XXIV Past 2

111 14 0
                                    

Gaby's POV

Pagkagising ko, nakahiga na ako sa malambot na kama at nakapagpalit na ng damit. Ramdam ko pa rin ang pagod na nangyari sa katawan ko. Maya-maya pa ay may pumasok na matandang babae sa pintuan, may dalang isang baso ng gatas at tinapay.

"Gising ka na pala. Kamusta na ang pakiramdam mo?" Malumanay niyang tanong sa akin. Sa halio na sagutin ko siya binato ko siya ng mga tanong.

"Sino ka? Nasaan ako? Bakit ako nandito?" Takot kong tanong sa kanya.

"Hindi mo ba matandaan? Kagabi nakita kitang naglalakad at puno ng dugo ang iyong damit. Mukhang wala ka nga sa sarili mo. Nung pagkalingon mo, matapos kitang tawagin bigla ka na lang hinimtay".

"Dugo????." Matapos kong marinig ang salitang iyon bigla na lang bumalik sa aking ala-ala ang lalaki nagtangkang halayin ako. Bigla na lang akong nagsisigaw at tumakbo papunta sa sulok ng kwarto. Labis itong ikinagulat ng matanda.

"Bakit ano bang nangyari sa iyong bata ka?"

"Layuan mo ako! Masama ka! Papatayin mo ako!" Siguro dahil na rin sa takot na naranasan ko kagabi kaya ko nasabi iyong mga salitang iyon, pero sa halio na iwan niya ako lalo pa siyang lumapit. Dahil sa ginawa kong pagtataboy sa kanya, natapon ang kanyang dalang pagkain. Di ko na ring namalayang kusang lumuluha na ang aking mata.

"Hindi kita sasaktan. Gusto lang kitang tulungan." Malambing niyang sinabi habang dahan-dahang humahakbang papalapit sa akin. Pero sadyang matigas na ang loob ko dahil sa nangyari sa kagabi, hindi ko na alam kung mapagkakatiwalaan pa ang mga hindi ko kilala.

"Lumayo ka sa akin! Hindi kita kilala! Sasaktan mo ako!" Malakas kong sigaw sa kanya pero parang walang kwento ang matigas na salita sa aking bibig sa tenga ng matanda. Hindi niya ako nilubayan sa halip ay yumakap siya sa akin.

Sa unang pagkakataon nakaramadam ako ng seguridad sa kamay ng iba. Ganito ang pakiramdam ng isang yakap ng ina? Ramdam ko ang init ng kanyang katawan at ang kanyang tibok ng puso. Dahil dito naging makalma ako.

"Huwag kang mag-alala ligtas ka dito. Ako si Lauren, isa akong kaibigan." Nung narinig ko ang malambing niyang boses hindi ko na napigilan pang umiyak, lalong lumakas ang aking pagtangis.

"Sige lang iiyak mo lang lahat yan. Ano bang pangalan mong bata ka?" Pagkatapos ng ilang minuto, pinunasan ko ang aking luha at nagsimula ng magsalita.

"Ako po si Gabriella Sander, pero mas gusto ko pong tawagin na Gaby."

"Hmmm Gaby? Magandang pangalan para sa magandang bata. Itigil mo na iyang pag-iyak mo. Gusto mo na bang kumain?" Sabay ngiti niya sa akin.

"Pero natapon ko po yung dala niyo kanina. Hindi po ba kayo galit?"

"Ok lang yun, marami pa naman sa kusina. Tara dun na tayo kumain."

"Salamat po." Ngiti kong sinabi sa kanya.

"Oh yan, dapat lagi kang ngumingiti para lalo kang maging maganda." Sabi niya sa akin, pagkatapos nun ay agad na rin kaming bumaba para kumain. Sa sobrang gutom ko nakaubos ako ng 2 basong gatas at 4 na pirasong tinapay.

"Oh ano busog kana sa kinain mo?"

"Opo maraming salamat po uli."

"Gusto ko lang malaman, bakit ang damit mo ay puro dugo?" Nung sinabi niya, bigla akong na lang akong napatahimik.

"Sige, huwag mo ng sagutin." Sabi niya.

"Lalaki."

"Lalaki? Bakit anong meron sa lalaki?"

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon