XLII - Wound

69 6 0
                                    

"Echo may sugat ka!" Sigaw ni Dawn habang nagmamadaling tumatakbo papunta sa akin. Hindi pa rin ako makatayo dahil sa sakit na nararamadam ko galing sa kapangyarihan ni Sir Ysmael at sa mga natamo kong sugat. Ilang distansya na lang ang layo sa akin ni Dawn ng sumigaw si Sir Ysmael.

"Dawn! Kailangan ko ang tulong mo dito." Sigaw ni Sir Ysmael, pero hindi lumingon si Dawn. "Dawn!" Malakas na sigaw niya uli, sa pangalawang pagkakataon, nagawa na niyang makuha ang atensyon ni Dawn. Napahinto siya at nilingon si Sir Ysmael.

"Dawn kailangan mo munang agapan ang mga sugat nitong S class!" Sigaw niya.

"Pero Sir, may sugat rin si Echo." Parang may pagmamakaawa sa boses ni Dawn, pero hindi ito pinansin ni Sir Ysmael.

"Mas malala ang mga sugat nito! Kailangan mo siyang maagapan!" Galit na sinabi ni Sir Ysmael, wala ng nagawa si Dawn kundi sundin ang kanyang mga pinag-uuutos.

Habang nakikita kong tumatakbong palayo sa akin si Dawn, ilang sandali pa ay hindi ko na napigilang ipikit ang aking mga mata, wala na akong ibang nakita kung hindi kadiliman.

~~~~~~~~~~~~
Unang-una kong nakita ang kulay puting kisame pagkamulat ng aking mga mata. Nakahiga ako ngayon sa isang malambot na kama, sapat lang para sa isang tao. Merong isang baso ng tubig ang nakatabi sa aking higaan, agad ko itong kinuha at ininom. Tatayo na sana ako ng makaramdam ako ng pangingirot galing sa aking balikat, braso at paa.

Nasa clinic na naman ako.

May mga tahi na ang aking mga sugat, pero may nararamdaman pa rin akong kirot dito.

Ang pagtakbo papalayo sa akin ni Dawn ang huli kong naalala.

Ilang minuto pa ay may pumasok na isang babae, nakasalamin at may hawak na papel.

"Inaasahan ko na dadalawin mo ako uli dito Mr. Angelico, pero sa hindi ganitong paraan. Alam mo ba kung ano ang ginawa mo sa katawan mo?" Si Ma'am Ana pala.

"Ma'am," magpapaliwanag palang sana ako pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon.

"Ilang araw ka palang nakakalabas dahil sa pagtama ng likod mo sa dingding, tapos makikita kita uli dito? Hindi mo ba iniingatan yang katawan mo?" Merong galit at pag-aalala ang boses niya.

"Ma'am pag paliwanagin niyo naman ako." Singit kong sinabi sa kanya pero lalo pa niya itong ikinagalit.

"Hindi ko kailangan ang paliwanag mo! Alam mo ba kung ano ang muntik mangyari diyan sa nakalaban mo? Mali. Alam mo kung ano talaga ang nangyari kung hindi dumating si Ysmael doon?". Medyo lumakas ang boses niya, ngayon wala na ang pag-aalala napalitan ng puro galit. "Mapapatay mo siya Angelico. Malaki ang naitulong ni Dawn para maagapan ang mga sugat niya. Ligtas na ang kalagayan niya ngayon pero wala pang nakakaalam kung kailan siya magigising."

"Ma'am hindi niyo pa po narinig ang panig ko." Nagmamakaawa na akong pagpaliwanigan niya pero hindi niya ako pinansin.

"Sapat na ang nakita ko Angelico, sapat na. Sabihin mo na lang lahat ng gusto mong sabihin sa pulong ng Concrelus."

Hindi na ako nakapagsalita pagkatapos niyang sabihin iyon. Tama siya, muntik ko na ngang mapatay si Zian. Pero prinotektahan ko lang ang sarili ko. Prinotektahan ko lang.

Iilang araw ko pa lang nakilala si Ma'am Ana pero ang mga salita niyang binitawan ay parang mga espadang tumusok sa aking puso. Masakit, masakit na masakit. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, gusto kong umiyak, pero lahat ng ito hindi ko magawa. Napayuko na lang ako at napatahimik.

Hindi ko alam kung anong klaseng galit ang nabuo kay Ma'am Ana at kung saan ito nanggaling. Hindi ko siya kaano-ano at wala rin siyang karapatang husgahan ako hanggat hindi pa niya naririnig ang panig ko.

Katahimikan lang ang bumalot silid hanggat sa hinawakan niya ang aking kamay. Hindi ko na siya nagawang tignan sa mata at ganun din sa akin. Bigla itong umilaw at nakaramdam ako ng init na unti-unting dumadaloy sa aking katawan.

"Wala namang ganong napinsala sa katawan mo, napagod ka lang dahil malaking enerhiya ang nawala sayo. Madali lang gagaling ang mga sugat mo pero, hindi muna kita papayagang pumasok bukas. Kailangan mo ng isang buong araw para magpahinga. Isang buong araw para magpahinga." Idiniin at inulit niya ang kanyang huling sinabi. Tumayo na siya at nagsulat sa hawak niyang papel. Naglakad siya papunta ng pintuan at tumigil bago makalabas.

"Alam ko tatanungin mo kung nasan na si Dawn, maayos lang ang kalagayan niya, nagawa niyang gamitin ng tama ang kapangyarihan niya." Sinabi niya habang hawak-hawak ang pihitan
pintuan. "Pero hindi ko rin muna mapapayagang makita ka ng mga kaibigan mo." Pagkatapos bigla niyang isinara ang pinto.

Pagkasara niya, nakarinig ako ng mga boses sa labas na nagtatalo. Si Gaby at Luca na roon.

Nakahinga ako ng maluwag matapos kong marinig ang tungkol kay Dawn lalong-lalo na rin kay Zian.

Ipinikit ko ang aking mga mata at unti-unto na rin akong nakatulog.

----------------------
AN: Hi! Maraming maraming salamat sa lahat ng patuloy na nagbabasa nito. Asahan niyo na kapag nagvote kayo ay agad na ng masusundan ang chapter nito.

Kailangan ko uli ang mga boto niyo :)

Thanks :D

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon