Chapter 67

513 19 11
                                    


Nanatiling tahimik si Nicole habang iniintay magsalita si Santi. Pinagmasdan ni Santi ang mga nasa loob. Naglakad lakad ito na para bang supervisor na nagchecheck.

"Manang mana ka talaga kay Joseph."

"Kilala mo ang Daddy ko?"- Di makapaniwalang tanong ni Nicole.

"Ofcourse. He's my Mom's mortal enemy."- Ngumiti si Santi sa Dalaga.

"Kung hindi kasi nangielam yang si Joseph, hindi siya mamamatay."- Mas lalo pang nagulat si Nicole. Dahil sa inis niya ay sinuntok niya ang salamin.

"Anong alam mo sa Daddy ko?!"- Galit na sigaw nito.

"Woah! Woah, Easy my dear. Hindi pa ako nagsisimulang magkwento."- Natatawang sabi ni Santi. Tahimik na nakatingin lang sila Amber kay Santi. Si Cassy naman ay ganon din.

"Ang tatay mo ang pinaka magaling sa lahat. Siya ang dahilan kaya nawala sa posisyon si Mommy. Napaka pakielamero kase ng Tatay mo. Parang ikaw.  Masyadong curious sa mga bagay bagay. Nalaman ng Tatay mo na may ginagawang kakaibang gamot si Mommy kaya nagsumbong siya at napatalsik sa pwesto si Mommy. Napaka maka sarili ng Tatay mo...."

"Masamang tao din ang tatay mo. Kaya niya pinatalsik si Mommy dahil gusto niyang maka angat. Nang maka angat na siya nagpatayo siya ng sarili niyang eskwelahan, hindi ba? Nagpatayo siya ng magandang bahay."- Muling tumawa si Santi.

"Ano namang connect niyo sa Daddy ko. Anong atraso sainyo ng Daddy ko?"- Tanong ni Julia kay Santi. Humarap si Santi kay Julia.

"Para kalabanin ang Mommy ko. Gumawa si Joseph ng gamot. Nalaman ni Joseph na naka gawa ng virus si Mommy kaya agad siyang gumawa ng gamot. Ayaw niyang ipa alam sa iba na meron siyang antidote. Gusto niya ay sakanya lang. Hindi binigay ng Daddy mo ang eksperimento niya kaya....We kill him.."

Tuluyan ng lumuha si Nicole.

"Kayo ang pumatay sa Daddy ko? Napaka sama mo Santi!! Wala kang puso! Hayop ka!!"- Sigaw ni Nicole mula sa loob.

"Bakit mo to ginagawa? Ano bang kasalanan namin sayo."- Halos pabulong na na sabi ni Nicole

"Kung ibinigay lang sana ng tatay mo yung antidote na yon hindi siya mamamatay. Pero kulang pa yon. Kulang pa yon sa lahat ng kasalanang ginawa niya. Kaya ipinadala kita sa Death University para makabawi sa tatay mo. Noon palang balak ko na talagang manguha ng alas. Noon palang gusto na din kitang kunin at pag eksperimentuhan din. Para maghirap at maparusahan ka. Kaya din kita ipinadala don para pag eksperimentuhan ka. Dugo mo ang kinuha ng tatay mo para maka gawa ng antidote kaya alam kong makakagawa din kami non. Dahil masyado ka ding pakielamera kagaya ng Tatay mo nasira ang plano ko."

Umiiyak na tumingin si Nicole kay Santi. Gusto niya na itong patayin dahil sa sobrang galit.

"Pare parehas kayo nila Erris mga pakielamera. Oh by the way. You wont believe me. Erris is your long long lost sister...."

Lahat sila ay nagulat. Pati si Primo ay nagulat sa narinig niya.

"I kidnapped Erris. I kidnapped your sister."- nakangiting sabi ni Santi.

" Bata pa lamang si Erris ng dalhin ko na siya sa eskwelahang ginawa ko. Kasabay ng pag kidnap ko kay Erris ay ang pagkamatay ng Nanay niyo. Ayaw niyang ibigay si Erris edi---Pinatay nalang namin siya...."

Ikinuyom ni Nicole ang mga kamao niya dahil sa sobrang galit. Galit at lungkot ang nararamdaman niya ngayon.

"Pinag eksperimentuhan din namin si Erris. Baka sakaling maka buo na kami ng antidote pag si Erris ang ginamit namin. Yes, we succeed. May isang gamot na kami na gawa sa dugo ni Erris, at... dahil sayo nawala ang gamot na yon, dahil sa pagiging pakielamera mo. Kapalit ng gamot na nawala mo ay ang buhay ng kapatid mo."

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon