdadala ng mga gamit mo sa bahay. Hihintayin na lang kita doon." Sinabi niya, tumango na lang ako at ilang sandali pa ay nauna na siyang umalis. Tanging ang pagaspas ng kanyang pakpak ang aking narinig.

Nagsimula na akong maglakad sa kwadra kung saan ko iniwan si Bullet. Naroon pa rin siya, tahimik na naghihintay.

"Pasensya ka na kaibigan kung medyo natagalan ako." Sabi ko sakanya. Pagkatapos kong kalagin ang pagkakatali niya, agad na rin kaming lumipad para makauwi.

Itanali ko muna si Bullet sa kanyang maliit na kwadra bago ako pumasok sa bahay. Nag-iwan na rin ako ng sariwang damo at isang timba ng tubig para may makain siya.

Pagkabukas ko ng pinto, akala ko ay mga galit na sigaw ang sasalubong sa akin galing kay Uncle Devon, pero wala siya roon. Inihanda ko na ang sarili ko sa lahat ng mahahabang sermon at pangaral na matatanggap ko sakanya.

Aakyat na sana ako ng hagdan papunta sa aking kwarto pero narinig ko siyang tawagin ang aking pangalan.

Nasa kusina siya, hinihintay ako.

"Maupo ka." Senyales nang kanyang kamay. Nasa magkabilaang dulo kami ng mesa. Pagkaupo ko, inilapit niya ang kanyang upuan sa mesa, ipinatong niya ang kanyang dalawa siko sa at iniligay ang kanyang baba sa kanyang kamay.

"Totoo ba ang narinig ko galing kay Ysmael." Hindi ako nakaramdam ng galit mula sa kanya ng sabihin niya iyon. Sa unang pagkakataon parang naramdaman ko siyang kalmado. Parang.

"Opo. Totoo po ang lahat." Diretso kong sagot sa kanya, hinihintay kong kalampagin niya ang mesa o sigawan ako ng malakas, pero hindi niya ginawa iyon. Hindi.

Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita.

"Totoo na muntikan mo ng mapatay yung S class na estudyante?" Tanong niya uli sa akin.

Nag-alangan ako kung sasagutin ko ba ang tanong niya. Bigla ko na lang naalala ang takot sa mga mata ni Zian ng makita niya ang pag-atake ko. Nakaramdam ako ng konsensya at kasunod rin nito ang galit sa kanya.

Tumango na lang ako. Hindi ko alam pero parang nakakita ako ng maliit na ngiti galing sa kanyang labi.

Tumayo na si Uncle Devon at tinapik ang aking balikat.

"Umakyat ka na sa kwarto mo at magpahinga, tatawagin na lang kita mamaya kapag nakaluto na ako at kakain na." Hindi niya na hinintay ang sagot ko, pumunta na siya agad sa kanyang kwarto upang makapagpalit. Kumuha muna ako ng isang baso ng tubig at ininom, pagkatapos ay agad na rin akong umakyat papunta sa silid.

Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto at agad na tumambad sa akin ang malambot kong kama. Hindi naman ganon kalaki at hindi rin naman ganon kaliit ang aking kwarto, saktong lang. Sa gilid ng aking kama makikita kung saan nakalagay ang aking koleksyon ng mga libro. Ginawan ako ng book shelf ni Uncle Devon nang makita niyang hindi na nagkakasya sa una kong lalagyan ang mga naipon kong libro. Halos kasing haba ng dingding ng aking kwarto ang book shelf na ginawa niya. Doon naman maayos na nakasalansan ang mga libro ko. Karamihan sa mga ito ay regalo ni Uncle Devon at Gaby, pero ang ilan ay pinag-ipunan ko. Mga nobela, tula at mga maiikling kwento ang malimit kong binabasa.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon