Chapter 68

778 27 16
                                    


Lahat sila ay nagtakbuhan papunta sa elevator sa 1st floor. Sinipa nila ang pintuan ng elevator para mabuksan ito ngunit hindi padin umipekto.

Pinilit na buksan ni Aric at Zane ang elevator. Sabay sabay nilang hinila hangang sa bumukas na ito ng onti. Nang mabuksan na ito ay nagulat sila ng walang kahit anong laman doon. Hindi pa bumababa mismo ang elevator kaya naman pumasok si Aric sa loob at hinila pababa ang sinasakyan nila Nicole. Lumabas na siya ng malagyan niya na ito ng tali.

"Pull!"- Sabay sabay nilang hinila yon hangang sa makababa na ang sinasakyan nila Nicole.

Walang malay si Nicole kaya nilabas na nila agad ang dalaga. Si Primo naman ay may mga galos.

"Si...si Lucas, at Seth..."- Umiyak si Hailey dahil sa dalawa lang ang nakaligtas.

"Dalhin niyo na agad sa Ospital si Nicole. Padating na yung mga ambulansya na pinadala ko."- Utos ni Aric. Binuhat ni Primo si Nicole at sinakay sa sasakyan.

Sumama na si Hailey at Amber para narin mabigyan ng first aid si Hailey dahil may tama din ito.

Naluluhang tinitigan nila Ace ang building kung saan doon na sila halos lumaki. Doon sila sumaya. Doon nila nadama ang tunay na pamilya. Nagsimula ng magsidatingan ang mga kapulisan at nag imbestiga.

"Fvck! Kung dumating ako ng maaga, edi--edi sana may natulong ako..."- Naiiyak na sabi ni Ace sa mga kaibigan niya. Yumuko siya.

Napaluha ang magkakaibigan ng lapitan sila ng mga pulis at iabot sakanila ang plastic kung saan naglalaman ng kagamitan ni Seth at ni Lucas.

Nanginginig na kinuha yon ni Amber. Napatakip siya sa bibig niya ng mahawakan niya ito. Tuluyan ng naluha ang magkakaibigan.

----

Isunugod agad si Nicole sa ER ng makarating siya sa sarili niya ring ospital. Nagulat si Ellon at ang ibang kasamahan nito ng makita nilang duguan ang Doctor na si Nicole. Pagkatapos siyang gamutin ay agad siyang diniretso sa isang private room at doon pinabantay ang dalaga.

----

"Ano po ba talaga ang nangyari?"- Tanong ng isang pulis kila Amber.

"Ah, pinasok kami ng isang grupo dito at naglagay ng bomba. You know this building is a private building at maraming mahal na bagay ang nandito kaya pinasok kami ng terorista."- Paliwanag ni Amber. Tumango tango lang ang mga pulis.

-----

Nicole's POV

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko ng maramdaman kong parang may tumusok sa balat ko. Napalingon ako sa taong nasa tabi ko at nagtusok ng kung anong karayom.

"Gising na po pala kayo, Maam. Tatawag lang ho ako ng Doctor."- Ani ng babaeng naka uniporme. Kung hindi ako nagkakamali nurse to at nasa ospital ako. Hindi ko maibuka ang bibig ko dahil nanunuyo ang lalamunan ko. Hinawakan ko ang kamay ng babae at pinigilan tong umalis.

"I-i-labas m-o ako dito..."- Mahinang bulong ko.

"Ma'am naka confine po kayo dito. Hindi po kayo pwedeng umalis. Mahina pa po ang katawan niyo."

"I-ikuha mo ako n-g t-tubig.."- Sinunod niya ang sinabi ko at inabutan ako ng tubig. Mabilis kong ininom to at ini abot muli sakanya.

Bigla namang lumabas ang nurse. Dahan dahan naman akong umayos at umupo. Kailangan kong umalis. Kailangan kong puntahan si Seth. Kailangan kong puntahan si Lucas. Napapikit ako ng maalala ko ang huling nangyari. Naiiyak kong tinignan ang dextrose na nasa kamay ko. Tatanggalin ko sana to ng biglang may pumasok na Doctor kasama si Primo.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin