XXXIII - Lesson

76 9 0
                                    

Fallen angel ang nakita ko sa loob ng academy at sa panaginip ko pero bakit nagpakita ito sa akin? Naalala ko pa kung paano ako nakaramdam ng matinding takot. Ang pakiramdam na walang nakakarinig sa iyong mga sigaw at walang mahihingian ng tulong.

Sinabi ni Sir Ysmael na triple ang lakas ng pagiging isang Fallen, ngayon kung totoo ito wala na sigurong makakapigil sa ganitong isang halimaw pero papaano hinarap ng mga dating myembro ng Concrelus ang ganitong klaseng nilalang.

"Sir kung may mga nabuhay po na mga Fallen noong mga na unang panahon, paano nila ito hinarap". Tanong ko uli kay Sir, ngayon ay nagpapakita ako ng interes sa pinag-aaralan para kahit na papaano ay makabawi ako. Makabawi ako sa mga oras na sinita niya ako. Pabibo kung baga. Haha.

"Magandang tanong, Mr. Summers." Ngiti sa akin ni Sir.

"Alam niyo mga estudyante ko, sa sobrang lakas ng mga Fallen, hindi na kinakaya ng kanilang katawan ang kapangyarihang dumadaloy sa kanila, kaya ang nagyayari?

Ikinamamatay nila ito, pero, kahit na ilang minuto o segundo lang ang tinatagal ng kanilang pagpalit anyo, katakot takot ang kaya nilang gawin. Sinabi ko na hindi nila kontrolado ang kanilang kapangyarihan, wala rin silang ala-ala sa kung sino sila at kung sino ba talaga ang kalaban. Sa paningin nila, lahat ng kanilang nakikita ay parang insekto lang na kayang-kaya nilang tirisin.

Hindi nilalabanan ng Concrelus ang Fallen, gumagawa lang sila ng paraan upang maprotektahan ang lahat ng mamayan ng Zernia, madalas kinukuha nila ang atensyon nito upang dalhin sa ibang lugar, at doon makapaghasik ng lagim.

Aaminin ko na hindi madali ang pakikipaglaban sa isang Fallen, noong nakalipas na limampung taon, kung kailan ang pinakahuling insedente ng pagkakaroon ng Fallen, halos kalahati ng bilang ng Concrelus ang nagbuwis ng buhay.

Kalahati ng bilang ng mga pinakamagagaling na demonyo at anghel ang nawala para lang sa isang buhay ng Fallen." Seryoso niyang sinabi.

Nakakakilabot kung papaano niya inilarawan ang isang Fallen. Ang nilalang na kailan lang ay nakita kong, harapan.

Tahimik ang buong klase matapos niyang magsalita, nakakatakot pakinggan ang mga sinasabi niya tungkol sa mga Fallen. Hindi ko napansin na nanginginig ang aking mga kamay.

Nanatili siyang tahimik at parang bang inoobserbahan ang aming reaksyon bago siya muling magbigay ng isang matamis ng ngiti.

"Ganyan kadelikado ang mga Fallen, pero huwag kayong mangamba. Hindi naman kayo basta-basta magiging Fallen KUNG hindi kayo dadaan sa isang matinding emosyon. Kaya gusto kong ipaalam sa inyo na narito kami, ang inyong guro upang magbigay sa inyo ng payo. Kung kailangan niyo ng mapagsasabihan ng problema, narito kami. Kahit na anong klase pa ng problem, kahit pa tungkol sa PAG-IBIG yan."

Bigla kaming napatawa ng marinig namin ang salitang "pag-ibig". Pag-ibig daw.

"Ayaw ko na mang makarinig ng isang balita ng dahil hiniwalayan o nabigo lang sa pag-ibig kaya naging Fallen. Naku, kahiya-hiya kung ganoon." Birong sinabi ni Sir Ysmael na ikinatawa namang naming lahat.

"Kaya kayong mga babae, huwag niyo basta-bastang sasabihan ng mga masasakit na salita kaming lalaki. Ang hindi niyo alam, ma-emosyon din kami, hindi nga lang namin madalas na ipanapakita. Huwag rin kayo basta-bastang bibigay ng dahil lang sa iisang lalaki.

Para sa mga lalaki naman, huwag kayo agad-agad na susuko. Kung hindi niyo nakuha sa una niyong subok, ulitin niyo lang pero huwag na huwag kayong magdadamdam. Baka isang araw malaman ko na lang na nagpakamatay kayo dahil hindi kayo sinagot. Tandaan niyo napakaraming babae sa Zernia." Masayang sinabi ni Sir.

Marami sa klase ang napatawa, ang ilan naman ay napangiti, kagaya ko. Hindi ko napansin na
nawala na ang panginginig sa aking kamay, siguro ay dahil sa mga biro ni Sir Ysmael, pero hindi parin nawawala ang takot sa aking pakiramdam.

"Echo ok ka lang?" Sabi ni Dawn pero hindi ako nakasagot agad, iniisip ko pa rin ang Fallen na nakita ko sa loob ng academy.

Mga ilang segundo pagkatapos magsalita ni Dawn ay binato niya ako ng papel.

"Aray. Oh bakit?" Tanong ko kay Dawn.

"Ayos ka lang ba? Bat ganyan itsura mo?" Sagot niya.

"Oo, ok lang ako huwag mo na akong aalalahanin baka makita na naman tayo ni Sir." Pabulong kong sinabi sakanya.

Sa kabutihang palad nga ay hindi kami napansin ni Sir Ysmael, ilang minuto pagkatapos niyang magsalita ay pinauwi niya na kami agad. Maayos siyang nagpaalam sa amin at sinabing huwag na daw maglalakwatsa, at gagala kung saan-saan, umuwi na daw kami agad.

Hindi naman ako mahilig gumala, pero kapag kasama ko si Gaby, kung saan-saan kami napapadpad para bumili lang ng mga bagong damit at madalas ay kumain sa ibat-ibang kainan lalo na kung ang binebenta nila ay mga pastries. Si Gaby nga naman.

Matagal-tagal na rin naming hindi ito nagagawa. Madalas na kapag lumalabas kami ay napagkakamalan kaming magnobyo o kaya ay magkapatid dahil sa sobrang lapit daw namin sa isat-isa. Marami ang nagsasabi na bagay daw kami ni Gaby, na ikinakikilig ko naman. (Biruin mo alam ko pala iyon.) Kapag nangyayari iyon ay nginigitian ko
na lang sila. Higit pa sa kaibigan o kapatid ang turing ko sakanya. Mahal ko si Gaby pero iilang araw ko palang na nakasama si Dawn, bakit parang nagkakagusto na ako sa kanya?

----------------

This chapter is dedicated to JulieGarduque :)

AN: Hi sensya na ngayon lang nakapag-update :). Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nagvovote at comment, pati na rin sa mga nagvieviews. Nang dahil sa inyo ginanahan ako na ituloy ito, sana patuloy niyong lang itong basahin hanggat matapos.

Thanks :) Votes for update ;)

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon