Chapter 70

199 5 4
                                    


Tatlong araw na ang naka lipas ng dalhin ako ni Dark dito sa Baguio. Tatlong araw na akong nasa loob lang ng bahay niya. Umalis ngayon si Dark at pumunta sa Manila para sa trabaho niya at para nadin matulungan niya sila Aric sa gagawin nilang plano kay Santi.

Habang andito ako ay mag iisip nadin ako ng plano. Hindi pwedeng habang buhay ako dito, hindi pwedeng magtago ako habang buhay. Hindi pwedeng malason ni Santi ang utak ng Hari.

Paminsan minsan tumatawag sakin si Aric para kamustahin ako, ganon din si Kuya na laging nag aalala sakin. Si Primo naman ay lagi akong inuupdate kay Desha, napangiti ako, talagang hindi naniwala si Desha sa balita. Naniniwala at may tiwala pa siya sakin. Naging ayos nadin si Desha sa puder ni Primo. Medjo nag aadjust pa si Desha dahil hangang ngayon ay namimiss niya padin si Seth, kahit ako ay namimiss siya.

Hindi ko manlang nasabi sakanya na mahal na mahal ko din siya. Kahit naman hindi ko siguro sabihin alam niya na yon. Tinuring na ni Desha na Nanay si Amber, magaan na din ang loob ni Amber kay Desha.

Habang nagluluto ako ay iniwan kong bukas ang TV para malaman ko kung ano ang sinasabi sa balita. Patuloy padin sila sa paghahanap sakin kaya todo ingat sila Kuya sakin.

"Iniinmbitahan ang ibang tao na pumunta bukas sa Caseli upang mapakita ang bagong ayos na lugar. Masayang ibinahagi ng presidente ang gamot na matagal nilang ginagawa para sa mga taong may sakit. Hindi padin natitigil ang pagtulong ng presidente sa mga taong may kapansanan..."

Mapait akong ngumiti ng maipakita sa screen ng tv ang buong building kung saan naka stock at ginagawa ang mga gamot na gawa mismo nila.

"Ipinakita din ng mga mang gagawa doon kung gano kalinis ang lugar na ito..."

"Mukhang napapakagat mo ang mga tao sa mga palabas mo Santi."- Bulong ko.

"Muli pading pinaghahanap ng mga kapulisan ang nawawalang si Nicole Par---

Agad kong pinatay ang TV at naupo. Kinain ko ang tinapay na hawak ko at umakyat sa taas para kunin ang laptop at cellphone ko. Muli akong bumaba ng makuha ko na ang mga ito.

Binuksan ko ito at sinearch ang gusali kung saan naroroon ang mga sinasabing gamot o drug. Napatigil ako ng marinig kong bumukas ang gate. Si Dark lang pala.

"Someone's here."- nakangiting sabi ni Dark at muling binuksan ang pinto.

Nagulat ako ng makita sila Ace dito. Agad ko silang nilapitan at niyakap.

"Hindi ko pa pwedeng dalhin si Desha dito eh pasensya na."- sabi ni Primo ng maka kalas na siya sa pagkakayakap sakin. "Ayos lang. Basta okay lang siya."- Sagot ko at ngumiti.

Si Amber siguro muna ang nagbantay kay Desha dahil si Hailee lang ang nandito.

"Anong plano niyo?"- tanong ni Genesis habang kumakain ng pizza. "Si Nicole ang tanungin niyo dahil siya ang boss."- sabat ni Zane at tumawa.

"Pinaghahanap padin si Nicole kaya kailangan gumalaw tayo."- Ani ni Zane.

"Sabado ng gabi."- napatingin silang lahat sakin. "Luluwas ako."

"Hindi pa pwede, Nics. Delikado pa. Marami pading check point."- Agad na sabi ni Primo.

"Pwede naman akong mag disguise. Im going to burn that building gaya ng ginawa nila sa Nexus. Gaya ng ginawa nila kay Seth at Lolo susunugin ko din sila ng buhay."- Inis na sabi ko.

"Sa 27 na ang launch ng mga bagong gamot. Ipapamigay na nila yon sa mga tao."

"Kaya nga dapat gumawa na tayo ng paraan para matigil yon."- sabat ko.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Kde žijí příběhy. Začni objevovat