Chapter 64

643 26 7
                                    


Napag pasyahan namin nila Aric na lumabas na. Nakaka boring ang party niya. Tch.

"Is that Cassy and Mirco?"- sabay sabay kaming napalingon sa may garden malapit samin. We saw them. Mirco and Cassy. Nagyayakapan. Tch.

Bigla kong nakalimutan dati nga pala silang magjowa.

"Let's go home. Im tired."- sabi ko at naunang naglakad papasok sa kotse ko.

Habang nasa byahe kami biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong tinignan. Agad ko ding tinaob ng makita ko ang pangalan na andon. Hindi pa alam nila Aric na may ugnayan kami ni Mirco. Pag nalaman nila tiyak na magagalit ang mga to.

Bakit nga ba ako nagtatago? Bakit nga ba ako nakikipag ugnayan kay Mirco. Galit ako. Galit ako sakanila.

Mabilis kaming nakarating sa palasyo. Agad akong umakyat sa kwarto ko at nagbihis. Bago ako mahiga ay kinuha ko ang telepono ko at tinignan ang message ni Mirco.

'Hey, wala lang yong nakita mo. Masyado lang talagang clingy si Cassy sakin'

'So what?'

Sagot ko sa mensahe niya. Maya maya pa ay tumawag siya. Napairap ako bago ko ito sagutin.

"What?"

"Are you mad?"

"Why would i, idiot."- walang gana kong sabi

"Are you jealous?"

"Youre funny. Ako magseselos? Bakit naman?"- sagot ko at natawa.

"Hindi ka nagseselos? Seryoso? Bakit?"

Natawa ako saglit. "Hindi naman tayo, bat ako magseselos?"- sagot ko.

"Ouch. You break my heart."

"Wala akong oras makipag kwentuhan."- sagot ko at agad na binaba ang tawag. Natawa ako bigla. Napaka paepal non. Wala ako sa mood ngayong araw kaya wag siyang mag inarte.

-----

Nagbibihis ako sa loob ng walk in closet ko ng makarinig ako ng boses mula sa labas.

"Kakain na po kamahalan. Lumabas na po kayo."

Inayos ko na ang suot kong damit. Tumingin muna ako sa salamin at tinignan ang sarili ko.

"Umuwi naba sila seth?"- tanong ko habang nagsasandok ng pagkain.

"Dumiretso na sila sa school ni Desha. May pasok daw kasi si Desha ngayon.

Mag-isa akong umupo at kumain. I was busy eating when my phone rang.

"Nasan ka? Si Lucas inatake"

Napatigil ako sa narinig ko. Dali dali akong tumakbo paakyat sa kwarto ko.

"Nasaan si Seth?"- tanong ko

"Andito kaming lahat sa Nexus ti----

Hindi ko na pinatapos si Zane sa pagsasalita. Agad akong nagpalit ng damit at tumakbo papuntang sasakyan ko. Narinig ko pang sumigaw si Mimi at si Butler George.

Agad kong pinaandar ng mabilis ang sasakyan ko. Nang makarating ako sa Nexus ay agad akong umakyat.

Sinalubong ako nila Genesis.

"Nasan sila?"- tanong ko ng harangin nila ako. "Calm down Nics. Tara na muna sa lab"- aya nila sakin na ikina kunot ng noo ko.

"Sa lab? Are you idiot? We----

Bigla nalang ako nilang hinila papuntang lab. What the hell. Ano namang gagawin ko sa lab? Idiots!

"Get off of me idiots."- pagpupumiglas ko. Nang malapit na kami sa lab ay agad nila akong binitawan. Tinignan ko sila ng masama.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now