Chapter 66

561 19 6
                                    


Nicole's POV

Tahimik kong tinatahak ang Nexus dahil ipinatawag nanaman ako doon. Hindi pa ako nakakapasok ng mapansin kong lahat sila nasa baba tila ba may kinakausap na kung sino.

Binati ako ng mga guard ng makapasok na ako. Lahat sila ay napatingin sakin. Napahinto ako ng may isang lalaki na lumingon na din saakin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Sa tagal ng panahon na hindi ko siya nakita at ngayon nasa harap ko siya. Nasa harap ko ang kaibigan kong hinahanap ko ng ilang taon.

"Nathan...."

Siya na mismo ang lumapit sakin dahil sa hindi ko na din maigalaw ang mga paa ko at tila ba na stuck nalang sa kinatatayuan ko.

"Kamusta? I heard your a princess now."

Hindi na ako sumagot pa at mabilis kong niyakap si Nathan.

"Asan si Charlotte? Magkakasama ba kayo? Kamusta kayo nila Drix? Ano? Saan kayo ngayon?"- sunod sunod kong tanong kay Nathan na ikina tahimik niya.

"Wala na sila....patay na sila Charlotte."- naluluhang sabi ni Nathan na ikina tigil ko. Tila ba parang tumigil ang lahat. Wala akong mai sagot.

"P-ppano?"- nauutal kong tanong kay Nathan.

"Hindi naka ligtas si Charlotte ng sumabog yung gubat. Kasama niya si Drix noon."- Hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko na kanina pa gustong tumulo.

"I came here para tulungan kayo. Para maghiganti kay Santi. Para bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga kaibigan natin."- Napatingin ako kay Nathan. Muli ko siyang niyakap.

Hindi ko alam kung pano natapos ang usapan namin na yon, nagulantang nalang ako nasa conference room na kami kasama si Nathan at ang grupo nila Mirco.

"Pano tayo naka sisigurong kakampi yan? Bago lang siya at biglang sumulpot."- Napalingon kaming lahat kay Cassy ng magsalita ito. Napairap nalang ako dahil sa inaasal niya.

"Kaibigan namin siya. We trust him and we know him well, so you better shut your mouth."- sagot ni Amber sakanya.

"Kahit na kaibigan niyo siya may chance pa din na magloko siya. Baka nga-----

Hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng muntik ng may tumama sakanyang kutsilyo mula saakin.

"Pag hindi mo itinikom ang bibig mo ipapatama ko na sayo to. Wala kang karapatang akusahan ang kaibigan namin lalo na't wala kang ebidensya."- Napatigil siya sa sinabi ko.

Lumipas ang ilang minuto ng mapag pasyahan ng grupo nila Mirco na umalis nalang muna. Nang umalis na sila ay mabilis naming inilock ang pinto.

"What's going on?"- nagtatakang tanong ni Hailee dahil binuksan ko ang malaking TV sa harap namin at pinakita ang buong CCTV Footage.

"May duda ako kay Cassy."- tipid kong sagot na ikina tahimik nilang lahat.

"What do you mean?"- tanong ni Zane.

"Ako den. May duda ako sa babaeng yon."- sabat ni Amber na mas lalong ikina tahimik ng lahat.

"Hindi ba kayo nagtataka kung pano nila tayo nasundan? Kung pano din nalaman ni Cassy na dinukot ni Santi si Desha. Kung pano nalaman ni Cassy yung lugar na yon."- Dire diretsong sabi ko.

"Tayo lang ang nakaka alam non dahil may tracker ang kwintas ni Desha. Hindi pinadala ni Lucas sila Mirco kaya nagulat nalang si Lucas kung bakit andoon ang grupo nila."- pagpapatuloy ko.

"Gusto daw tumulong ni Cassy kaya nagpunta sila. Yun ang sagot ni Troy."- Dagdag ni Amber.

"Yung school na pinapasukan ni Desha, hindi kilalang school yon at tayo tayo lang ang nakaka alam. Pano nalaman ni Santi yon? At bakit nung nakikisali na sila Mirco sa laban nung araw na yon kumpleto sila at si Cassy lang ang wala. Hindi ba kayo nagtataka?"- Mukhang nagkaroon na sila ng clue kaya naman nag si hingahan na ang mga ito.

The Dark Venom's Princess (COMPLETE)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt