Chapter 74

106 2 1
                                    

"Julia! Saan ka pupunta ano ba!" Tawag ni Mark sa nakababata niyang kapatid na ngayon ay lalabas na sana ng pintuan. Hinila niya ang kamay nito at pinaharap sakanya.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ha? Ikaw ang magbubuwis ng buhay?" Di makapaniwalang sabi ng nakakatandang kapatid ni Julia o mas kilalang si Nicole.

"Alangan naman buhay nila? O buhay niyo? Sino ba ang nagsimula nito? Ako lang diba? Ako ang pinaka kailangan ni Santi dito!" Sigaw muli ng dalaga.

"Pero hindi yan ang solusyon! Marami pang pwedeng gawing solusyon Julia! Hindi mo pwedeng isuko sakanya ang sarili mo."

Napa pikit na lamang ang dalaga at pinipigilan maluha. Hindi niya lubos maisip na hahantong nanaman sa ganto, may isa nanamang mahuhuli at mahihirapan ng dahil sakanya. May isa nanamang madadamay ng dahil sakanya.

Julia/Nicole's POV

Minulat ko ang mata ko at tinignan si Kuya na nasa harap ko.

"Gumawa muna tayo ng plano Nics, wag kang magpadalos dalos please." Napatingin nako ngayon kay Primo. Tinignan ko naman sila isa isa.

Pumatak ang isang luha ko ng makita ko sila, sila nalang natira. Sa dami namin sila nalang, mag isip ka ng mabuti Nicole. Please ayoko na may mangyari pa. Ayoko na may mawala. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Nilapitan ako nila Amber at niyakap ako. Ayoko na please ayoko na may mawala pa sakanila.

Third Person's POV

Matapos ang pag iyak na ginawa ng dalaga pinagpahinga na muna nila 'to. Hindi sila umaalis sa tabi hanggang sa magising ito.

"Ano ng plano ngayon?" Tanong ng dalaga sa mga kaibigan niya. Nagulat ang iba dahil bigla na lamang nagtanong ang dalaga, madalas kasi si Nicole ang tinatanong nila.

"Ang mab---Alamin niyo kung sino o ano yung organisasyong sinasabi ni Aric nung nakaraan." Putol ng dalaga sa pagsasalita ng kaibigan ng kuya niya.

"Ako na ang bahala don." Sagot naman ng kaibigan niyang si Genesis. "Baka sakaling maging kakampi natin yon." Dagdag pa nito.

"No, wag muna basta basta magtiwala." Sagot ng dalaga sa kaibigan.

Nanatili silang tahimik habang ang iba niyang mga kaibigan ay may kanya kanyang ginagawa. Hindi na mapigilan ng dalaga ang sarili kaya naman nagbihis siya, nang pababa na siya agad siyang tinignan ng mga kaibigan niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ng nakakatanda niyang kapatid.

Julia/ Nicole's POV

"May pupuntahan lang ako." Sagot ko at tatalikod na sana ng hilahin nanaman ako ni Kuya, mabilis kong inagawa sakanya ang braso ko.

"Ano ba Kuya! May pupuntahan lang ako, kasama ko si Mirco at Dark." Gulat na napabaling naman saken ang dalawa. Mukhang alam nila ang ibig kong sabihin kaya sumunod sila sakin at lumabas.

"Bakit?" Tanong ni Dark habang papalapit ako sa sasakyan niya. Si Mirco naman ay nanatiling naka sunod samin.

"Pupunta ako sa Caseli Building." Kumunot noong nakatingin sakin si Mirco. "What? Diba sinabi sayo na wag ka muna gagawa ng hakbang?" Sabat niya.

"Then what? Aantayin kong mamatay si Aric don?"

Natahimik sila at tumingin sakin. Pag tumagal pa maaaring galawin ni Santi si Aric, pag nangyari yon sarili ko nanaman ang sisisihin ko dahil sa nag antay nanaman ako ng hakbang.

"Ano tutulong ba kayo o hindi?" Nakataas kilay kong tanong. Kaya sila ang tinawag ko dahil alam kong wala silang magagawa at mapipilitang tumulong sakin. "Kasi kung hindi ako nalang mag isa." Dagdag ko.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon