XLVI Spring

80 8 5
                                    

Papasok na sana ako ng banyo ng biglang may pumasok na magandang ideya sa isip ko. Naalala kong sinabi ni Ma'am Ana na kailangan ko ng pahinga para mabawi ko ang lakas ko, at alam ko kung saang lugar ko magagawa iyon.

Agad kong kinuha ang aking bag at iniligay ang mga damit kong pampalit. Isinabit ko sa aking leeg ang twalya at bumaba sa kusina para kumuha ng pagkain. Mga sariwang prutas, inumin at nagbalot na rin ako ng ibang tirang niluto ni Uncl Devon.

Pagkalabas ko ng bahay, pumunta ako sa kwadra ni Bullet para pakainin siya. Malayo pa lang ako pero nakita kong nakatanaw na siya sa akin, para bang alam niyang may pupuntahan kami.

"Magandang umaga Bullet. Umaga pa ba? Mukhang magtatanghali na." Sabi ko sa kanya kahit na alam kong hindi naman siya sa sasagot. Kinalag ko na ang kanyang tali sa leeg at inilabas sa kwadra.

"Siguro nagtataka ka kung bakit ngayon lang kita nilabas. Hindi kasi ako pinayagan ni Ma'am Ana na pumasok ngayon, sabi niya kailangan ko daw magpahinga. Kaya kailangan ko ang tulong mo." Sabi ko sakanya habang hinahaplos ang kulay puti niyang buhok. "Naalala mo pa ba yung bukal na natagpuan natin noon?" Piling ko para akong tangang kumakausap sa pegasus. Mas mabuti na siguro ko ito at nailalabas ko ang mga nasa isip ko.

"Pupunta tayo ngayon doon at uubusin natin ang buong oras ng maghapon." Masaya kong sinabi sa kanya, para naman niyang naintindahan ang mga sinabi ko dahil napapadyak siya, at muhang gusto niya ang ideyang sinabi ko. "Kung ganun simulan na natin!" Pagkasakay ko sakanya agad niyang iniladlad ang kanyang pakpak para lumipad, pero sinenyasan ko siya hindi niya ito kailangang gamitin. Gusto kong makapunta doon ng dadaan sa gubat.

Mas gumaganda kasi ang pakiramdam ko kapag napapalibutan ako ng mga puno at halaman. Pakiramdam ko parang ibinibigay nila ang enerhiya nila at hinahayaan lang akong kontrilin sila. Iba rin ang pakiramdam ko kapag naririnig ko ang huni ng mga ibon at iba pang mga ingay na ginagawa ng ibang hayop sa loob ng kagubatan, nakakaramdam ako ng kapayapaan.

Madalang lang tumakbo si Bullet kapag sinasakyan ko siya. Mas mabilis kasi siyang lumipad. Pero ngayon, hindi ko problema ang oras.

Inabot kami ng halos kalahating oras bago makarating sa bukal, pero kung gugustuhin ko at kung gagamitin ko si Bullet, wala pang sampung minuto ay nandito na kami.

Aksidente lang namin natuklasan ni Bullet ang lugar na ito, nang minsan sinakyan ko si Bullet para libutin ang gubat malapit sa bahay namin. Pero dumalang na ang pagpunta namin dito magmula noong malaman ni Uncle Devon nakakarating ako dito.

Hindi ko alam kung meron bang nagmamay-ari nito o meron pang ibang may alam sa lugat nito. Tuwing pupunta ako dito, kung ano ang dinatnan ko noon siya ring makikita ko ngayon.

Tagong-tago kasi ang lugar na ito, nasa gitna pa ng kagubatan. Merong dalawang malaking tipak ng bato ang nakalibot sa bukal, para bang ito ang nagsisilbi nitong pader para hindi makawala ang tubig. Ang mga siwang naman ay napapalibutan ng mga baging, kaya kung titignan mo ito sa labas, aakalain mo lang isa itong malaking bato na tinubuan ng mga halaman.

Bumaba ako kay Bullet at gamit ang kapangyarihan ko, kinontrol ko ang ilang mga baging para magkaroon ng siwang sapat sa amin ni Bullet para makapasok. Napakalinaw ng tubig nito, sa ilalim makikita mo ang mga maliit na bato. Hindi perpektong bilog ang hugis nito, pagkababa mo abot hanggang dibdib na ang tubig. Hindi rin pare-pareho ang temperatura ng tubig, may mga panahong malamig at meron ding mainit. Pero ngayon, maligamgam tamang-tama para sa katawan ko.

Kinuha ko sa bag ko ang ilang mansanas at binigyan din si Bullet para kainin, pagkatapos namin kumain ay hinayaan ko lang siyang mamahinga ako naman ay lumusong na sa tubig. Tamang-tama ang desisyon ko na dito maligo, napakasarap talaga sa pakiramdam.

Hinayaan ko lang na lumutang ang katawan ko sa tubig, habang tinitignan ko ang mga mayayabong na dahon ng mga puno na nagsisilbing bubong ng bukal. Gustong-gusto kong nakikita ang liwanag galing sa labas na lumulusot sa maliliit na siwang galing sa dahon.

Ano na kayang ginagagawa nila Dawn at Gaby ngayon? Kasama parin nila kaya si Luca na kumain ng tanghalian. Siguro nagaalala na si Gaby sa akin, si Dawn kaya? Sinabi kaya ni Ma'am Ana ang nangyari sa akin? Hay lahat ng tanong na ito ay masasagot ko bukas, pero hindi ko alam ang magiging reaksyon ng mga kaklase ko o ng iba pang estudyante. Siguradong kumalat na sa buong campus ang nangyari sa amin ni Zian.

Hinayaan ko na lang na pumikit ang aking mga mata at ilang sandali pa ay nakatulog ako.

-------

Nagising na lang ako ng marinig ko gumagawa ng ingay si Bullet, nakita kong nakatingin siya sa siwang kung saan kami pumasok. Mabilis akong umahon sa tubig at ginamit ang tuwalya upang magpatuyo.

Iniligpit ko na rin ang mga gamit ko, kung sakaling kailangan naming mabilis na umalis dito.

Tahimik lang kaming dalawa ni Bullet habang hinihintay ang kung ano man o sino man ang paparating. Tunog ng parang hinihila na bagay na sumasayad sa lupa ang naririnig ko. Papalakas ng papalakas ang tunong hanggat sa makita namin ang isang matandang babae na merong hila-hilang mga tuyong kahoy.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang matanda pero, pumasok naman sa isip ko ang pagtataka. Kabisadong-kabisado ko na ang buong gubat at halos nalibot ko na ang kabuuan nito ni minsan wala pa akong nakasalubong o nakitang naninirahan dito.

Tumigil muna ang matanda para mamahinga, pinunasan niya ang kanyang pawis sa ulo gamit ang kanyang kamay. Maya-maya pa ay nagpatuloy na siya sa paghila ng mga kahoy hanggat makarating na siya malapit sa kinatatayuan namin ni Bullet.

Hindi ko alam pero ang naging una kong reaksyon ay ang magtago, hinila ko si Bullet at nagtago kami sa likod ng isa sa mga tipak na bato sa loob ng bukal.

Maya-maya pa ay narinig na namin ang mga yapak ng kanyang paa sa mga bato, patuloy lang siyang naglakad hanggat sa marating niya ang isang maliit na butas malapit sa bukal. May kinuha siya sa bulsa nita at ipinansalok ito ng tubig para inumin. Pero ang mga sumusunod na pangyayari ang di ko inaasahan.

Pagkatapos niyang uminom sa tubig, tumayo siya at nagsalita,

"Napakasarap talagang inumin ang tubig dito sa bukal, nakakapawi din ng pagod, tama ako diba ijo?." sinabi niya iyon ng nakatingin sa pinagtataguan namin.

--------------------
This Chapter is dedicated to jamesbriguel :)

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon