Chapter 3

1.8K 48 0
                                    

Julia's POV

Mabilis kaming natapos kaya lumabas na agad kami sa Cafeteria.

"Kailangan ko ng mauna kaso maiiwan kayong dalawa"- sabi ni Primo habang nagdadalawang isip.

"You can go"- maikling sabi ni Amber.

"Hindi ko kayo pwedeng iwan. Baka kung anong gawin niyo"- sabi ni Primo.

"Wala ka bang tiwala samin ni Julia?"- parang bata na sabi ni Amber.Umiling naman si Primo At sinabing "Wala"

Napa pout nalang si Amber sa sagot niya. Mukha ba kaming tatakas or what?

"Sige na. Pumasok ka na malalate ka pa"- sabi ko at nagawa ko pa siyang itulak.

"May gagawin kayo noh? bat pinapaalis niyo na ako?"- natatawa niyang tanong.Mukha ba kaming may gagawing masama?

"Sa bait naming to"- proud na sabi ni Amber. Napaka bait nga. Sobra. Tss.

"Umayos kayo ah. Pumasok na din kayo"- bilin niya bago maglakad paalis. Tumingin ulit siya samin. Akala mo naman may gagawin kami.

"Masyadong OA ang isang yun. Tss"- naglakad na din kami pabalik ni Amber.

Habang naglalakad ay may bigla akong naalala.

"Amber sa tingin mo. Asan sila? magkakasama kaya sila? Nakalabas kaya sila?"- sunod sunod kong tanong.

"Ayan ka nanaman. Inaalala mo nanaman sila. Julia im sure na nakalabas sila. Baka hindi lang tayo mahanap"- sabi niya.Natahimik nalang ako at naglakad na.

Habang naglalakad naman kami ay bigla kaming binangga ng anim na lalaki na maangas. Napa pikit nalang ako sa inis dahil sa ginawa ng isa sakanila.

"Hindi ka ba marunong mag sorry?"- tanong ko sakanya na ikinaharap nilang anim.

"Ako ba?"- turo niya sa sarili niya.

"May iba pa ba? bakit may nakikita kang hindi namin nakikita? Oh my gosh! iba na yan ah"- maarteng drama ni Amber na ikina igting ng panga nung lalaking nakatapon ng juice sakin.

"Bago lang kayo dito noh? akala mo kung sino bobo naman"- sabi niya na ikina ngisi ko. Paki hanap ang pake ko

"Ano pa kayo?"- sabi ko na ikinainis nila. Agad namang lumapit yung lalaki sakin at hinawakan ang necktie ko.

"Anong sabi mo ha? gusto mo bang makatikim? Ha?"- maangas niyang sabi.Nakakatawa ang isang to.

"Eh ikaw gusto mo ba?"- tanong ko. Akmang susuntukin niya sana ako ng mahawak ko agad ang kamao niya at itinulak ito.

Hahawakan niya sana ulit ako ng sipain ko siya. Hindi siya nakuntento kaya nagtawag siya. Dalawa laban sa Anim? pwede na.

Hawak ko ang damit ng lalaki kanina ng may biglang sumugod sakin at mabilis akong nakailag kaya inihagis ko ang hawak ko sa lalaking susugod sakin kanina. Natanggal ko naman yung blazer ng isang sumugod sakin at tinulak ito. Nang may susugod pa ay ipinulupot ko ito sa kamay niya at inihagis siya sa damuhan. Sisipain ko pa sana siya ng biglang may pumito. Huli na para tumakbo dahil agad silang nakarating sa gawi namin.

"Wooh! First Day trouble"- sabi ni Amber at tumawa.

Tahimik kaming naka upo ni Amber sa upuan sa harap ng lamesa ni Mrs.Atienza.

"Hindi kami ang nauna"- dipensa ni Amber.

"Panong hindi kayo ang nauna eh mas napuruhan ang mga yun. At nakita kayo sa CCTV na nauna"- paliwanag niya. We rolled our eyes at inayos ang buhok namin.

"Kababae niyong tao may mga hikaw kayo sa taas ng tenga niyo. Adik ba kayo? Alam niyong bawal yan sa school di ba?"- tanong niya.

"Ayoko na sanang maulit to"- sabi ni Mrs.Atienza pero nanatili parin kaming tahimik.

"Ayoko na ring makita ang hikaw niyong yan. Hindi ito makakarating sa Kuya mo Ms.Mendoza kaya wag na sanang maulit to. Mag sorry kayo sa mga yun"- utos niya samin napabuga nalang kami sa hangin. Ako gagawin yun? No way! Hindi naman kami ang nauna bat kami mag sosorry.

"Ok lang kahit makarating to sa Kuya ko. Hinding hindi ako magsosorry. Hindi naman kami ang nauna kaya bat namin gagawin yun?.......Pwede na po ba kaming lumabas?"- tanong ko pagkatapos kong magpaliwanag. Tumango siya at chaka hinilot ang sentido niya.

Tahimik kaming naglalakad ni Amber papuntang room. Walang nagsasalita samin at kapwa kami naglalakad. Napatigil lang kami ng mag bell na. Uwian na?

"Anong oras na? Uwian na?"- tanong ni Amber. Mukhang uwian na nga kaya binilisan na namin ang paglalakad namin.

Nang makarating kami sa Room namin nakita namin si Primo na boring na nakatayo sa harap ng room namin.

"San kayo galing dalawa?"- tanong niya samin ng makalapit kami. Nagka tinginan naman kami ni Amber.

"Sa Cr"- sagot ni Amber. Agad niya akong kinindatan at ngumiti.

"Get your things iniintay na tayo ni Zane sa Parking Lot"- sabi niya samin kaya agad kaming pumasok ni Amber sa loob.

Nadatnan namin na nagtatawanan si Cassy,Mirco at Troy. Bat andito si Troy? hindi naman namin siya kaklase. Hindi ko na lamang ito pinansin at agad kong kinuha ang aking bag.

"Julia sabay na tayo bumaba. Sabay sabay daw kasi tayong umuwi sabi ng Kuya mo"- sabi sakin ni Cassy. Napatingin naman sakin si Amber.

"May kasabay ako paki sabi nalang"- Cold na sabi ko at naglakad na palabas.

"Tara na. Baka mainip ang sundo natin"- sabi ko at tumawa.

Nang makababa na kami sa Parking Lot. Agad akong napatingin kila Kuya na nagtatawanan.Napatingin sila sa gawi ko ngingitian ko sana sila ng may tawagin sila na ikinawala ng ngiti ko.

"Cassy! baby girrrl!"- sigaw ni Ate Serina.

"Cassy the Princess!"- sabi ni Luhence at tumawa. Kumaway kaway pa si CJ na akala mo ngayon lang sila nagkita. Nang makalapit si Cassy ay agad siyang niyugyug ni Peyton.

"Cassywaps! Congratssssss!"- natatawang sabi ni Peyton habang niyuyugyug si Cassy. Sinampal naman siya ni Cassy.Friendly slap.

"Ano ba nakakahilo!"- natatawang saway ni Cassy.

"Mag thothousand miles bar tayo wooooh!"- masayang sigaw ni Brian na nagwave wave pa. Para silang mga tanga.

"Anong meron?"- tanong ni Cassy.

"Rank1 ulit tayo woooh! At dahil yun sayoooo bebe!"- masayang bati ni Bea. Mukhang nagulat si Cassy kaya napayakap siya kay Mirco at nag group hug sila.

Nakita ba nila ako kanina o Hangin lang ako nun? Tss. Napailing nalang ako.

"Ano pang ginagawa niyo jan? bat hindi pa kayo pumasok?"- tanong ni Zane ng makalabas siya sa sasakyan niya.Umiling lang ako.

"At dahil jan pupunta tayong Thousand Miles Bar!"- sigaw ni Cassy.Hindi ba sila nahihiya? ang ingay nila.

"Antayin na muna natin si Julia"- rinig kong sabi ni Kuya.Kanina pa kaya ako dito. Sasakay na sana ako ng marinig kong magsalita si CJ.

"Ayun si Julia oh"- napalingon ako kay Cj na turo turo ako.Lumapit naman si Kuya sakin.

"Julia sama ka samin?"- tanong ni Kuya mabilis akong umiling.

"Ayoko"

"Are you sure? Ikaw lang ang tao sa bahay.Ma bobored ka dun.Sumama ka nalang samin para maka bonding ka namin"- Kuya said then he smiled at me.

"Nah...Ayoko talaga.Hindi nga pala ako uuwi.Mag sleepover kami"- sabi ko at ngumiti.

"What? Sleepover? Kayong apat? dalawa lang kayong babae Julia may lalaki kayong kasama"- sabi ni Kuya na ikina inis ko.

"Sa gwapo kong to mapagkakamalan akong may balak"- rinig kong sabi ni Zane at pumasok na sa kotse narinig ko namang natawa si Amber.

"Hindi sila katulad ng iniisip mo Kuya.Mababait sila.Mas mabait pa sa santo"- sabi ko at naglad na papasok ng kotse ni Zane.

Hindi na ako umimik sa byahe at nanatiling nakatingin nalang sa labas.Kahit mas matanda siya sakin hindi padin tama na sabihan niya ang mga kaibigan ko na ganon.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz