VIII - Sweet Tooth

196 17 2
                                    

"Gaby ano bang gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya.

"Tinatanong pa ba yan Echo? Syempre puro sweets! Gusto ko ng strawberry shortcake, chocolate mousse, tsaka vanilla cupcake. Kaw ano ba sayo??"

Tanong niya sa akin.

"Andami naman Gaby, kaya mo bang ubusin yan??" Tanong ko sakanya.

"Sa totoo lang hindi, kaya marami kukunin para hati tayo. Tsaka para matikman ko lahat. Alam mo naman na mahilig ako sa mga ganun diba?" Sabay ngiti sa akin.

"Gaby, hindi ka ba natatakot na baka pag nasobrahan ka niyan eh tumaba ka?"

Biglang tumahimik si Gaby.Tumaas ang kanyang kilay at bigla niyang binagsak ang kamay niya sa mesa. Tsaka niya nilapit ang kanyang mukha sa mukha ko at nagsalita.

"Echo wala akong pakialam kung tumaba ako. Dahil pag nangyari yun siguradong maganda pa rin ako! Bakit ayaw mo na ba sa akin pag mataba ako?! Iiwan mo na ba ako?! Ganon ba gusto mong palabasin?!. Sigaw ni Gaby.

Hay nako. Lumabas nanaman ugali ni Gaby. Para siyang bata na nagwawala pag hindi nakuha ang gusto. Paano ko nanaman kaya siya susuyuin nito?

"Gaby, wala naman akong sinabi na iiwan kita at di na kita gusto, ang sa akin lang eh concern lang ako." Medyo umatras ako sa kinauupuan.

"Concern?! Kung totoong concern ka dapat ibibili mo ako nung mga pagkain na gusto dahil nagugutom ako!."

"Okeeey Gaby, talo na ako panalo kana. Orderin mo na lahat nang gusto mong kainin."

"Talaga Echo?!"

"Oo nga, sige na bilisan mo baka magbago pa isip ko."

"Thank you Echo tunay ka talagang kaibigan."

Biglang nagiba nanaman ugali niya. Si Gaby nga naman.

"Kung hindi lang kita mahal eh."

"Ano Echo may sinasabi ka?."

"Walaaa pag orderan mo na rin ako ng fruit juice." Muntik na, buti na lang mahina pag kakasabi ko!

"Ah ok" Ngumiti nanaman si Gaby. Kaya madaling nawawala galit ko sakanya eh.

"Nga pala Echo, sabi mo magpapaliwanag ka kung bakit B Class lang nakuha mo? Bakit nga ba?"

Tanong sa akin ni Gaby habang subo ang kutsara ng mousse.

"Ah eh hindi ka maniniwala sa nagyari sa akin. Nung nandun na ako sa room bigla nalang nanghina ako. Tuloy hindi ko nagamit lahat ng kapangyarihan ko." Sagot ko.

"Ah ganun ba? Echo wala kabang nararamdaman sa katawan mo? Medyo namumutla ka. May sakit kaba?" Tanong niya sa akin.

Medyo nahihilo ako. Pagod pa rin ako dahil sa test kanina. Pero ayaw kong sabihin sa kanya baka mag alala siya.

"Okey lang ako Gaby. Medyo pagod lang."

"Mabuti pa umuwi na tayo para makapagpahinga ka." Sabi ni Gaby.

Tumango na lang ako tanda ng pagsang ayon. Lumabas na kami ni Gaby sa Academy mga 5 na ng hapon yun. Pumito ako para tawagin si Bullet. Kahit na kayang lumipad ni Gaby, gustong-gusto niyang sumakay kay Bullet.

"Tara na Gaby" anyaya ko.

Sumakay na nga si Gaby. Ako lang kayang kumontrol kay Bullet kaya nasa likuran ko si Gaby.

"Kapit ka mabuti Gaby, magiging mabilis ang lipad ni Bullet" sabi ko.

Mga ilang minuto na rin kaming na sa ere lumilipad ng biglang lumamig ang hangin.

"Echo nilalamig ako pwede ba kitang yakapin?" Tanong niya sa akin.

Nagulat ako nung marinig ko yun. Hindi na ako sumagot.

"Echo ang init ng katawan mo." Sabi niya.

Hindi ko na malayan na nakatulog na pala si Gaby. Siguro dahil din sa pagod. Hindi rin nagtagal nakarating din kamisa kanila.

"Gaby gising na. Nandito na tayo sa inyo." Sabi ko sa kanya.

"Eeeeh ayaw kong maglakad, gusto kong kargahin mo ako papunta sa kwarto ko." Sinabi ni Gaby habang nakapikit ang kanyang mga mata.

Kinarga ko si Gaby papunta sa kwarto niya na parang isang bata.

"Gaby aalis na ako hah. Matulog ka nang mahimbing" sabi ko sakanya pero pinigilan niya pa akong umuwi.

"Huwag ka munang umalis, hintayin mo muna akong makatulog. Dito ka lang sa tabi please." Sabi ni Gaby.

Umupo ako malapit kay Gaby tsaka hinaplos ang kanyang buhok. Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mata. Lalo kong napagmasdan ang kagandahan ni Gaby.

Dahan dahan kong sinara ang pinto ni Gaby at tuluyan ng umalis. Pagkarating ko sa bahay namin ay di ko na napigilang bumagsak ang katawan ko sa kama.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon