X - Devon Pierce

165 13 0
                                    

Mga ilang minuto rin ang lumipas bago ako pumasok sa bahay.

Tinignan ko kung nandun pa si Uncle Devon pero wala na.

Pumunta ako ng kwarto ko upang magpalit ng damit at humiga na rin upang makapagpahinga.

Pagkahiga ko unti-unting pumipikit ang mata ko hangat sa tuluyan akong makatulog.

Buti na lang at maagang natapos ang training namin ni Uncle Devon. Kaya mahaba-haba pa ang oras para makapagpahinga ako.

Alas quatro na ng nagising ako. Umabot ng anim na oras ang pagtulog ko. Dahil na rin siguro sa gutom kaya nagising ako. Naalala ko na hindi pa pala ako kumain ng agahan.

Pumunta ako ng kusina para magluto ng makakain. Ngayon ko lang napasin na may iniwan palang sulat sa akin si Uncle Devon.

"Echo, nagluto na ako ng tanghalian mo. Tsaka nga pala gagabihin siguro ako ng uwi mamaya, may meeting kasi kami ng mga Concrelus. Maghahanda rin kami bukas para sa unang araw ng pasukan niyo. Ikaw na lang magluto ng hapunan mo at bantayan mo itong bahay.

Ps

Linisin mo rin itong buong bahay.

Madalas na wala si Uncle Devon dito sa bahay. Dahil na rin siguro myembro siya ng Concrelus.

Siya na ang tumayo kong ama. Siya ang nagturo lahat ng mga kaalaman na dapat taglayin ko. Kung hindi dahil sa kanya siguro wala ako ngayon.

Malaki at maganda ang pangangatawan dahil rin sa madalas siyang magtraining, palaging pormal ang suot niya at kung hindi mo siya kilala, matatakot ka sa kanya dahil parang parati siyang nakasimangot st naghahanap ng away. Madalang lang ngumiti si Uncle Devon. Pero isa siyang mabuting ama-amahan.

Nung maglimang taong gulang ako inamin niya na hindi siya ang ama ko.

"Kung hindi po kayo yung ama ko eh sino po??" Tanong ko sa kanya.

"Pasensya na Angelico hindi ko kasi alam. Natagpuan kita nang minsan akong maligaw sa kagubatan. May narinig ako na umiiyak na sanggol. Hinanap ko kung san nanggagaling ang tunog hanggat sa mahanap kita. Napapalibutan ka nang mga gutom na lobo ng makita kita. Isang pegasus ang promoprotekta sayo pero alam kong wala siyang magagawa sa mga gutom na lobo. Kaya ako na ang gumawa ng paraan upang mataboy sila. Nung umalis na ang mga lobo, tinangka kong hanapin ang mga magulang mo, nagbabakasakali na matagpuan ko pa sila. Pero bigo ako Angelico, inisip ko na talangang inabandona ka na nila. Inuwi kita dito sa bahay upang palakihin. Mukhang hindi naman ako nagkamali sa pagpapalaki ko sayo." Sagot niya.

Hindi ko alam kung maiinis ako sa sinabi niya, pero nagpasalamat ako. Nagpasalamat ako sa kanya sa lahat ng ginawa niyang tulong.

Ilang taon din akong itinago ni Uncle Devon sa bahay niya. Dahil demonyo siya at anghel ako, itinago niya ako para hindi malaman ng iba.

Nakatira kami sa isang bahay sa gitna na ng kagubatan. Pamana daw ito ng kanyang ama. May kalakihan ang bahay, dalawang palapag may anim kwarto, at isang malaking silid kainan. Yung isa sa anim na kwarto ay nakakandado, ni minsan di kong nakitang buksan yun ni Uncle Devon, hindi ko rin alam kung ano yung nandun. Hindi man namin nagawang pag-usapan yung kwartong yun.

Magmula nang inamin niya na hindi siya ang ama ko, hiniling niya na Uncle na lang ang itawag ko sa kanya.

Sa ilang taon kong kasama si Uncle Devon nakabisado ko na ang mga ayaw at gusto niya. Unang-una ayaw niya sa madumi. Araw-araw siya kung maglinis ng buong bahay.

Naalala ko nung minsan nag laro ako sa likod ng bahay ng putik. Biglang umulan nun kaya agad akong sumilong sa bahay. Putikan ang mga paa ko nun kaya nung lumakad ako sa carpet ay nadumihan ito. Saktong pagkarating ni Uncle Devon nakita niya akong nagpupunas ng paa sa carpet.

Biglang nag-iba ang mukha niya tsaka niya ako sinigawan ng pagkalakas-lakas. Pina-akyat niya ako sa banyo para makapagligo tsaka niya ako hinintay para sermonan ng pag kahaba-haba. At ang parusa ko,

ISANG BUWAN NA KULONG SA KWARTO KO.

Hindi ako pwedeng lumabas sa kwarto hanggat hindi niya sinasabi. Nakakalabas lang ako kapag kakain at gagamitin ang banyo. Isang buwan kong tiniis ang pagka bagot.

Pagkatapos nun isinumpa ko na hinding-hindi na ako maglalaro ng putik.

Ayaw niya sa maingay. Hindi ko alam kung bakit pero na sanay na akong tahimik ang buong bahay. Nagkakaron lang naman kasi ng ingay dito kapag naguusap kami. Bukod sa malakas siya kung magsalita, para pa siyang laging galit.

Ayaw na ayaw niyang sumasabat ka kapag nagsasalita siya. Hindi ko na ikwekwento kung ano ang ginawa niya sa aking nung sinubukang kong sumabat sa kanya. Hehe

Ui! Nag luto siya ng roast beef. Tamang -tama gutom na ako mukhang marami akong makakain nito.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon