Chapter 17

1.4K 45 0
                                    

Julia's POV

Mabilis natapos ang klase at agad kaming nagtungo sa Parking Lot.

"Ihahatid niyo ba ako?"- tanong ko.

"Hindi"- maikling tugon nila at dali daling pumasok sa kotse ni Zane.Seryoso sila? Kanino ako sasabay?! umaambon pa naman.

Kakatok sana ako ng paandarin agad ni Zane ang sasakyan niya.

"Aish!"- ginulo ko nalang ang buhok ko at inayos ang uniform ko.Lagot talaga sakin ang mga to!

Kanino naman ako sasabay?! Wala na si Kuya dito! Ano mag tataxi ako?! Aish! Maglalakad na sana ako ng may makasakubong ako.

"Hey, Are you alone?"- tanong niya.

"Depende kung may nakikita ka"- sagot ko at naglakad.

"I like you miss"- sabi niya.Brian Han a great womanizer.Simulan ko na ba? Lumapit ako dito at nginitian ito.Bahala na.

"Really? Nice catch huh.Ang ganda ko pa naman"- sabi ko at hinawi ang buhok ko. Napatitig naman siya at na froze.

"But.....I need to go home"- sabi ko ulit at naglakad paalis.F*ck! pag hindi ako nakaalis dito maiipit ako.Naririnig ko namang tinatawag ako ng lalaking yun.Kailangan ko ng umalis agad myghad!

Hindi ko na alam kung san ako dadaan para lang hindi ako mahanap ng lalaking to.Kanina pa ako sinusundan ng isang to.Ok lang sana kung hindi to play boy but f*ck! Baka kung anong gawin sakin nito.Oo matapang ako pero sa gantong sitwasyon.No way!

Sa sobrang bilis ng paglalakad ko at hindi na nililingon ang dinadaanan ko ay kamuntikan na akong masagasaan ng isang itim na sasakyan.Napaupo ako sa kalsada dahil sa kaba ko.Aish! Bat ba nila ako ginugulat?! Inayos ko ang paghinga ko at inayos ang buhok ko na nagulo.

"Miss are you----Julia?"- napalingon ako sa nagsalita.Oh God! Thank God! Hindi ko na siya inintay na magsalita at dali dali ng sumakay sa Kotse ni Mirco.Mirco saved the day!

"Bat andito ka pa Julia?"- tanong ni Mirco ng makapasok na siya sa kotse niya.Tinignan ko naman sa may bintana yung lalaking kanina pa ako sinusundan.Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko na ito nakita pa.

"May sumusunod ba sayo? Bat parang hingal na hingal ka"- sabi niya.Eh siya bat andito pa siya? oops! I dont talk to strangers nga pala.

"Just drive"- maikli kong sabi at agad niya naman itong pinaandar na.Tahimik lang akong nakatingin sa labas.

"Kamusta?"- pambabasag ni Mirco sa katahimikan hindi ko to pinansin at nanatiling nakatingin sa labas.

"Hindi kita nakamusta pag dating mo"- sabi niya ulit.

Hangang sa maihatid niya ako ay hindi ko siya pinapansin.Nang bababa na sana ako ay bigla niyang hinila ang kamay ko.

"Galit ka ba sakin?"- tanong niya hinila ko ang kamay ko pabalik at tinitigan lang siya at lumabas na.

Tahimik akong pumasok sa bahay.

"Julia magbihis ka na at kumain ka na"- nakangiting sabi ni Yaya Shiela tumango lang ako at umakyat na sa taas.

Nagpalit ako ng damit at lumabas para kumain.Ako nanaman ang nandito? Psh.

Pagkatapos ko ay agad akong umakyat sa kwarto ko at nilock ito.Nag toothbrush na ako at agad nagtungo sa study table ko.

Itinipa ko ang password ng laptop ko at binuksan ang inemail ni Amber.

Let's start tomorrow

Sinara ko ang laptop ko at nahiga sa kama ko.

---

Tapos ko nang sermonan ang mga baliw kong kaibigan dahil sa ginawa nilang pagiwan sakin.Sinabi ko na din sakanila na gagawin na namin ni Amber ang misyon namin sa anak ni Han na yun.Chaka na muna si Shi Ho si Brian Han muna.

Humiwalay ng upo si Amber samin dahil sisimulan niya na ngang akitin si Brian Han.

Tahimik kaming kumakain habang nakatingin sa gawi nila Amber.

"Bat tawanan lang sila ng tawanan? Nakaka boring"- sabi ni Zane at naghikab.Agad ko naman siyang hinampas.

"Ibutones mo nga yan!"- angil ko na ikinatawa lang niya.Sabay sabay namang nag vibrate ang mga cellphone namin.

From: Amber

Stop staring! mahahalata tayo neto eh!

Hindi na namin muling tinignan si Amber at kumain nalang.Nag disguise si Amber para kahit tapos na ang misyon ay hindi siya makikilala.What's her mission? Break the Playboy's Heart para magsumbong sa Tatay Haha.Joke.Hindi kasi namin mahanap ang identity ni Han Shi Ho kaya gagamitin namin ang anak niya.

Nang matapos ng kumain sila Amber ay lumabas na sila.Tumingin muna dito si Amber at lumabas na.Naka wig lang si Amber pero parang totoo ito.Bale maikli ang buhok niya at nagsuot siya ng contact lense.Nagpaganda din siya para hindi na daw talaga halata na siya yan.Psh!

Lumabas na din kami at sinundan ng tingin sila Amber na naglalakad papuntang Garden.

"Antayin mo si Amber sa Girls Locker"- utos ni Primo sakin.

Mabilis na nakarating si Amber sa Locker room at agad niyang tinanggal ang mga nasa mukha niya.

"I got this"- sabi ni Amber at pinakita sakin ang panyo ni Brian Han.Nginitian ko lang siya at lumabas na kami.

Nagsisimula na siguro sila.

"San kayo galing?Alam niyo ba ang oras ng pasok? Kanina pa tapos ang Break time ah"- nakataas kilay na tanong ng Teacher namin.

"Nagbihis pa po kasi ako"- sabi ni Amber.Hindi na lang nagsalita ang Teacher namin kaya umupo na kami.

Pagkatapos na pagkatapos ay dumiretso kami nila Amber sa Pavillion Ville. Hinatid na muna kami nila Zane sa HQ dahil pupunta daw muna silang Nexus.

Isang oras ang nakalipas bago bumalik sila Ace na may dala dala na.

"Sa pag kakaalam ko sa Nexus kayo pumunta hindi sa ibang bansa"- sabi ko habanang nakacrossed arm.

"San galing ang mga chocolate na yan? Hindi naman nangibang bansa si Lucas ah"- Sabi ni Amber habang hinahalungkat ang dala nilang chocolates na nasa isang box.

"Galing yan sa Commander natin"- sagot ni Zane na ikinatingin ni Amber.Close sila?

"Ah para daw sayo Julia"- nakangiting sabi ni Ace at inabot sakin yung paper bag na dala niya.

"Kilala ba ako ng Commander?"- sabi ko habang kumakain ng Twix na kinuha ko sa box.

"Kilalang kilala"- sabi ni Zane at tumawa.Nagtawanan lang silang tatlo.

"Amber asan yung panyo kanina?"- tanong ko kay Amber.

"Oh nasa Data Room na pala"- sabi niya at nagpunta sa Data Room sinundan naman namin siya at nagsipasukan sa Data Room.

Pagpasok namin sa Data Room ay agad kaming nagtungo sa may lamesa na may computer at Handy Finger Print. Inilagay ko doon yung Panyo na nakuha ni Amber

It only tooks ten seconds to find the owner of that finger print.

Nang lumabas na ay agad kaming napangiti.

Brian Han. 2nd year college at Elite Academy BA. The Future CEO of Han Mansfield. Half-Korean Half-Filipino.His mom is a Pure Filipina and his dad is a pure Korean.He lives in Carolina Ville.

Hmm? Carolina Ville? Napangiti ako sa nababasa ko.Atlast! Masisimulan nadin namin ang misyon namin.

"Ihatid niyo na ako mga ungas"- sabi ko habang kumakain parin ng Twix sa loob ng Data Room.

"You didn't bring your car?"- tanong ni Primo.Isn't obvious?! Aish! Bat ba ganto tong mga to?! Psh!

Napabuga ako sa hangin at napairap "May nakita ka bang dala ko?!"

Padabog akong lumabas ng bahay.Pag ako talaga nainis!

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now