XXXV - Bullet

88 11 2
                                    

Nagising ako dahil sa lamig ng hangin na pumapasok sa bintana.

Maaga pa, wala pa ang sinag ng araw. Ilang minuto pa akong nakahiga lang, nakitangala at nagiisip.

Ilang sandali pa ay narinig ko ng bumukas ang pintuan ng silid ni Uncle Devon. Katulad ng dati, diretso siya agad sa kusina upang makapagluto ng almusal. Natural na lang sa kanyang araw-araw na gawain ang paghahanda ng almusal kasabay nito ang paghigop ng mainit na kape. Sa likod ng pagiging matapang at striktong pag-uugali niya, ay sa loob naman ang isang ugali ng pagiging isang mabuting ama o kahit na minsan ay ina na rin.

Mahalaga para sa amin ang pagkakaroon ng oras para sa agahan at hapunan. Ito lang ang mga panahon na kung saan ay maayos kaming nakakapag-usap. Noong umabot na ako ng halos sampung taon, madalas na niya akong iniiwan upang gampanan ang tungkulin niya bilang myembro ng Concrelus. Magmula noon, tanging sa agahan at hapunan na lang kami halos nagkakausap at nagkikita.

Ilang minuto pa ay bumaba na ako sa silid, amoy na amoy ang kanyang piniritong itlog na niluluto. Nakahain din sa hapag ang tinapay, mga sariwang prutas at gatas. Ganito lang ang karaniwan naming almusal. Pero hindi ko alam kung ano ang meron sa kamay ni Uncle Devon kung papaano niya napapasarap ang mga simpleng lutuin kagaya nito.

"Kain na tayo." Anyaya ni Uncle Devon sabay higop sa mainit na kape.

Pagkatapos non ay umupo na rin ako sa mesa. Nakakailang na sa laki ng aming mesa, kasya ang walong katao, pero tanging dalawa lang kami ang nakaupo dito.

Kumuha ako ng isang itlog at ipinalaman sa tinapay. Pagkatapos ilapag ni Uncle Devon ang kanyang tasa, nagsimula na rin siyang kumain, para bang hinihintay niya akong mauna.

"Kamusta naman ang klase niyo kahapon?" Tanong niya.

"Ayos lang naman po. Nakakapagod kasi medyo maraming ginawa." Sagot ko.

"Nagsimula na ba kayong magtraining?"

"Hindi pa po."

"Ano bang pinagpapagawa sa inyo ni Ysmael?" Parang galit niyang itinanong.

"Ganun pa rin po, pero ipinaliwanag niya na po yung mga klase ng mga kapangyarihan at antas ng pagiging isang anghel at demonyo."

"Hindi iyan ang kailangan niyo, isang linggo na ang nakalipas at meron lang kayang kulang tatlong linggo upang maghanda para sa kauna-unahan niyong battle test. Sa klase ko madalas kaming magtraining, at sinasabi ko sayo na marami sa estudyante ko ang mas naging malakas. Kung hindi niyo pa sisimulang magtraining siguradong wala kayong magagawa sa mga A class."

Hindi ko gaanong pinansin na ang sinabi niya. Ayako na. Ayoko ng inaasahang maging malakas kahit na hindi naman talaga. Alam ko ang kapasidad ko at hanggat doon lang ako.

"Pero pwede naman po akong maging A class kung makukuha lahat ng tamang sagot sa written test." Paliwanag ko.

"Hindi sa ganoong klase ng paraan ko gustong maging isang A class at lalong lalo na bilang isang S class ka!"

Padabog niyang sinabi sa mesa. Si Uncle talaga ka-aga-aga ang init ng ulo.

"Magiging A class ka dahil tatalunin mo sila sa isang Battle Test at hindi sa isang Written test. Naiintindihan mo ba?!"

Tumango na lang ako, ilang minuto lang kaming tahimik. Kasama na rin sa pagkain namin ang madalas naming pag-aaway. Sanay na ako. Sanay na akong masigawan at mapagalitan dahil sa mga bagay na ayaw niyang ginagawa ko o hindi ko nasusunod. Para bang hindi kumpleto ang pag-uusap namin kapag hindi siya magagalit o sisigaw.

Ilang minuto pa ay nakita ko na ang sinag ng araw. Hanggat sa mapagdesisyunan ko na ako na ang una magsalita.

"Gaano po kayo kadalas magpalit ng anyo para maging isang Superior Demon." Tanong ko.

Bigla na lang siyang napatigil sa paghigop ng kape tsaka ako sinagot.

"Ginagamit lang namin iyon kapag nahaharap kami sa isang malakas na kalaban. Isa pa, malakas makaubos ng kapangyarihan iyon." Sagot niya.

Kahit na minsan ay hindi ko pa siya nakitang maging isang Superior Demon, katatakot-takot na ang lakas niya papaano pa kaya kapag nagpalit siya ng anyo.

Bigla na lang sumagi sa aking isipan ang Fallen Angel. Ang nilalang na nakita ko sa academy at sa panaginip ko.

"Nakakita na po ba kayo ng isang Fallen Angel?" Tanong ko, sa pagkakataong ito, bigla na lang nag-iba ang kanyang mukha. Parang nag-aalangan siya kung sasagutin ba niya o hindi.

"Fallen? Hindi pa. At ikinagagalak kong kailan man ay hindi pa ako nakakakita. Nakakatakot na nilalang ang mga Fallen, tanging sa libro ko lang sila nakita." Sagot niya.

Gusto ko sanang sabihin na nakakita ako ng isang fallen angel ng personal, sa loob pa mismo ng Academy, pero nakaramdam ako ng takot. Takot na parang sinasabing mas mabuti nang ikaw lang ang may alam at wala rin namang maniniwala sa mga sasabihin mo. Hinayaan ko na lang.

Pagkatapos niyang sagutin ang aking tanong ay hunigop siya uli ng kanyang kape.

"Mauuna na ako sa'yo." Sabi niya, tumango naman ako. Ilang minuto pa ay pumunta na siya banyo upang maligo. Habang ako ay naiwan sa mesa, iniligpit lahat itinabi ang mga sobrang pagkain. Tinignan ko kung anong oras na, ala-sais pa lang, nagkaroon pa ako ng oras para makapaghugas dahil kung hindi ko ito gagawin ngayon, ay siguradong maaabutan ko pa rin ito mamaya.

Pagkatapos kong maghugas ng pinagkaininan ay pumunta na ako sa kulungan ni Bullet para pakainin siya.

"Kumusta na kaibigan." Ngiti kong bati sakanya. "Nakatulog kaba ng mahimbing kagabi?"

Hindi ko alam pero parang naiintindihan ako ni Bullet, bagama't hindi siya nakakapagsalita, nararamdaman kong kahit na papaano ay nakikipagkomunikasyon siya sa akin.

"Ito na ang mga sariwang damo na pinitas ko para sayo." Ibinigay ko ang kanyang pagkain na madali naman niyang kinain.

"Siguro Bullet, pagod ka na dahil ikaw ang nagsisilbi kong pakpak." Sabi ko sabay himas sakanya pero nagulat ako sa ginawa niya. Inilagay niya ang kanyang ulo sa aking balikat tsaka parang pinangyakap niya ang kanyang maputi at malaking pakpak.

"Handa ka na bang ihatid ako ngayon sa Academy?" Ngiti kong tanong sakanya, nakita ko naman itinaas niya ang isa sa kanyang apat na paa at ipinagaspas ang kanyang pakpak.

Mabuti pa si Bullet, hindi ako kayang iwan. Napamahal na siya sa akin at ganoon na rin ako sakanya. Parang parte na rin siya ng katawan ko na kapag wala ay kulang. Si Bullet hindi siya isang alaga o isang pegasus lang, isa siyang matalik na kaibigan.

---------------------
This Chapter is dedicated to Don-Don-Don :)

AN: Hi! Pasensya na kung medyo matagal akong hindi nakapag-update, nagsimula na kasi yung pasukan namin. Sana patuloy niyo lang itong basahin at ivote.

Thanks :)

CamelliaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora