Chapter 9

1.5K 44 1
                                    

9
Julia's POV

Agad akong tumalikod ng mapatingin siya sa gawi namin. Napatingin naman sila Ace samin.

"I think we need to go"- sabi ko at inilapag ang basong hawak ko sabay hila kay Amber. Nagsisunudan namang ang mga lalaki samin.

"UY! Teka! bat tayo dadaan dito sa likod?"- tanong ni Amber habang hila hila ko siya.

Napatigil naman ako at nagtago ng makita kong andun ang iba nagmamasid. Pano kami nito lalabas?

"What are you doing Julia? Anong meron?"- naguguluhang tanong ni Primo.

"Shhh!"- yung nalang ang naisagot ko sakanila.

Napatigil ako ng may marinig akong yapak na papalapit dito.F*ck! Anong gagawin ko?! Wala na kaming dadaanan pag bumalik kami makikita kami at baka isipin na nagtatago kami.

Pabilis ng pabilis ang kabog ng dibdib ko ng palakas ng palakas ang yabag ng paa na naririnig ko. Nang maramdaman kong may tao sa likod ko ay napapikit nalang ako.

"Julia? Anong ginagawa niyo jan? Hinahanap namin kayo ah"- napadilat ako at napahinga ng maluwag. Agad akong humarap kay Genesis at tinanggal ang mask ko at huminga ng maluwag. Pinasadahan ko ng kamay ko ang buhok ko.

"Ano bang nangyayari sayo Julia?"- tanong ni Ace.Huminga muna ako ng malalim at nagsalita " They're here"- sabi ko na ikinakunot ng noo nila. Pati sa Genesis at Ash ay naguluhan.

"Ang ibang Red Tiger at kanang kamay ni Santi. Andito at sigurado akong tayo ang hinahanap nila"- sabi ko na ikinagulat nila.

"Ano bang sinasabi niyo? sinong naghahanap sainyo?"- naguguluhang tanong ni Genesis.

Nagpunta muna kami sa Parking Lot at chaka kinwento ang nangyari samin sa DU. Kahit sila ay nagulat kaya daw pala nawala kami ng matagal kasi nakulong kami.

"Ngayon lang ako nakarinig ng ganong school"- sabi ni Ash at umiling iling.

"Tutulungan namin kayo.Kami naman ang tutulong sainyo"- sabi ni Genesis at ngumiti.

----

Nakarating agad kami sa HQ dahil sa tulong nila Genesis.Mukhang desperado sila sa paghahanap samin.Pano kami sa school? Delikado kami dun.Baka pakalat kalat lang sila.

"Wag muna kayong maglalabas sa school"- seryosong sabi ni Primo while eating his bread.

"Julia.Amber wag munang matigas ang ulo.Pag naboboring kayo matulog kayo"- Primo said while laughing. Good idea huh?

"Tinuruan mo pa"- sabi ni Ace natawa nalang si Zane.

"Isa kapa Zane.Ikaw lang magisa ang layo mo samin kaya umayos ka din"- baling ni Primo kay Zane na nakatingin sa cellphone niya.

Mabilis ko namang inagaw ang cellphone ni Zane at tinignan ito.Puro cellphone number? ng mga babae?

"What the hell. Ang dami mo namang babae!"- sabi ko at hinagis ang cellphone niya sakanya.

"Umayos ka nga muna Zane! Stop dating! itigil mo muna yang pakikipag date mo!"- sabi ni Amber at umirap kay Zane.

"Jealous huh?"- pangaasar ni Zane.

"No way"- sagot ni Amber at umirap.Natahimik naman kaming lahat na para bang may dumaang anghel.

"What's the plan?"- tanong ni Ace.

"Pwede bang bumalik tayo sa DU?"- tanong ko." I just want to make sure what really happened. Kung nakatayo padin ba ang eskwelahang yun, nakalabas na ba ang ibang estudyante o may naiwan dun.Kailangan din nating balikan si Erris"- paliwanag ko.

"Malabo ang gusto mo Julia.Mainit ang mga tauhan ni Santi satin.Pinaghahanap nila tayo.Sigurado akong nakakalat lang sila jan"- Primo said.He's right. Baka nga nakakalat sila jan sa tabi tabi.

"Yung tape Julia? Nasaan?"- tanong ni Ace.Nadala ko ba yun?

"Nailigpit ba yun ni Seth?"- tanong ko at dali daling umakyat sa taas.

Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha sa walk in closet ko yung mga dala namin dito.Inisa isa ko ito simula sa bag na dala namin. Wala dito.Kinuha ko yung maliit ko box na pinaglalagyan ko ng kwintas ay singsing.Wala din dito? Saan ko ba nilagay yun? Binuksan ko yung malaking bag kung san andoon lahat ng gamit Ng Black Dragon.Simula sa mga Armas nila hangang sa mga damit.Laking tuwa ko ng makita ko ito. I can't lose this tape.Eto nalang ang alas namin.

Niligpit ko na yung mga ikinalat ko at inilagay ko sa drawer ko yung tape kasama ng maliit na box kung saan nakalagay yung kwintas at sing sing.Bumaba na ako pagkatapos kong makita iyon.

----

Napaka bilis ng panahon mag dadalawang buwan na kami dito. Dalawang buwan kaming nagtiis sa boring naming teacher. Dalawang buwan kami nagtiis na hindi magpalabas labas.Dalawang buwan kaming hindi nagpansinan ni Kuya. Dalawang buwan kaming patulog tulog sa klase at ngayon? nasa Detention Room kami 30 mins kami sa Detention room dahil sa pagtulog na ginawa namin.

"Meron nalang tayong 20 mins dito"- Bored na sabi ni Amber.

"Matulog nalang kaya ako?"- tanong niya.

"Sino bang kausap mo? baliw ka na ba?"- tanong ko natatawa niya namang binato ang Blazer niya. Binato ko din to pabalik sakanya.

"Wag ka ngang bastos mas maganda ako sayo"- sabi niya at binato nanaman ang blazer niya natawa naman ako sa pinagsasabi niya.

"Kilabutan ka nga Amb!"- binato ko nanaman ulit.

Nang bumalik nanaman to sakin binato ko ito sa likod ko. Bahala siya jan.

"May natamaan ka Shunga!"- sabi niya at tumawa.Napatingin naman ako sa pumasok.It was Mirco na may pasa.What happend to him?

Bigla nanamang bumukas ang Glass Door at may Anim na lalaking pumasok. Teka sila yung nakaaway namin ah.Don't tell me nakaaway to ni Mirco.Isa laban sa anim?

"Juls,May naamoy ka ba? Parang may masamang espirito dito sa loob ng Detention"- sabi ni Amber na ikinahagalpak ng tawa ko. I cant take this anymore? Ano bang pinagsasabi ng babaeng to.

"Kelan pa naaamoy ang masamang espiruto?"- natatawa kong tanong. Napatingin naman yung anim samin at agad kaming nakilala.

"Yung dalawang matapang na babae pala to"- sabi ng isa sakanila.

"Kelan ka pa nabulag?"- tanong ko.

"Kayong mga bakulaw. Dahil sainyo na detention kami"- akmang susugod si Amber ng pigilan ko siya.

"Ang bagal niyo kasi eh.Mga hindi marunong tumakbo"- sabi niya. Nakita ko naman si Mirco na tahimik na nakatingin samin. Seryoso talaga?! Siya lang ang lumaban sa anim na to.

"Para kayong yung isa dito.Puro salita wala naman sa gawa. Parehas kayong bobo!"- sabi niya wala pang ilang minuto ng sumugod si Mirco sa lalaking yun at sinapak ito.Agad kaming naalarma ni Amber kaya hinarang na namin to.

"Eh G*go ka pala eh! Sino bang nauna!"- sigaw ni Mirco habang nagpupumiglas. Susugod nanaman sana siya ng hawakan ko na siya.Nakaharang lang kasi ako.Napatingin siya sakin at inayos ang sarili niya at chaka umupo ulit.

"Kung wala pala kami dito naging madugong Detention Room to"- mataray na sabi ni Amber.

"Mga wala namang palag.Lalo na kayong dalawang babae.Ang hihina na nga ang bobobo pa.Hindi ba kayo pinalaki ng magulang niyo? Wala kayong kaibigan? Siguro wala. Nasan Friends niyo? patay na?"- pangiinsulto niya at chaka tumawa.

"Oh baka naman mga weak din. Baka katulad kayo ng kaibigan niyo. Walang binatbat. Mga talun----

Hindi ko na siya pinatapos at hinawakan na agad ang kwelyo niya.Masyado ng matapang ang isang to.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon