Chapter 65

558 18 2
                                    


"Buhay ka Julia"- Masayang sabi ni Mark. Hindi ito nililingon ni Nicole. Nanatili siyang nakatingin kay Santi na galit na galit ngayon sakanya.

"Kahit kelan talaga kayong dalawa! Laging matigas ang ulo niyo. Eh kung paputukin ko mga ulo niyo ha!"- Baling ni Santi kay Seth at Nicole. Nanatili lang tahimik ang dalawa kahit na may tama ang dalawa. Mapait na ngumisi ang dalawa.

"Lalo kana Julia. Dapat patay kana! Ikaw dapat ang namatay hindi ang kapatid ko! Pinaghiwalay ko na kayo noon. Magkasama nanaman kayong dalawa!"

"Kahit paghiwalayin mo kami magtatagpo at magtatagpo ang mga landas namin."- Sagot ni Seth kay Santi na ikina ngisi nito.

"Eh kung sabay ko kayong patayin ngayon? Kasabay ng mga kaibigan niyo. Hindi ba't maganda yon? Sabay sabay kayong mamamatay. Habang kami ng anak ko masayang lumalabas sa gusaling ito-----

"Hindi mo siya anak!"- Napalingon ang lahat ng may isang boses ang nangibabaw. Lahat sila ay lumingon sa binatang papalapit sa gawi nila.

"Primo." Ngumiti si Santi kay Primo. "Ang gagong leader ng mga hayop na 'to. Kamusta ka? Long time no see. Mabuti at buhay kapa."- Nakangising sabi ni Santi. Hindi niya padin inaalis ang pagkatutok ng baril sa dalaga ganon den ang dalaga.

"Ibigay mo sakin ang anak ko."- Lumingon si Seth kay Primo.

"Anak mo? Nagpapatawa ka din ba? Anak ko ang isang to. Wag kang gumawa ng kwento. Kahit gumawa ka ng kwento papatayin ko padin kayong lahat. Lalo na ang pinaka mamahal niyong si Julia."- Ngumisi si Santi ng banggitin niya ang pangalan ni Julia.

"Hindi ba kayo napapagod kakaprotekta sa babaeng yan? Tahimik naman tayo noon nangielam lang ang babaeng yan!" Galit na sigaw nito.

May kung anong nilabas si Primo sa bulsa niya at itinapon yon kay Primo.

"Resulta yan ng DNA test. Ayan ang makakapag sabi sayo na anak ko talaga ang batang yan. Kaya ibigay mo na sakin si Desha."- Natigil si Santi sa sinabi ng Binata. Kahit si Nicole ay napalingon kay Primo. Napalingon naman si Primo kay Nicole at sa binti nitong may tama. Ganon din kay Seth.

Habang binabasa to ni Santi ay doon na sila naka kuha ng pagkakataon na kalabanin ang mga tauhan ni Santi. Ang mga nagtatagong tauhan ni Dark ay nagsipasukan na para tumulong. Muli nanaman ding nadagdagan ang mga ito ng tumulong na din ang tauhan ni Genesis at si Jacob.

Nakakuha ng pagkakataon sila Nicole kaya agad nilang sinugod si Santi.

"Nicole, Seth kunin niyo si Desha. Lumabas na kayong tatlo may tama kayo. Lalo kana Nicole pag iinitan at pag iinitan ka niya."- Sabi ni Primo sa dalaga. Tutulong pa sana si Nicole pero mabilis siyang hinila ni Seth.

Mabilis na binuhat ni Seth si Desha. Si Nicole naman pa ika ikang maglakad.

"Kaya mo bang maglakad?"- Tanong ni Dark ng bigla itong sumulpot sa harap nila kasama si Hailee. "Let me carry you."

"No need. Kaya kong maglakad."- Sagot ng dalaga.

Hindi na nagsalita si Dark. Inalalayan nalang nila itong maglakad. Nang malapit na silang makalabas ay ipinasa ni Seth ang pagbubuhat kay Desha kaya naman nagtaka ang dalagang si Julia.

"Anong gagawin mo?"- tanong ng dalaga kay Seth. Hindi niya to sinagot at akmang maglalakad pabalik ng hilahin to ni Nicole.

"Babalik ka don?! Alam mong may tama ka babalik kapa? Nababaliw ka nanaman ba?!"- Naiiyak na sabi ng dalaga. Sa mga oras na to kaba ang bumabalot sakanya. Oras na umalis nanaman ang binatang nasa harap niya siguradong hindi nanaman ito makakabalik.

"May bomba sa taas. Kailangan ko silang masabihan."-sagot nito.

"Anong silbi ng mga earpods na yan, Seth?"

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now