Chapter 8

1.5K 44 0
                                    

8
Julia's POV

Tahimik kong pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin.Masusuot ko nanaman to. Black na V-neck shirt, Black Leather Jacket,Black na Jeans at black na boots na hindi ganon ka haba.

Inayos ko na ang sarili ko at umupo sa may gilid ng kama kung saan andun yung bed side table ko.Binuksan ko ang unang drawer at nakita ang huling bigay ni Seth sakin. Eto daw yung una niyang nahawakan ng makapasok siya sa DU. Etong baril daw na to ang magliligtas sakin.

Agad kong nilagay sa loob ng Leather Jacket ko yung baril. Inilagay ko na din ang Katana na binigay ni Seth sakin.

Tatayo na sana ako ng may kumatok sa pintuan ko. Naalala ko nanaman tuloy kung pano ako araw arawin nila Seth sa pagkatok. Napangiti nalang ako.

"Anong nginingiti mo jan?"- tanong ni Zane na nakasilip sa pintuan ng kwarto ko.Pinatay ko na ang Aircon at lumapit na sakanya.

Agad ko siyang inakbayan at ginulo ang buhok niya.

"Ang hilig mo padin mangatok ng kwarto ha!"- sabi ko habang ginugulo ang buhok niya.

"Stop it! Ginugulo mo ang buhok ko!"- ngal ngal niya. Tinigil ko na ito at tumawa nalang.

"Bumaba na kayo!"- sigaw ni Primo samin.

"Opo Tay!"- sigaw ko sa baba at tumawa." Raulo!"- sigaw ni Primo.

Bumaba na kami ni Zane at naupo na sa Sofa. Habang busy si Amber sa laptop niya ay nanonood kami.

"Aish! hindi ko naman trabaho to eh!"- ngal ngal niya dahil nahihirapan siya sa ginagawa niya. Trabaho kasi ni Drix ang ginagawa niya.Eh wala naman si Drix eh.

"Ako na nga jan.Ano bang gagawin?"- tanong ni Zane at inagaw ang laptop ni Amber. I checheck lang naman nila ang mga ginagawa sa underground.

"Tara na kumpleto na sila dun at nagsisimula na"- sabi ni Zane at sinara ang laptop niya.

Agad kaming nakarating sa underground. Nang makarating kami ay lahat sila nagkakasiyahan. Naka Mask naman kami kaya hindi kami makikilala.

Agad na kaming naglakad papunta sa gitna kung saan andun ang buong Dark Venom.

"Oh we have a visitors"- gulat na sabi ng Emcee na si Ash. Kelan pa naging Emcee ang isang yan? Solo Fighter yan ah?

"Nagpaparty kayo na wala kami? Hindi niyo man lang kami ininvite? nakakatampo kayo"- sabi ko at ngumisi.

'Tricksters yan diba? kelan pa sila bumalik?'

'The Dangerous Gang is Back'

'Bat pa sila bumalik? wala naman na silang babalikan naagaw na ang korona'

Rinig kong bulungan nila.Pwede pa namang mabawi ang Rank namin.

"Hindi naman namin alam na andito na kayo. Dahil kakadating niyo lang pwede ba kayong i rematch? Ang dating Rank1 Vs ang rank1 ngayon. Game ba kayo?"- tanong ni Ash. Walangya tong Ash na to. Buti nalang ang ready kami. Ngumiti lang ako at nag tumbs up.Napangiti naman si Ash

"Kayo Dark Venom? Ready kayo o aatras kayo? Hindi padin naman kayo mawawala eh"- natatakot ba sila na baka mawala sila sa Rank1?

"Kelan ba kami umatras?"- cool na sabi ni Mirco. Ngayon ko nalang ulit narinig magsalita si Mirco.

Kung dati kalahati lang ang mask namin dahil nasa may mata lang ang mask namin. Ngayon naman ay bibig na ang tinatakpan mata lang namin ang nakikita. Ganto kami sa DU eh.

Tahimik kaming umakyat sa battle stage. Tahimik din na nakatingin samin ang ibang mga gang. Sila lang ang andito. Mga tao kasi talaga ang mga nanonood samin. Eh ngayon may party kaya sila ang manonood samin.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now